♥♥♥
"Say yes," udyok ni Kots, halatang ikinahihiya ang papel sa kakornihang nagaganap. Dahil dito, nadamay pa ang glorious moment ko at minamadali.
Nakisali naman ng ibang mga naroon at napagdesisyunang magkaroon ng partisipasyon.
"Sige na..."
"Sagutin mo na 'yan."
"Pakipot ka pa eh."
At si Ice, na sa pang-ilang beses ay humiiling. "Please Sh*t Face, be my girlfriend."
Gusto kong tumango ng makabali-leeg, pero bilang siguristang hilaw, kailangan kong humirit sa kahulihulihang pagkakataon.
"Basta ha, wala ng bawian."
"I promise."
Magpapakipot pa ba ako? Eh kaya nga nagkabuset-buset ang relationship status ko dati dahil sa pagpapabebe. Hindi ko alam kung ano ang nangyari o sinabi niya kay Pam, pero ang hiling ko ay naging maganda ang kanilang pamamaalam sa isa't-isa.
Wala ng problema 'di ba? Pinipili niya ako at 'yon ang mahalaga. Sasagutin ko siya, araw-araw akong mamatay sa saya at mabubuhay ng sabay. Magkakatuluyan kami at magkakaroon ng mga anak na kasing dami ng mga bata sa isang section ng public elementary school. May magiging engineer, doctor, artista, jueteng lord at producer ng bold. Nakikita ko na ang happily ever after ko.
"O-"
Bago ko pa mabigkas in slow motion ang matamis na sagot, timing na tumunog ang cellphone niya.
♪Old McDonald had a farm... Eyah, eyah yow! And on h-♪
Agad niya iyong sinagot nang makita ang nasa screen.
"Great timing Mom," salubong niya sa kabilang linya na puno ng sarkasmo, nagsalubong ang kilay habang nakikinig.
"I'm working on it," at binigyan niya ako ng makatunaw bakal na ngiti. "No, she's not pregnant. What do you mean birth control?"
Isa na naman sigurong kakaibang paalala ang dahilan kung balit tumawag si Mrs. Nenita.
Bakit masyadong liberal mag-isip ang nanay niya? Pati siya ay hindi rin sanay sa modernang ina. Hindi ko marinig kung anong klasemg pagpapaalala ang sinasabi sa kabilang linya, pero napapansin kong unti-unting namula si Ice hanggang sa biglang pinutol niya ang tawag at binalik sa bulsa ang cellphone.
Hudyat iyon ng pagpapatuloy ng naudlot naming eksena. Hindi rin naputol ang pagkuha ni Jo ng video at pagpapatugtog ni Kots ng love song, na sa ngayon ula sa boyband ng 90s.
"Sorry about that," paumanhin niya. "You were about to say something?"
Humugot ako ng malalim na hininga upang sabihin ang mga kataga, nang muling tumunog ang cellphone. Diretso niyang sinagot ang tawag.
"Mom what n- Pam? Are you okay?"
Nahigit ko ang hininga, unti-unting humigpit ang yakap sa kupol ng bulaklak. May pakiramdam akong hindi maganda ang sususnod na magaganap. Kanina lang, high na high ako. Pakiramdam ko nga lumulutang sa ulap.
"I'm doing something, don't worry. It's..." sumulyapp siya sa'kin, "nothing important."
At mula sa paglipad sa ulap, bumagsak ako sa lupa. Bali buto, basag ulo, wasak puso.
Ako ay 'nothing important'. Eh katatanong lang niya na gusto ko siyang maging syota.
"I'll come now," gumulo ang buhok niya sa kakasabunot sa sarili, hindi mapalagay sa kinatatayuan. "Of course I'll come for you," at pinutol niya ang tawag.
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...