♥♥♥
"I'll be a good kid. An awesome kid. Like really, really, really good. And I'll do my homework." Binayo pa ni Bogs ang dib-dib habang nangangako.
"And if you won't behave?" maiging sinuri ni Tito Andy ang anak, tinatantya kung seryoso ito.
"No TV for a month and Mom won't read me any comics before I go to sleep."
"Poging Promise?"
"Poging Promise," sabay taas ng kaliwang kamay upang manumpa.
"Wrong hand, son."
"Okay," at itinaas ang kanang kamay.
Pagkatapos guluhin ang buhok ng anak, inutusan n'ya itong magpaalam kay Tita. Mabilis pa sa alas-kwatrong tinakbo n'ya ang kwarto.
"Okay lang ba sa'yo, 'nak? Ba't kasi sa Tagaytay gustong pumasyal ng tita mo."
"Malamig po kasi," tukso ko.
Natawa na lang si Tito at napailing. Matapos ng sangkatutak na paalala ng mag-asawa, naiwan kami ni Bogart sa apartment. Sabado ngayon at kahit na may dalawang subjects sa school at nighshift sa shop, pareho akong absent. Minor subjects lang naman, at dahil good shot kahapon kay Mrs. Alvarez sa hatak ni Ice ng customer, pinayagan akong mag-absent. Kaya habang nagyayakapan sina Tito at Tita sa malamig na klima Tagaytay, magtititigan din kami ni Bogs buong araw.
"Don't worry Tita, I'll be good. I promised mom and dad. Don't worry, okay? We watch T.V all day, and movies, and play, and eat...."
After 10 minutes.
"...and I said you can't be dad coz you're not strong. And he said okay. And my teacher came..."
After 10 minutes ulit.
"...and Chi-Chi said I can't play with her 'coz I don't have a Barbie, I mean, boys don't play with Batbie right? And Tita Ina, you'll help me with my project right? Right?"
Matapos magpasalamat na sa wakas ay tumigil na s'ya sa pagdaldal bago bumula ang bibig, doon pa lang ako sumagot.
"Ano ba ang project mo?"
Tinakbo n'ya ang kwarto at patakbo ding bumalik bitbit ang notebook.
"Draw your family. You can ask help from your parents or other relatives," basa ko ng malakas.
"Tsk, this is easy," kumpyansa kong sabi. Ilang linya, bilog at kulay, gaganda na ang stick drawing.
"I want to use watercolors. Not crayons, okay? Blue for dad. Red for mom. Yellow for you and rainbow color for me!"
Napalis ang mayabang kong ngisi.
"Why not crayons? We can draw sticks, it's okay."
"I'll show it to Chi-Chi! Sige na Tita, puh-lease."
Pinabilog n'ya ang mata at ilang beses na kumurap, tila nagmamakaawa. Walang makakatanggi sa batang nagpapa-cute kahit gaano kakulit at kahalay ang pinagsasabi minsan.
Sinimulan ko ng alalahanin sa isip ang mga kakilalang pwedeng masunod ang gusto n'ya.
"Sige. But, I'll call my friend for help."
May mga kaibigan ba akong marunong magdrawing? In short, may mga kaibigan pa ba ako? Since two years ago, tumamlay na ang social life ko. Inuna kong tawagan ang dating kaklase sa highschool na mahilig mag-drawing.
"Hello? Wilfredo, ikaw ba 'to?"
[Sino 'to?] sagot ng marteng boses.
"Ah, si Ina. Kaklase ni Wilfredo sa highschool. Nad'yan ba s'ya?"
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...