♥♥♥
'Di nga ako maka-move on sa paghakot nIya ng pogi points nang minsang dalawin at magpakyut sa coffee shop. Subalit kinabukasan, may kakaiba sa kanya. Hindi man sinasabi pero may napapansin akong kulang kay Ice. Miminsan na lang siya kumontra sa sinasabi ko. Hindi na rin siya masyadong mainipin at nagpapaubaya sa kung ano ang gusto kong sabihin o gawin.
Basta, may iba. May mali. Siguro, hindi lang ako sanay na nagkakasundo kami. Ewan. Hindi na lang ako nag-usisa at baka sinusubukan niya talaga akong suyuin. Naks, ang haba ng buhok ko. Sa ngayon, kailangang ko ding harapin ang matagal ng bumabagabag sa iisip ko.
[Oh, Kumusta na diyan?] tanong ni Tita. Kung dati araw-araw kaming nagbi-video call sa Iskayp, ngayon ay every other day na lang dahil siguro ay pare-pareho na kaming busy."Okay lang po." Humugot ako ng malalim na hininga, bumwelo para sa tamang tyemmpo. "Tita?"
[Bakit?]
"Natatandaan niyo ang lalaking pumunta dito para tulungan si Bogs sa project niya?"
[Ah.. yung lalaking kung hindi lang naging bakla ay pwedeng maging dahilan na iiwan ko ang tito mo?]
Hindi ko na siya sinaway. "Kasi po, ang totoo niyan.. kuwan, straight talaga siya."
[Anong ibig mong sabihin?]
"Straight po, lalaki siya.. hindi bakla..." Abut-abot ang kaba ko.
[At...?] nakataas pa ang kilay niya, naghihintay.
"At... nanliligaw po siya sa'kin"
Pinutol ni Tita ang video call. Wala akong nagawa kundi titigan lang ang screen ng laptop at nag-isip, patay na.
Iiyak na sana ako ng bigla siyang nag-message. [asdfghjk!] At ilang segundo lang ang lumipas ay muling tumawag.
Bumungad ang malakas na tili. [Mana nga sa'kin ang kagandahan mo!] Kinailangan ko pang takpan ang tenga. [Pa'no kayo nag meet? Kelan mo sasagutin? 'Wag ka agad magpabuntis!]
Nakanganga lang ako habang sunud-sunod siyang nagsalita.
[Sabi ko na nga ba eh! Sa gwapo, sayang ang genes kapag hindi ipinunla. At may chance na sa'yo maitanim 'nak! Pero, 'wag muna ha. Hanggang second base ka lang. Sabihin mong 'Authorized Personnel' lang ang pwede sa third base. At yun ay future hubby mo. Syem-]
"H-Hindi po kayo galit?"
[Syempre hindi. Aba 'nak, nakaka-Turn on ang balita mo!]
Sa buong usapan namin, naguguluhan ako kung dapat ba akong matuwa dahil sa reaksyon niya o magtaka. 'Di ba dapat pinagpaingat niya ako? O kaya nagtanong man lang ng mga bagay tungkol kay Ice. Pero wala. Ang huling bilin lang niya ay 'wag ko daw isuko ang aking 'Binurong Mangga' sa 'magiting na baby Baldo' ni Ice. Naintindihan ko, pero iyon talaga ang agad ang pumasok sa isip niya? Hindi ba dapat ang kaligtasan ko muna? Matapos magdeklara na magkakaroon ng 'panel interview' sila ni Ice sa hinaharap, nagpaalam si Tita.
Matapos patayin ang laptop nag-bihis ako upang umalis. Kalagitnaan ng linggo ngayon pero minabuti kong hindi pumasok sa shop. Gusto kong kumustahin sila Ice. Kahit na hinahatid niya, may effort here and there, gusto ko rin namang ipakita na naa-apppreciate ko ang kanyang pamumuhunan sa'kin. Na parang negosyong nilalaanan ng malaking investment, masisiguradong malaki ang profit.
Inunahan kong tawagan ang number niya pero walang sumasagot. Sinunod ko naman ang kay Jo at ganoon din. Mabuti na lang sumagot si Kots nang siya ang tinawagan ko.
"Hello Kots, kasama mo ba si Ice?"
[No.] malamig niyang sagot, hindi ko matukoy kung bakit.
"Ah okay. Thank you. Sige sorry sa disturbo-"
[Ina... try in their condo. Maybe, maybe he's just caught up on... something.]
"Sige, salamat."
Dumiretso ako sa sakayan ng jeep. Habang nasa byahe, iniisip ko kung ano ang nangyayari kay Ice at Jo. Hindi naman siguro nila ako iniiwasan, pero nitong nakaraang araw parang kakaiba ang kanilang mga kinikilos.
Sinubukan kong magdoorbell. Ngunit matapos ng ilang minuto ay walang sumagot. Mabuti na lang at alam ko ang passcode ng kanilang pinto. Pagkabukas, pumasok ako at sumalubong ang mabangong amoy ng kung ano mang niluluto. Dumiretso ako sa kusina ngunit walang tao doon.
Anong piging ang nagaganap at nagluluto ang magpinsan? At in the first place, marunong palang magluto ang mga lalaking 'yon? Sa sobrang dependent nila sa instant at food delivery, ay mukhang hindi alam kahit na magsaing. Tapos ngayon, may kung anu-anong gulay na nakahiwa sa mesa at may pinapakuluan pa sa kaldereta. Napaisip ako kung maling condo ba ang napasukan ko.
"Hi?"
Muntik na akong atakihin sa puso. Nang hinarap ko ang pinagmulan ng boses, ang nasabi ko lang ay, "Amen."
Ang gondo. Ang gondo-gondo niya.
Bakit may anghel sa kusina nila? Kulang nalang puting pakpak, mga ulap at ang nakakalinis-esperitung background music. Luluhod na sana ako at magdadasal ng 'Aba Ginoong Maria' nang magsalita ang magandang aparisyon.
"Ikaw ba ang nag doorbell?"
Umurong ang dila ko kaya napatango lang ako.
"Sorry, I was in the toilet. Are you looking for Jo?"
Syet, ganda ng accent. Ang sweet pa ng boses, nakaka-diabetes.
"You're the girl in the picture in the living room. Jo told me your name is Ina, right?"
Kunti nalang dudugo na ang ilong ko, hindi dahil sa kaka-English niya kundi dahil sa nakaksugat niyang ganda. Mula sa buhok wavy black na hanggang beywang at sa mukhang dinaig pa ang iba't banng bersyon ni Barbie, masasabi kong naka-Jackpot si Jo. Kahit naka pink na nakabestidang hanggang tuhod at may manggas, sa kutis niya, pinatotohanan ang linyang, 'Skin pa lang, damit na'. Hanep si Jo, ang galing pumili.
"O-Oo," iyon lang ang nabanggit ko, hindi magawang iiwas ang tingin mula sa kanya. At nagpa-ikot-ikot sa isip ko ang 'Babae ako. Hindi ako tibo.'
Kung ito man ang girlfriend ni Jo, sasambahin ko ang abilidad ng lalaking 'yon. Paano niya nabilog ang ulo ng pagkagandang nilalang na ito?
"Ikaw, s-sino ka?"
Lumapit siya sa'kin at nakangiting iniabot ang kamay. "Hi, I'm Pam. Bestfriend ni Ice."
♥♥♥
Lagot na. Ito na. Love war begins! :)
Ellena Odde ♥
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...