4. Si Inkarnasyon, Nang-alipin?

94 14 1
                                    


♥♥

Maliban sa pagkain ng cheeseburger, nabubuhay ako para matulog. Walang kasing sarap kapag hinehele ng kama at mga unan, pagkatapos ay mararamdaman ang pagbigat ng talukap at tuluyang lamunin ng mahimbig na kadiliman. Hindi ito maikukumpara sa kahit anong bisyo.

Pero paano kung sa kalagitnaan ng nakakalulong na bisyong ito, sa alapaap na hugis burger habang sinusuban ng mga pagong na may pakpak, ay biglang babagsak sa lupa dahil sa maingay na ringtone?

Wiggle~ Wiggle~♪

"Hmmm?"

["What's the second deed?"]

"Hmmmmm? Tawag ka mamayang 5pm. Madaling araw palang ngayon. Hmmmm, Bye."

Syempre babalik ka sa pagtulog at ipagpapatuloy ang pagnguya ng pinakamasarap na burger sa balat ng imagination at panaginip. Pero... paano kung sadyang may sa demonyo ang taong tumatawag? Hindi maiintindihan ang 'mamaya' at simpleng konsepto ng pahinga? Na ang MADALING ARAW + TULOG ay equals DO NOT DISTURB?

Doon papasok ang violence. Magbiro na sa lasing, o sa bagong gising, pero 'wag na 'wag sa inaantok na Inkarnasyon Bonifacio.

Wag sa akin.

[Just tell me the second deed so I can get it over with!]

"L*tche sabing 5pm! Bangungutin ka sana!"

Diretso kong tinapos ang tawag at ini-off ang phone. Ngunit kahit anong pilit na bumalik sa pagkakahimbing ay hindi na dumalaw ang antok. Marahil ay nagsara na ang Burger Paradise kung saan ako napadaan sa panaginip. At hanggang tuluyang sumisikat ang haring araw ay nakadupa pa rin ako sa kama at isinusumpa ang lalaking iyon.

Dumaan ang maghapon, sinungitan ako ng prof namin sa Chemistry at tatlong beses nadapa sa hallway, inaantok pa rin ako at aburido.

Kahit na sapilitang minumulat ang mata, hindi pwedeng umuwi at magkaroon ng reunion kami ng kama. Kailangang agahan ngayon sa shop dahil wala akong kasama sa counter. Biglang nag-off si Ton-Ton sa kadahilanang 'di ko maintindihan- brokenhearted daw.

Ngayon? Pumasok s'ya para macheer-up. 'Pano pa't naging kaibigan n'ya ako kung hahayaan s'yang magmuk-mok at magpakagaga.

Maliban sa dalawang kitchen staff, isang barista at isang cashier/service crew (ako), medyo understaffed ang shop. Kahit sabihin pang kumukonti ang customer, mas maganda kung may ekstrang tulong. Muli akong naghikab at bumalik ang sisi sa lalakng 'yun. Bago pa s'ya maisumpa sa ika-isang libot labing dalawang pagkakataon, may humablot sa'kin.

Speaking of the demonyo.

"I keep on calling you! What's the second deed?!" demand ng hudas. Kung makakunot siya ng noo ay parang ako pa ang may atraso.

"Tumawag ka nga-- ng madaling araw! Ano bang ipapagawa ko? Manghuli ka ng ligaw na kaluluwa?"

"Fine. So what's the second deed?

Hindi man lang humingi ng paensya. Mukhang ngayon pa lang ay nagsisisi na ako kung bakit naimbento pa ang parusang wala naman akong mahihita.

"Tumulong ka sa shop." Buong araw ko rin iyong pinag-isipan. Makakaganti na ako sa pangbubulabog n'ya ng madaling araw, makakatulong pa s'ya sa trabaho ko.

Napangisi s'ya, waring hindi makapaniwala sa narinig. "You want me to work? Me?" at itinuro ang sarili.

"Bakit?" at may hinanap sa kanyang likuran, "may iba pa ba akong tinutukoy? May nakikita ka bang hindi ko nakikita? At isa pa, mag-siserve ka lang naman. Kulang kami ng staff ngayon."

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon