♥♥♥
Tumataba ako.
Noong una ay hindi naman kapansin-pansin dahil madalang ko lang maramdaman ang paninikip ng suot. Ngunit simula nang maalala ni Ice ang paborito kong pagkain, tuluyan ng lumitaw ang problema. Paminsan-minsang mahirap huminga at limitado ang pagkilos dahil sa paninikip ng damit, lalo na ang underwear. Bahagya ring malabas daloy ng dugo dahil sa mabilis na tibok ng puso ko.
Nabuntong ang sisi sa naparaming kain ng cheeseburger at pizza. Ano pa nga bang dahilan sa pagsikip ng underwear, hindi ba't pagdagdag ng timbang?
May namatay na kaya sa masikip na panty? Upang maliwanagan, minabuti kong i-search iyon sa Googel.
Tightening of underwear.
Malas, walang matinong sagot. Sa isip ko, unti-unting nagsusumigaw ang isang nakakatawang ideya.
Si Ice, gusto ko na kaya siya?
Kahit last place sa mga nagkabuhay pag-ibig, alam ko rin naman ang konsepto ng crush... o kahit na paglandi. At kung totoo ngang espesyal na ang nararamdaman kay Ice, malaki pa ring kahibangan kung sakali!
Para na ring nilunok ko ang lahat ng binatong pang-iinsulto sa kanya. Kesyo masama ang ugali, 'di marunong magsuklay, bastos at kung anu-ano pa. Kung susumahin, mababa ang taste ko sa lalaki!
Sumuko na ako sa pag-intindi sa nararamdamn at humilata sa kama. Kailangan ko ng panahon upang mahanap ang sagot. Hindi makaktuong kung makikita ang nakakaimbyernang mukha niya. At sa lahat ng araw na pwedeng kwestyonin ang taste ko sa lalaki, nayon pa. Pwede namn sanag bukas o... never.
Bilang unang hakbang sa pag-iwas, kinuha ko ang cellphone at tinawagan s'ya.
"Ano, pwede bang hindi ako pupunta ngayon?" tanong ko pagatapos ng maasim n'yang 'What'.
[Why? Are you working all day at the stupid shop? I thought it's your sem break?]
"Off ko tsaka dalawang linggo pa ang break namin. Pero kasi, a-"
[No. Come after lunch.] Sumunod ang nakakabanas na 'toot-tooot-tooot'.
Imbes na itapon ang cellphone, pinli kong ipikit ang mata at magbilang hanggang kumalma... pagkatapos ay pinagsusuntok ang unan at nagsumigaw ng 'Hudas ka!' sa animnapung lenggwahe.
Walang pakialam sa utos, natulog akong miserable habang kumaknta ng 'Happy Birthday to me'. Lagpas tanghali na nang magising sa suod-sunod na doorbell.
"Ba't nandito ka?' bungad ko nang makita ang lukot n'yang noo, ni magsuklay o mamingwit ng muta ay hindi ko pinagkabalahan. "Bukas nalang, babawi ako promise," sabi ko mula sa giwang ng pinto.
"Open this d*mn door or I'll break it. And why do the guards fuss before they let me in? Are you president's daughter?"
"Ako lang kasi mag-isa. Umalis na sila Bogs papuntang America. Kaya 'ayun binilin nila ako sa security office," malumany kong sagot, wala sa mood para makipagtalo. "Hindi ako makakapunta ngayon."
"Why?"
"Ahhh, ano.. importante. Basta! At masama ang pakiramdam ko."
Una sa lahat, hindi ako marunong magsinungaling. Lumalaki ang butas ng ilong ko at nagpapawis ang kili-kili. Ako ang tipong imposiblleng maging myembro ng Budol-budol gang. Pero hiling sa mga santo ay makalusot kahit ngayon lang.
"No, come with me. Today is last day for the third deed. I'll tell you the fourth deed too."
Tuluyan akong sumuko. "O sige na. Ikaw na ang masusunod. Kahit ngayon lang sana. Maghintay ka d'yan. Magbibihis lang ako."
Ngunit bago tumalikod, panibagong banat na naman ang kanyang binitiwan.
"You look like ghost."
Hindi na ako sumagot at binalibag ang pinto ng kwarto. Habang nagbibhis, naluluha ako sa inis at nag-mantra.
"Happy birthday Inkarnasyon... happy birthday."
Pagdating sa condo, nandoon din sina Jo at Kots, naglalaro ng video games. Pagkatapos ng batian, deretso ko nang binuksan ang pangit na virtual karinderya ni Ice pero patagong nag-online sa Skype, binasa ulit ang mga pinag-usapan namin sa chat ni Bogs kagabi at pagbati nila Tita kainang umaga. Kahit papano ay naibsan ang lungkot. Nang maramdaman ang pamimigat ng pantog, dali-dali akong tumkbo sa banyo. Sa pagbalik, nakangudngod na sa tablet ang mukha ng tatlo.
"S-sorry. Saglit lang naman ako mag.o-online eh."
Unang lumapit si Jo at yumakap ng mahigpit. "Oy chicks! Birthday mo pala, 'di ka man lang nagsabi! O, manglibre ka ng alak!"
Sumunod si Kots at ininat ang pisngi ko. "Happy Birthday."
Si Ice at ang kanyang busangot na mukha ng naging sentro ng atensyon. Si Jo at Kots ay naghihitay. Masama riin bang umasam na batin niya. Kahit wala ng kasamang yakap at fan service, okay na rin. Ayoko lang may nagmmammaasim sa birthday.
Ang maikling paghihintay ay naging showdown- kung sino unang magbawi ng tingin, talo. As usual, undefeatable ang kumag.
"Ape, let's go. Parker, stay here," sa wakas ay sabi niya. "You," turo sa'kin, "don't go home." Pagkatapos ay kinaladkad si Jo palabas ng pinto. Naiwan akong tulala habang inuulit sa isip ang nangyari.
"Hey Ina, wanna play?" untag ni Kots sabay abot ng game stick.
"Uhhh, sige."
Tinuruan niya ako kung pano maglaro at kung ano ang dapat pindutin. Lumipas ang mga minuto 'di namalayang paminsan-minsang akong. Nakikitawa din' siya.
"You're good for him," sabi niya sa kalagitnaan ng combo attack. Hindi s'ya tumitingin sa'kin at nagpatuloy sa pagbugbog sa character ko.
"Sino?" sagot ko naman panay pindot ng controler, 'di alam pa'no dumipensa.
"Ice. You're good for him. He's smiling now and he acts stupid again. So, thanks."
Kahit 'di maintindihan sa biglaang pagseryoso, napaisip din. Kung ganun, lugi ako, Siguro ay ginagawang katuwaan ni Ice ang presensya ko, pero isa s'yang malaking salot sa buhay. Peste kumbaga. Nakakapagod makasama- physically at emotionally. Pagkatapos ng pangaalipin, malaki-laking kaat din ang aayusin para bumalik ang buhay ko sa dati.
"You should tell him," dagdag n'ya.
"Na alin?"
"That you like him."
Salamat sa carpeted living room, hind kumalabog nang bigla kong nabitawan ang game stick.
Ganito pala ang pakiramdam kapag nahuling guagawa ng malaking kasalanan. O nahuli sa akto ng teacher habang nangungopya. O ang nangulangot tapos nakatingin ang crush mo the whole time.
Ganun' ang nararamdaman ko ngayon. Pagkapahiya. Gulat. Denial. At kung anu-ano pang nega thoughts.
"B-Baliw ka ba? B-bat ako magkakagusto na kupal na 'yon?!" depensa ko.
Ganun' ba ka obvious? 'Di pa nga maamin sa sarili na gusto ko si Genesis, may iba ng nag konpirma. Lage na lang akong kulelat.
"That'll be our little secret. That's my birthday gift for you," pinulot n'ya ang game stick at nakangiting inabot.
'We have no secrets', 'yun ang sinabi sa'kin ni Kots minsan, ngayon, meron na s'yang sekreto mula sa kaibigan.
Sekreto naming dalawa.
Tulad ng kuting na nacorner sa kural, wala na akong ibang magagawa. Mag-deny? Mas maghihigit akong katawa-tawa. Feelings lang 'yan, kumbaga konting crush.
Like. Parang facebook. Darating ang panahon, pwedeng mag-Unlike. O logout.
Tumango ako at tinanggap ang game stick. Tuloy kami sa paglalaro ng tahimik.
"Salamat, Kots," maya-mayang sabi ko.
"No problem," maikli niyang sagot.
♥♥♥
#TeamKotIna anyone? :)
Ellena Odde ♥
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...