22. Si Inkarnasyon, Insecure?

80 10 0
                                    

♥♥♥

"I would never go out with you looking like that."

Ang kailangan ko sa umaga, pandesal, gatas at kabutihan. Wala sa listahan ang lalaking bagong ligo, amoy sosyal, nangungutya at bad vibes. Juice mahabagin, umagang-umaga inuulan ako ng pangungutya.

Sa pagtangkang ipakalat ang kabutihan, ako nalang ang bumati. "Magadang umaga din. Anong ginagawa mo dito?"

"You told me to fetch you. And look at you!" at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, nahihindik.

Pinasadahan ko din ng tingin ang sarili- nakapantulog, nakapaa at marahil may muta- katulad ng milyon-milyong Pilipino na kakabangon pa lang.

"Sabi ko, alas nwebe... Anong oras palang ngayon, alas otso. Excited?"

"There's traffic," aniya, at bumwelo sa mas maraming depensa. "I woke up early and got nothing else to do. I'm not excited! Now let me in."

Honesty is the best policy, nakakalungkot at masyado siyang pakipot. Sabi ng babaeng nagmamaganda. "Okay," ang nanunudyo kong pagpapapraya at binuksan ang pinto.

Pagkatapos mabulabog ng maaga, pinagmamadali niya ako. Kaya ito, 'di magkandaugaga sa pagpili ng susuotin at halos maghilamos ng mukha. Pumili ako ng skinny jeans at sleeveless na blouse, pinarisan ng itim na rubber shoes. Pinusod ko ang buhok, naglagay ng konting kolorete sa mukha. Ayokong magmukhang alalay niya.

"Tara na," aya ko paglabas.

"You look okay," aniya, at tumalikod.

"Ah, okay," at nagkibit-balikat..

"Well, more than okay. You look... nice," ngunit sumingha ng "What?!" matapos kong titigan ng matiim.

"Nagpapaturo ka ba kay Jo kung pa'no mambola?"

Imbes na magdahilan, siya pa ang may ganang manukso. "Effective nemen," at dumukwang, "You're blushing."

"Masyadong mainit ang panahon," at lumabas ako ng pinto.

Tulad ng inaasahan, naganap ang unang pagtatalo namin sa sasakyan. Parang instiinct, nakabaon na sa mga buto at kalamnan ang radar ng napipintong gitgitan, katulad ngayon.

"You asked me on a date with no idea where to go?!"

Unang-una, hindi kami mag-di-date, at least hindi iyon ang intensiyon ko kagabi. Subalit sa kasalukuyang sitwasyon, wala akong ibang matatawag. Hindi kami magkaibigan o magkapatid (Juice na maasim, salamat at hindi talaga) para sabihing ang gagawin namin ay BoLBoL, Bonding Bonding Lang. In short isa itong date at ako ang nag-yaya.

"A-anong date?" Ngunit kailangan ko bang umamin? "Ang sabi ko, sunduin mo ako at gusto kong mamasyal, hindi date," at nilibot ang tingin sa kotse naghahahnap ng pwedeng pagtuunan ng pansin.

"Then why ask me?"

"Kasi ayokong mag-jeep," ang pabulong kong dahilan, naubusan ng palusot. "Guto mo ng ice cream? Libre kita..."

Hindi siya nagpauto, nagtitimping nakatitig sa unahan, mahigpit ang kapit sa manubela. Ng masiguradong nakasuot ako ng seatbealt, pinaharuroot niya ang sasakyan na mabagal pa rin sa totoo lang.

"Saan tayo pupunta?"

"We're going on a date," aniyang walang katamis-tamis.

"Hindi nga ito date!"

Saka pa lamang niya ako sinulyapan, sumagot sa tonong hindi nangangailangan ng debate. "Well Sh*t Face, it is now."

Una niya akong dinala sa pormal na restoran at muntik ng magtalo sa ikalawang pagkakataon.

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon