♥♥♥
Mabigat ang loob kong bumangon sa kama upang maghanda sa pagpasok sa school. Isa ring dahilan ng pananamlay ay balitang nasagap ko kahapon mula kay Jo: Hindi kami parehas ng papasukan ni Ice.
Gayunpaman pakunswelo nalang na ihahatid niya ako gamit ang kotseng bulok ngunit maasahan. Matapos makakain at ayusin ang sarili, narinig kong tumunog ang doorbell. Nang hindi iyon agad-agad nabuksan, sunud-sunod na ag ingay niyon.
"Bakit mo ginagahasa mo ang doorbell namin?" bungad kong tanong ka Ice.
"What took you so long?"
O di ba, ang sweet? Walang malambing na pagbati kahit na 'gud a.m.' man lang. Masyadong syang mainipin at lahat ng bagay minamadali.
"Hindi kaya." Tiningnan ko ang relo ko, nasa saktong oras naman ako.
"Let's go," yaya niya.
Habang nagmamaneho siya, nakikinig ako sa FM radio. Oo, may radyo si Madonna. Kahit nga ako 'di makapaniwala. Na kahit nasa bingit na ng kamatayan, nagawa pa niyang palagyan ng radyo. Pero ang makina, hindi na raw madadala.
Sino si Madonna? Eh 'di ang kotse naghihingalo. Nakiuso ako kay Jo na may sports car na si Osang.
Pagdating sa school, agaw eksena sa parking lot ang kotse niya. Pa'no naman kasi, entrada palang, amazing na. Sa tunog ba naman ni Madonna at sa kulay niyang may halong kalawang, nakaw pansin.
"Teka, ba't kailangan mo pang i-park? Aalis ka rin naman agad."
"Why would I go?" Aba, kahit mukhang aburido, gusto ko pa rin siyang pagnasaan. Ah, erase. Hindi nga pala ako mahalay.
"Eh hindi ba ngayon din ang simula ng papasukan mo?"
"It's today."
"Bakit andito ka pa, anong oras ang unang klase mo?"
"You're a special kind of idiot are you?" Ito na naman ang kunot noo niyang mukhang natuping labada.
"Lakas mo manghusga. Pumasok ka na nga," at marahang tinampal ang noo niya. Paraparaan lang. Sa ngayon, hanggang noo lang ang kaya kong tsansingan, I mean, hawakan.
"That's what I'm doing," lumagitigit ang driver's seat nang humarap siya sa akin. "We go to the same school."
♥♥♥
At iyon nga. Maging si Kots ay dito rin pumapasok. Mabuti na lang at nahabol ang ang pagpapaenrol. 'Yon daw ang sorpresa nila. Eh 'di kunwari nagulat ako kahit na isip ko, nag lalambitin na sa puno ng kaligayan at may kasama pang monkey dance. It na ang simula ng kwentong pang-Boys Over Flowers, university edition.
Kahit abala, nagkikita parin kami ni Ice, at syempre, lagi kaming nag-iinisan. Kompleto na lahat; bolahan, away at cheeseburger. Kasama na rin ang selosan.
"Are you jealous?" natanong niya nang minsang mag-away kami. Nakangisi pa ang walang hiya, 'kala naman ikinapogi. Sige, konti.
"Hindi ah! Bakit ako magsiselos sa mga haliparot na kulang nalang lamunin ka ng buhay? Na kunwari 'di sinasadyang idikit sa polo mo ang sticky note na may number niya? Ba't ako magsiselos sa mga kacheapang 'yan?"
"It was nothing," sabay gulo sa buhok ko.
"It was nothing? May kasama pang marka ng red lipstick ang note. Tapos may 'ps. call me' sa baba? Aba'y iba na pala ang pag-aalok ng networkig ngayon."
Tumawa ang talapandas ng malakas. "You are jealous!" Eh kung nagsiselos ako? Sus 'di man lang kinilig. "I didn't even know it was in my shirt. It was on the back!"
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...