18. Si Inkarnasyon, Nagpakipot?

87 19 2
                                    

♥♥♥

Siimulan ko ang araw ng pananampal. Hindi masyadong malakas, pero sapat na para pumatay ng lamok. Syempre masakit. Kaya normal lang na magalit si Iceng lumagapak ang palad ko sa kanyang mukha.

"What was that for?!"

Una, upang siguraduhing hindi ako nananaginip. Alangan namang sampalin ko ang sarili.

Pangalawa, naka-programa na sa katawan ng tao ang magulat kapag namulat ng may katabing lalaki, manipis na hangin na lang ang nakapagitan sa pagmumukha ninyong dalawa. Reflex. Swerte siya at walang bonus na sipa.

"Lumayo ka," taboy ko sa ilalim ng kumot.

"You don't need to cover your face, I know you're ugly." Tumawa siya imbes na magsungit. Panandalian akong humiling na kung pwedeng i-record ang tawa niya at gawing alarm.

"Bakit ka tumatawa? Di pa tayo bati."

Naglambing lang siya kagabi, ayos na kami agad?

"Stand up now," pilit niya, hinihila ang kumot.

"Ayaw."

"You need to eat."

"'Di tayo bati."

"Sh*t Face."

"Mas ayaw," tanggi ko sa kabila ng kanyang pagbabanta.

"If you wouldn't get your butt up and eat, I would kiss you."

"Talaga?" sumilip ako mula sa kumot, tinantiya kung gaano siya kaseryosong isakatuparan ang banta. Hindi dahil sa gusto ko, nakakahiya lang dahil wala pa akong sepilyo.

"Stand up," utos niya ng parang may karapatan. Tuluyan na akong bumangon at napamulagat.

"A-ano, saglit lang," sabay kapit sa kumot. "P-Pwedeng mauna kang lumabas? May aayusin lang ako."

"What is it?" ang inip niyang tanong. "You're pretty, you don't need to fix yourself."

Gusto kong barahin ang pambobola niyang tumagos sa buto. Umagan-umaga, ang galing niyang magpaasa.

"Kasi, wala akong... I mean, ano.."

Wala pa akong hilamos.

"...hindi ko, kasi wala..."

Wala pa akong suklay.

"What?! Say it!"

"Wala akong bra!"

Saglit kaming nagtititgan, siya ang unang umiwas.

"Oh," at dumako ang tingin sa hinaharap kong balot ng kumot. "So last night, you, you didn't wear one?"

"Patulog na ako kagabi, okay?!" bulyaw ko, inililibing ang ala-alang nagyakapan kami ng maipis na pantulog lang ang diperensiya ng nakadamit at nakahuad. "Kaya, nakalimutan kong magsu... basta!"

"Well," aniyang nakatuon pa rin sa hinnaarap ko ang tingin."I... if you're not wearing any, get one now."

"Oo nga."

"So, why are you looking at me like that? Go wear one now."

"Kaya nga lumabas ka. Magsusuot ako. Mamboboso ka 'noh?" Paasa na nga, bastos pa.

"Oh, uh, I see. Well, okay. I'll just uhm, close the door," at nagmadali siyang lumabas, napalakas ang bagsak ng pinto. May kung anong kumiliti sa lalamunan ko, sa ayaw o gusto, kumalawa ang malakas na halakahak. Marunong pala siyang mahiya.

Paglabas, nadatnan ko siyang inaayos ang inorder na pagkain. Habang kumakain, maya't-mayang kumakawala ang mahihina kong tawa, habang siya palala ng palala ang pagsusungit. Sa pagitan ng pagsaway at nagsasalubong na kilay, panay ang pilit niyang kumain ako ng mas marami.

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon