2. Si Inakarnasyon, Pakialamera?

154 15 3
                                    


♥♥♥

Malas. Napakalaking malas.

Pinikit ko ang mga mata, sakaling maglaho ang masamang pangitain. Pero kahit mukha ng kumakain ng maasim sa diin ng pagkakapikit, wala pa ring nangyayari. Sa muling pagmulat ay nanduon pa rin ang tatlong hunghang, nakakunot ang noo habang sinusuri ako ng tingin. Dahil sa nerbyos, nanginig ang mga kamay at nangatog ang mga tuhod. Kung hindi pa aalis ay malamang magmumukha akong nagha-harlem shake sa takot.

Pa'no na ang bonus kong one five kung itutuloy nila ang panggagahasa?

"It's her," waring kumpirma ng mestiso at bumaling sa kasama. "She's the one, right?"

"Ulol! Si Annie yun, yung D Cup! 'Di pa ata nagdadalaga 'to. Tingnan mo nga, mukhang tadtaran ang dibdib." Daig pa n'ya ang naoffend habang nagpapaliwanag, waring isang malaking pagkakamali ang pumatol sa'kin.

Bumaling s'ya sa nakatungong lalaki at nagreklamo. "'Insan, ba't ka ba naghahanap ng kape ngayon? Wala namang seksing bebot dito."

Ang takot ay napalitan ng nagbabagang inis. Kung hindi lang buhay ang nakataya at ang Employee Of The Month certificate, kanina ko na pinaghahampas ang mga walang-hiya, bahala na kung magtago ako habang buhay.

"May I take your orders?" May I kill you?

"Three coffee, black," tugon ng mestiso.

Kahit napagtantong hindi na nila ako maalala, hindi pa rin humuhupa ang inis. Sino ba naman ang hindi mabubuset kung harap-harapan nilang pinapamukha ang panglalaki kong vital statistics?

"Is that all sir? Would you like to try our special for today?" Murder ala Chop-chop.

"That's all."

"Okay sir, a moment please."

Pagbalik sa mesa ng tatlo, ang una kong napansin ay hindi na nakatutok ang lalaking walang dandruff sa cellphone n'ya. Sa wakas, makukuha ko na ang detalye ng kanyang buong itsura.

Save the best for last, iyon ang nakadikit na kasabihan sa pinto ng Department Faculty namin na tradisyon na yatang maging kulelat sa Sports Festival. Pero sa pagkakataong ito mas bagay ang makahulugang linya.

The best nga. Kung sa karne, prime breed. Kung sa menu, Special of the day.

Sa kanilang tatlo, s'ya ang 'in between'. Hindi mestiso, hindi rin naman moreno. Hindi prince charming material, hindi rin naman mukhang pariwara. Sakto lang. Saktong swak.

May katamtamang haba ang itiman n'yang buhok, na mukhang hindi pa nasusuklay. May sakto lang kapal ng kilay at may brown na mga mata-- na nakatingin sa'kin, o sa boobs ko? Siguro ay kinukumpirma n'yang mukha ngang tadtaran ang lapad nito. Tatakpan ko sana iyon nang masiguradong sa brasong kulay ube s'ya nakatingin.

Ooooh, ang tangos ng ilong niya na bumagay sa mapulang labi. Na hindi nakangiti. Kahit na mukhang masungit ay napapatanong ako sa sarili, ito ba ang tinatawag nilang 'yummy'?

Milyon siguro ang likes n'ya sa Facebook. Kung nauso pa ang kundiman at mga makata, paniguradong dinaig n'ya si Maria Clara sa papuri.

Oh binatang walang pakundangan sa pagpisil ng teleponong walang kable,

Ikaw na pinagpala ng labing kaakit-akit kahit nakasimangot,

Ikaw na may mga mata na puno ng misteryo,

Ikaw na pinagpala ng titig ng walang hanggang kaligayahan at kasalanan ang pangako,

Ikaw na may pinagsamang mukha ng maginoo at malupit manlalayag,

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon