34. Si Inkarnasyon, Fierce Kunyari?

73 7 3
                                    



♥♥♥

Matapos kong magtaray at magpahatid kay Jo, imbes na sa bahay, inaya ko siyang manood ng sine para sapian naman ako ng esperitung pang-good vibes. At ngayon, bago pumasok sa school, kinausap ko si Tita sa Skype.

[Gaga, ipaglaban mo.] ang kanyang reaksyon maaksyong hapunan kagabi.

"Eh minsan po kasi, nakakainis."

[Alam mo, nganga hantungan mo kung lalamya-lamya ka.]

Iyon din ang ibig sabihin ni Jo.

[Sa tingin mo ba, pa'no ko nabingwit ang tito mo? Aba, sa lahat ng mga babaeng kumakarengkeng sa kanya, kailangang ako ang pinaka-haliparot. Naalala ko nga ng minsan ko siyang minolestya sa kwarto habang nagpi-prayer meeting sa labas ang mga magulang niya. Wala silang kamalay na nagmimilagro din kami ng anak n-]

"Tita, tama na po. Hindi na kailangang sabihin iyan. Gets ko na."

Alam kong naging agresibo siya kay Tito, pero sobrang detalye na ang sinabi. Prayer meeting? Jusme! Sa susunod kapag nasali ako sa ganuong sagradong aktibidad, siguradong sila ang maiisip ko. Patawarin nawa.

[Ang punto ko, fight lang ng fight. Aba 'nak, sa gwapo niya at mayaman pa 'kamo, dapat tinatali mo sa kama. O mag bahay-bahayan kayo at gumawa ng-]

"Tita, please po! 'Wag niyo ng ituloy."

[Gumawa kayo... ng taong nyebe. Ikaw naman 'nak, masyadong berde ang utak.]

At ako pa talaga ang bastos mag-isip? Bakit ako napapaligiran ng mga taong bangag? "O sige ho, salamat sa mga, uhm.. payo niyo."

[Sige, balitaan mo ako ha.]

Matapos siyang makausap, pumasok na ako ng hindi nagpasundo kay Ice dahil baka matadyakan ko lang siya. Hiling ko lang ay huwag mag-krus ang landas namin sa skwelahan.

'Kay fine! Na-mimiss ko na siya. Kahit inaway pa kagabi, hindi ibig sabihin hindi ko iniisip. Kahit gustong ikas-ikas ang mukha niya sa semento, hindi iibig sabihin ayaw kong makita iyon. Mahal ko eh, kaya no choice. Pero bwiset parin siya.

Papasok na sana ako sa trabaho nang may tumawag na unregistered number. Matapos sagutin at makilala ang nasa kabilang linya, dumiretso sya sa pakay.

[It's Pam, can we... talk?]

Unti-unting bumangon ang kaba. "S-Sige."

Matapos sabihin sa'kin ang lugar na pagkikitaan, nagtext ako kay Ton-Ton na mali-late ako ng konti. May mga iilan akong hula kung bakit makikipagharap si Pam.

Pwedeng tungkol sa inasal ko kagabi o pwede rin namang wala lang siyang magawa kundi ang ipamukha sa'kin kung gaano siya kaperpekto. Ah basta, kahit ano pang rason, ihahanda ko ang sarili. Dahil alam kong pagkatapos ng usapang ito, magkakaroon ako ng kundi..

a. bagong kaibigan

baka...

b. matinding karibal.

♥♥♥♥

Pagpasok sa coffee shop, agad kong naispatan si Pam. Nakaupo siya sa pinakasulok, at as usual, nagmamaganda. 'Yong effortless na tipong 'di na kailangang magpulbo sa lahat ng oras dahil hindi naman minamantika ang mukha. Ang kabuoan niya ay umaalingasaw ng salitang 'babae'.

Mula sa malakandilang hulma ng kamay, pagkakapusod na buhok at sa eleganteng kilos na bumagay sa bulaklaking bestida, daig pa niya ang gumagawa ng music video, bente kwatro oras. Isa pa 'tong nakakainis, masyadong maganda. Ang sarap iuwi sa bahay at gawing dekorasyon.

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon