I'm so sorry for the short chapter :(
♥♥♥
"I'm Nenita," sabi nIya matapos ibaba ang tawag sa telepono. Ngayon, anong sasabihin ko? 'Ako po si Inakarnasyon Bonifacio, ang alanganing ka-something ng anak niyo. Kasalukuyan po kaming 'di nag-uusap ngayon dahil kasalanan niya rin.'
"A-Ako po si Ina. May iba pa po ba kayong order Ma'am? Kung wala, babalik na ako sa counter."
Pinuri ko ang sa sarili. Sa ngayon isa siyang customer, kaya ita-trato siya ng nararapat. Hindi pa man sumasagot, tumalikod na ako. Mabuti nalang at hindi ako natunaw sa mga tingin niya. Kung makatitig kasi parang gusto akong ilagay sa malaki niyang bag at iuwi. Pagkatapos ay doon ako pag-i-eksperimentuhan.
Ilang minuto ang dumaan, pumasok si Ice sa shop. Kahit gabi na, parang dala-dala niya ang araw sa sobra ng kinang niya. Shiny ang kumag. Lahat napatingin sa pinto at ang iba napa 'oooh' at 'aaah'. Grand entrance ang damuho. Dumiretso siya sa kinauupuan ng ina.
Unang nagtama ang tingin namin pero agad akong umiwas. Kapal ng mukha niya. May karapatan pang maging gwapo kahit hindi kami bati. Nagkunwari akong busy at nagpipindot nang kung anu-ano sa cash register, ang hiling ko lang hindi masira iyon.
"Eherm!" papansin niyang tikhim.
Walang lumapit na ibang crew upang kunin ang order niya. Syempre, alam ng lahat ng nagtatrabaho sa shop ang ugnayan namin ni Ice. Kasumpa-sumpang ugnayan 'yan. Matapos humugot ng malalim na buntong hininga at manalangin sa lakas ng loob, lumapit ako sa mesa nila dala ang menu."Good evening sir. Welcome to Cafe Viva," pormal kong tanong. "What's your order?" at ngumiti ako ng nag pagkahilaw, ngiting napapagod na pageant contestant sa kababanat ng labi.
"I want steak," walang kagatol-gatol niyang sabi.
"Sir, hindi po kami nag si-serve ng steak. Kung gusto niyo po, mayroon sa mall, diretsuin niyo lang po ang highway."
"How about pizza?"
"I'm sorry wala rin po. Sa tapat po mmay pizza house."
"French fries?"
"Wala."
"Fried chicken."
"Wala po."
"Fried rice."
"Wala."
"Fried fi-"
"Sir!" may panggigil kong sabi. Ang walang hiyang lalaking 'to, sinusubukan talaga ang pasensya ko! Kung anu-anong fried ang hinahanap. Kung ang tingin niya ay 'killer eyes', ako naman ay may 'eye of the tiger'.
"Sinigang."
"Wal-" hindi ko naituloy ang sasabihin.
"I want pork sinigang. I missed it, very much," hindi siya makatingin ng deretso, . bahagyang lumambot ang mukha. May halong pagtatampo iyon at... panghahabang nguso? Oo, humaba ang nguso niya.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Ganoon lang. Nawala ang galit ko ng ganoon lang kadali. Tatlong araw mahigit ng hinanakit ay agad nawala dahil sa mahabang nguso.
"Wala po. Pero... special order, pwede."
Nagpalitan kami ng ngiti, parang mga bata, na pagkatapos ng tampuhan ay agad nagkasundo. Bati na kami, yata. Peste, 'di ko man lang magawang magpakipot. May kapangyarihang taglay ang nanghahahabng nguso at 'di ko kayang tiisin.Ganern lang? uling bumilis ang tigidig ng puso ko ng ganern lang?
"I'm still here, but it's okay. You can stare at each other all you want and sing 'Forevermore' in soprano or tenor. It's okay with me," sarkastikong tugon ni Nenita.
Kapwa kami nahimasmasan ni Ice. "Ah, I want coffee, black," sabi niya, inat na inat ang mga labi. Matapos tumango ay tumalikod ako na halos mapunit din ang pisngi.
Matapos mahatid ang order, nanatili pa sila ni Ice doon at ng nanay niya ng ilang minuto. Masinsinan silang nag-uusap at paminsan-minsan ay sumusulyap sa'kin. Kapag si Ice ang lumilingon, 'di ko mapigilang kiligin.
Nakakainis. Para akong uto-uto. Ang hinanakit sa kanya 'di na maramdaman. Dahil lang sa ngiti at nguso. Hindi man lang siya humingi ng sorry, napatawad ko na agad. Ganoon ba talaga ang nagmamahal? Hindi siguro, sa mga tanga lang. Tulad ko.
Sa wakas ay tumayo si Ice at at lumapit sa counter upang magbayad. Nang ibalik ko ang kanyang credit card niya, hindi muna niya binitawan ang kamay ko at tumitig, titig na nakaka haggard garter sa panty.
"No matter how hard I try, I can't get mad at you. I can't even get you out of my head. I... miss you," bulong niya at lumabas ng pinto, sinundan ang mapanuring si Nenit at ang bag niyang malaki.
I miss you.
I miss you.
I miss you.
Pabalik-balik iyon sa isip. At iyon nga, nakatanga ako sa counter na nanghihina. Sa puntong iyon, napagtanto kong ganern nga.
Ganern katindi ang tama ko sa kanya.♥♥♥
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...