♥♥♥
Salamat.
Maraming pwedeng paggamitan. Salamat sa paggising sa'kin sa katotohanan, sa pagpamukha na isa kong ilusyonada. Salamat sa lahat. At sa libreng sine at sakay. Kaya, "Salamat," at binuksan ko ang pinto.
Pero hindi pa siya handang tapusin ang makawasak puso naming episode, pinigilan niya ang braso ko.
"Sh*t Face, I'm leaving."
At para sa may dinaramdam, hindi ako nagtaray, hinarap siya tulad ng sibilisadong nilalang. "Ah, sige ingat ka." 'Wag ka nang bumalik. 'Wag ka nang magpapakita. 'Wag mo na akong saktan.
"I mean, I won't come back. Ever."
"O-Okay. Ingat ka. 'Di kita makakalimutan."
Utang na loob. Syempre kakalimutan ko siya. Ligaw-ligaw daw pero, puro pasakit ang binibigay. Naging libangan ko na ang masaktan ng magkakilala kami. Ang tanong, kaya ko ba siyang kalimutan?
Tuluyan na akong lumabas, iniwan siyang tikom ang bibig. Ilang hakbang palang ng hinila ako pabalik sa loob ng sasakyan, diretso sa backseat katabi ni Ice. Nagbabaga ang mga mata niya sa galit, panibugho, pagsusumamo at ibang emosyong 'di pa natutuklasan ng mga eksperto.
"I said, I'm f*cking leaving!"
Sa katagalan, bakit mukhang lage na lang siya ang may karapatang magalit? Paano naman akong aping-api?
"E'di umalis ka, buset! Wala akong pakialam!" at pinalis ang mga kamay niya sa balikat ko. Hindi ako mabait, at lalong hindi santa.
"And I said, I'm not coming back! The one who called was my Mom. She wants me to go home. Are you stupid? I'm not coming back!"
"Sabi ko mag-ingat ka diba? Kahit gago, kupal, walang hiya at may obsession ka sa pagmumura, sinabi kong 'ingat'! Kahit na pinipeste mo lang ang feelings ko, sinabi kong 'di kita makakalimutan! Kulang pa ba iyon?"
Tanga lang ang may sabing crush ko si Ice, ang malalang crush ay hindi kayang tumbasan ang lalim ng pagkakahulog tulad nito.
Mahal ko siya, sapat na iyon upang matigilan ako. Umabot sa punto na minahal ko ang walang hiya, kung minamalas nga naman.
"Say it," agad siyang bumitiw, diretso ang tingin sa unahan. "Please, say it," at marahas sinuklay ng daliri ang buhok.
"A-Ang alin?"
"Tell me to stay. Say it. Please tell me to stay." Nakayuko na siya't nakahilamos ang mga palad sa mukha, nagsusumamo.
"Bakit?" Ano namang kinalaman ko kung aalis siya o hindi? Siya na mismo ang nagsabi, hindi lahat ng bagay tungkol sa akin.
Muli siyang humarap. "Are you dumb? Can't you see? I'll stay, if you tell me to."
"Nakalimutan mo na, hindi lahat ng bagay tungkol sa'kin, 'di ba?"
"I'm sorry I said that, okay?! I just don't know what to do. Everything is about you! It's not Pam or what she did. It's not the letter. It's not the deeds. It's always about you!"
Nanatili akong walang kibo, binibilang ang pumuputok na ugat sa kanyang leeg, nagbibilang ng kahit ano, huwag lang dumako ang tingin sa mukha niya at muling maniwala.
"What I feel for you is different it makes sense. I may not show it, but you dig me. Sh*t Face, I'm not good in mushy stuff, but you're all that matters. Mahniweleh kah na-muhn (Maniwala ka naman)."
Tadhana ko na sigurong mahalin si Ice, kahit walang titigan, nagawa niyang buhayin ang mga paruparo sa tiyan ko, tinanggal ang masakit na bara sa dibdib at maging tanga sa isang libo't isang beses.
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...