43. Si Inkarnasyon, Nagpakipot Pa Rin?

80 11 5
                                    


♥♥♥

Pasko.

Nanunuod ako ng walang kamatayang Home Alone.

Walang handa.

At nag-iisa.

Malungkot ba ako? Medyo. Napunan kahit papaano ang pangungulila ng tumawag sila Tita at ang buong pamilya. Ilang minuto rin kami nag-kumustahan, habang si Bogs ay panay hiling na buksan ang regalo sa Christmas tree. Mabuti nga, sa kabila ng magkaibang time zone, nagkakausap pa kami.

[Kumusta kayo nung gwapo?]

"Wala na po kami Tita, kahit hindi naging kami."

Nangulit pa siya pero giniit kong umiwas.

Nagpaalam sila matapos ibinalitang napiadala na ang pamasko ko. At sana, sana talaga, hindi na iyon bagong kaban ng panty.

Bumuntong hininga ako. Saklap. Wala na ngang lablayp, wala pang trabaho. Sarado ngayon ang Viva Café. Sana man lang, naisip ng may-ari na may mga tanong walang ginagawa sa December 25, nagmumukmok at nangangailangan ng init ng kape.

"Austin, tama na," matamlay kong saway sa aso, kanina pa tumatahol sa pinto.

Umigting ang balat ko, naiintindihan ang kinikilos niya. "Bagong lipat pa nga lang ang kapitbahay sa kabilang unit, close na kayo agad ng poodle niya?"

Tumahol siya, para bang naintindihan ako. "Aba maintindi. Iiwan mo rin ako, ganun? Magsama kayo ng poodle, tingnan ko kung mabubuhay ka niya."

Tumahol siya ulit, nakawagayway pa ang buntot. Bago patulan ang inosenteng aso, kumalambang pamilyar ng ringtone ng Wiggle-wiggle, rumihestro ang pangalan ni Pam.

Tinitigan ko lang iyon, hanggang sa matapos ang pag ring. Paano ko ba siya kakausapin? Tumawag siya ulit, at doon palang ako sumagot.

"He...llo?"

[Hi Ina! Merry Christmas!]

Pati ba naman sa telepono, maganda parin ang boses niya? Saan ang hustisya?
"M-Merry Christmas din."

[Can we talk?]

Tungkol saan, kung paano ka umepal sa happy ending ko?

[Please.]

"Sige."

Matapos itakda ang lugar at oras, natapos ang tawag.

Aalis ako ng bahay, kikitain ang perpektong babaeng pinili ni Ice, over sa'king dukhang makinis na sakong lang ang maipagmamayabang.

Matapos marating ang lugar, hindi na ako nagreklamo. Coffee shop na naman, wala talagang kaamor-amor sa love story ko ang tadhana. Kahit sa restaurantan lang sana, o fast-food, para makapag-order ako na sangkatutak na hamburger pagkatapos.

I hate you Tadhana, o kung sino nang may kontrol sa lovelife ko. "Ang damot niyo, grabe," bulong ko sa hangin.

Pumasok ako, agad nakita si Pam, nakaposisyon malapit sa may salaming pader, nakatanaw sa bintana.

As usual, manliliit ako dahil parang gagawa lang siya ng music video. Kung paano tumama ang ilaw sa kanya, paano iipit ang ilang hibla ng buhok niya sa taenga, paano mayuming ngumiti ng makita akong palapit. Ang nakakainis pa, hindi siya plastic. Sa aming dalawa, mukhang ako 'yon.

"Thank you for coming."

Naliligo ba sa bulaklak ang babaeng 'to? Laging amoy hardin. Palihim kong inamoy ang sarili, magkahalo ang shampoo at deodorant. Pwede na rin.

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon