♥♥♥
"Hhmmm?" Inaantok kong sagot sa phone nang hindi tinitingnan kung sino ang caller. 'Pag si Aime na naman 'to at nag-aalok ng networking, iba-block ko ang number n'ya. Simula nang makontak noon mga nakaraang linggo, hindi na s'ya tumigil sa pagti-text at pagpapadala ng MMS na may hawak na sangkatutak na tig-isang daan at pabalik-balik na caption, 'Gusto mo bang magkapera tulad nito? Sali na sa Loyal Products!'
[I want spaghetti.] Hindi ako natinag nang boses ni Ice ang nag-demand sa kabilang linya.
"Hhmmm burger. Gusto ko cheese burger," inaantok kong sabi. Hindi pa ako tuluyang gising dahil sa nagpaparadang pagkain sa harapan ko habang sumasayaw ng Wiggle-wiggle.
[Are you high?! I said I want spaghetti!]
Tuluyan na akong napamulat dahil sa singhal n'ya.
"Sabi ko, gusto ko ng cheese burger! Ano naman ngayon kung gusto mo ng spaghetti?! Ipapadala ko sa'yo via text?]
[Cook it for me. That's the first deed.]
Sa pinaghalong antok at inis, hindi ko maintindihan ang ibig n'yang sabihin.
[Hey! Are you dead? I said that is your first deed!]
Katulad ng flashback sa mga teleserye, bumalik sa isip ang lahat ng napagkasunduan
namin kahapon; kung paano n'ya ako pagbantaan gamit ang litratong kalunos-lunos, kung paano ako naihi pag-uwi dahil sa pagkabaliktad ng sitwasyon naming dalawa. Wala na akong magawa kundi tanggapin ang sitwasyon at makiusap.
"Pwedeng 'maya na? Alas nwebe palang ng umaga, pagpahingahin mo naman ako sa linggo."
[No. Get your lazy *ss and cook spaghetti!]
"Napuyat ako kakareview kagabi. Final exams na namin this week. Promise, sa sembreak, pwede mo akong alilalin."
[No.]
"Pero 'di ako maru-"
[I'll text you the address. Quick.]
"-nong magluto ng spaghetti."
Ngunit naputol na ang tawag bago n'ya iyon narinig. Pinangigilan ko ang unan sa inis pagkatpos ay padabog na naghanda para umalis.
♥♥♥
"Why are you late?" salubong n'ya sa entrance ng condo building. Oh di ba, ang sweet ng walang hiya.
"Dumaan ako para magsimba." Pinagdasal kita, animal. "Tsaka hoy lalaki, kilala ni Tita kung sino ka, kaya 'wag kang mag-isip ng kung ano. Suspek ka na agad kung may mangyaring masama sa'kin."
"Did no one tell you to shut up? You're not even hot. Not worth of jail time."
Upang matapos na agad ang pagtatalo, hindi na ako nagkomento at sinundan s'ya sa elevator. Maya-maya pa pumasok na kami sa flat. Ngunit inabutan ko sala ang dalawang lalaking kasama n'ya noon sa coffee shop. Dala na rin ng gulat, nahablot ko ang likod ng suot na T-Shirt ni Ice at parang batang nagtago sa likod n'ya.
Ba't ko nga ba ginagawa 'to? Dapat kumaripas na ako ng takbo sa pinto. Kahit na a humingi sila ng tawad, hindi rin naman basta-basta makakalimutan ang gulong ginawa nila noon. Malay ko ba kung matagal nilang pinagplanuhan ang lahat at matutuloy ang panggagahasa sa'kin? Kalat pa naman sa dyrayo at balita ang pagtaas ng krimen sa syudad.
"What are you doing?"
"B-bat nandito sila?" nahihintakutan kong bulong.
Nang 'di sumagot, binitiwan ko ang pagkapit sa kanyang damit at tatakbo sana sa pinto ngunit mabilis n'yang nahablot ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...