44. [ENDING] Si Inkarnasyon, Lalandi Na?

133 12 6
                                    


Hello babes. Ito na ang last update ng 'Hello, Sh*t Face'. Wala na pong kasunod. This story is already under Bookware for publishing pero di ko alam kung kelan. 

Ito ang pinakaunang kwentong sinulat ko sa Wattpad (main account). Parang backbone lahat ng stories ko, 'yong dahilan sa bakit at sagot sa paano ako nagsimulang magsulat at nagpatuloy. Dahil sa SHF, dahil sa mga readers ng unang bersyon ng HSF na nagpakilig sa'kin sa suporta nila.

Isipin niyo na lang na si Ice ang senpai ng lahat ng male leads sa Odde Universe (yep, yan ang tawag ko sa fictional world ng lahat ng kwento ko, lol.) Si Inkarnasyon naman sa mga babae.

Wala pong epilogue at book 2. For now, it is what it is. Nasa Bookware na po lahat ng extra chaps.

Anyway, enough with that (naks, ingles). Gusto kong magpasalamat sa lahat ng #TeamSpaghetti, #TeamSinigang at kahit na #TeamInaJo. Salamat sa pagbabasa! 

Muli, maraming salamat. I-Enjoy niyo ang huling kabanata :)

Ellena Odde

Ellena Odde ♥

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

♥♥♥


"Isang buwan at kalahati, Austin, isang buwan at kalahati," maktol ko habang hinihimas ang ulo ng baldado kong aso.

Isang buwan mahigit. Dumaan na ang pasko at new year pero iniisip ko pa rin siya. Gaya pa rin ba ng dati?

May mga nagbago naman. May dagdag piso sa pamasahe. Bago na ang gulong ni Austin, at dahil diyan, may syota na siya, ang chihuahua mg kapitbahay namin. Noong isang araw nahuli ko sila sa labas, nagpapatungan. At ang chihuahuha ang nasa ibabaw.

Abot langit ang pagkagulat ko ng sinabi ng kapitbahay na si Austin ay babae. Aba. Malay ko bang may obaryo pala ang aso ko. Dahil ng kinupkop ko siya, nag-assume akong isa siyang lalaki dahil sa itsura. Looks can be deceiving nga talaga.

Pero mabuti pa si Austin, masaya ang buhay pag-ibig. Ako? Syempre oo. Mas natuto akong pahalagahan ang mga bagay na dati ay hindi ko napapansin. Natuto akong mag-ayos ng konti, dahil gusto ko at hindi para sa iba. Mas nakikipag-usap na ako ngayon sa karamihan. Kung dati bahay, trabaho, eskwelahan at si Ice lang ang mundo ko, ngayon mas lumawak iyon. Masayang mahalin ang sarili, kaya kuntento na ako.

Oo. Siguro.

Ah basta.

Pagkatapos mag-emote kasama si Austin, nag-ayos ako at pumasok sa university. Unang araw ng pasukan para sa bagong taon, kaya dapat pilitin kong maging masaya.

Hindi ako malungkot.

Hindi ko namimiss si Ice.

Tsk. Syet this monologue, pati sarili, niloloko ko na.

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon