♥♥♥
Nararapat akong bigyan ng tropeo mula sa iba't-ibang award giving bodies, mapa-pelikula o indie film man. Sa galing kong umarte, dinaig ko pa ang mga beteranong artista. Laos silang lahat. Si Vilma. Si Nora. Si Ana, Lorna at si Fe.
Ewan. Mula nang inaway ko si Ice, wala akong narinig sa kanya. Mabuti pa si Pam, kahit na tinuturing naming karibal ang isa't-isa, nagpadala pa ng quotes sa text at bumati ng 'Blessed Sunday'. Eh si Ice? Wala.
Ngunit matapos ng pag-iisnaban naming dalawa, ginulat niya lang ako nang diretso niyang ginahasa ang doorbell at sinabing may lakad kaming dalawa. Ang kapal talaga ng mukha. Kahit gusto kong baliin ang leeg niya, hindi ko ginawa. Seryoso ako ng sinabi kong ipaglalaban siya. Kaya kahit na para akong tangang ngi-ngiti-ngiti ng sobrang tamis, push ko lang. Kahit ako, nasusuka rin sa sarili.
"Kumusta ka na?" Buhay ka pa pala?
"Bakit may pasa ang panga mo? Okay kalang?" Hindi ka pa namatay?
"Ang gwapo mo ngayon." Gusto mong papangitin kita?
Iyon ang ilan kong paglalambing kahit kumukulo ang dugo ko. Bakit 'di niya ako tinawagan? Magpaliwanag? Magpalusot? O kahit magsinungaling man lang kung bakit siya nanlamig. Tapos bigla-bigla lang susulpot at sasabihing magdi-dinner date?
Ehem. Okay, kilig din kahit papaano dahil ako ang pinili niyang makasama. Pero syempre, may bahaging naiinis dahil walang epekto sa kanya ang katamisan ko. Bakit? Kung si Pam ang naglalambing, AM siya, Affected Much.
"Wag nalang tayong kumain sa labas. Ipagluluto nalang kita ng sinigang sa condo niyo." Sumasakit na ang mga pisngi ko kakangiti, sana 'di niya mapansin na nanginginig na iyon kakabanat.
Nag-aalinlangan man, tumango siya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Kanina pa siya ganito, parang hindi sigurado kung ano ang nangyayari. Kapag sumasagot sa mga tanong ko, dinaig pa ang sundalo sa sobrang ingat, parang bang bigla ko nalang siyang susunggaban at saksakin.
"Who the hell are you and what did you do to Ina?!" Sa wakas ay sinipat niya ako mg naunuring tingin.
Sabi na eh. Kahit siya naninibago rin. Pero dahil gusto ko siyang makuha, dapat kaya kong gawin kahit ang magkadiabetes sa sobrang pagmamatamis. "Ikaw naman, 'di ka na nasanay. Hindi na nga kita inaaway, ngayon nagri-reklamo ka pa," malambing kong tugon.
Kikibot-kibot ang labi niya, animo may sinasabi. Pagdating namin sa building, patalon-talon pa ako habang tinatahak ang daan sa condo unit, ginaya ang mga nakikitang cute na babae sa pelikula, na parang walang problema at hindi kasama sa bigat na pinapansan ng mundo, ganoon ang ina-achieve ko. Sana lang talaga hindi ako nagmumukhang lukaret sa ginagawa. May halo namang katotohanan ang saya dahil nasolo ko si Ice.
'Yon ang akala ko.
Pagpasok sa loob, kapwa kami natigilan nang mapansing nanduon si Pam at nagbabasa ng magasin. As usual, elegante ang dating at nakaksugat ang ganda. Pero namumula ang mukha niya, halatang nagpipigil ng galit. Panaka-nakang tinatapunan si Kots ng matalim na titig. Habang ang huli naman ay naglalaro ng video games, walang pakialam sa paligid. Matapos ng maikling 'hi' ay bumalik siya sa pagpipindot ng joystick.
Umaliwalas ang mukha ni Pam nang makita sa Ice, medyo nahilaw ang ngiti nang bumaling sa'kin. Gayunpaman, bumati parin. Dahil na rin siguro sa kuruyosidad at kaunting pag-aalala, tumabi ako sa kanya at bumulong. "Okay ka lang? Ba't parang galit ka kanina?"
"Yes, of course. Thank you."
Tsaka lang lumabas si Jo mula sa kwarto. Dahil sa makulit, umupo siya sa pagitan namin ni Pam at nagkuwento. Habang si Ice at Kots naman ay naglalaro ng video game.
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...