15. Si Inkarnasyon, Nag-Walkout?

104 18 4
                                    

♥♥♥


Anong magaganap kapag nagising ka isang araw, bumulaga sa'yo ang pang Billboard na mukha ng isang lalaki, nakapulupot pa sa beywang mo ang braso?

Wala kayong relasyon maliban sa sungitan ang isa't-isa. Wala ka rin sa sarili mong kama at 'di mo alam ang petsa.

Ano pa nga ba, edi klasikong reaksiyong pang rom-com:

1. Sisigaw.
2. Hihipuin ang sarili kung mahangin ang pagitan ng hita sakaling may nabutas.
3. Magtatanong.

"Bakit iba na ang damit ko? Bakit hindi ako nakahubad? Bakit hindi ka rin nakahubad?"

Sumalubong sa mukha ko ang unan niyang.. mabango. "Five minutes," inaantok niyang sagot, pikit pa ang mata. "Shut up for five minutes," at binalot ang sarili sa kumot.

Tumayo ako sa ibabaw ng kama, hila-hila ang kumot. "Sumagot ka!"

"It's my bed Sh*t Face!" bulyaw din niya, tuluyan ng nagising. "Parker is sleeping in Jo's room."

"B-Bakit 'di ka natulog sa sofa?"

"Do I look like I sleep on the sofa? It's not like I want to sleep here with you. Elem me bahng pinali...tan pe keetah ng demet? Your puke is disgusting and, my room too."

Maraming dahilan upang tumikom ang mabokang babaeng katuad ko:

1. Ang malamang sumuka sa loob ng mamahaling sasakyan, at posibilidad na magbayad ng danyos.

2. Makarinig ng baluktot ng tagalog.

3. Bihisan ng lalaking nagsasalita ng baluktot na tagalog.

He came. He saw. He didn't conquer. Pero, nakita parin niya ang alindog ng katawan kong hindi pa nauuso.

"'Bat 'di mo ako ginising?" tanong kong nauupos, halos maiyak sa hiya at yakap-yakap ang sarili.

"You were sleeping like a baby. An ugly baby. You look so sick too," iwas tingin niyang paliwanag, maya-maya'y tumikhim at nagkamot ng batok.

"I-I did not look okay?! I did not touch anything. I cut your shirt and change it with my polo shirt. And my eyes were closed... most of the time. I pulled your pajamas and change it with my shorts with a blanket cover.You know how hard it is? You're not even hot. And you snore like a drunkard."

Sa kabila ng nagbabadyang ngumawa, nagawa ko pang maglikot ng mata. Malaki ang kaibahan ng mukha naming mga bagong gising. Siya, pang-photo shoot, ako panglamay. Hindi na talaga patas ang mundo.

"Si-siguraduhin mo lang! Kahit mahirap paniwalaan ang mukha mo." Nakatayo pa rin ako sa kama, dinuduro siya.

"Look, I'm sorry," aniyang nakatingala matapos ihilamos ang palad sa mukha. "I thought your tough enough to ride with me."

Paano ako tatawa kung tadtad siya ng sinseridad? Darating nga siguro sa puntong mag-uusap kami ng matino- tao sa tao- at hindi parehong sira-ulo.

"Sorry din," kumpas ko sa seryosong mood, umupo katabi niya.

"Why?"

"Di ka nanalo sa karera. Sana kasi, kumuha ka ng mas sanay sa mabilisan."

"You were my only choice."

Nangyari na lang na nagkahulihan kami ng tingin, at 'di ko mahabol ang biilis ng tibok ng puso ko. Kailangan ko ng pamaypay, bentilador o aircon sa tindi ng init. Hindi naman sa kinikilig, pero masarap din palang mabola paminsan-minsan. May kakaibang hatak, napipilitan akong titigan siyang mabuti ng malapitan. Naghahanap ng senyales na sana hindi kami nagbobolahan.

Posible kayang magkagusto din siya sa'kin?

Imposible siguro. Hindi naman ako umaasa, pero bakit din siya nakipagtitigan? Nagpapahatak sa invisible magnet na nakapagitan sa aming dalawa? Palapit. Ng palapit. Kapanapanabik at sadyang makati sa ilong. Naakabahing.

Literal na nakakabahing.

At tumilansik sa buong mukha niya ang laman ng ilong ko. At isa pa. At isang pang-finale ang malupit na 'acho' na may maraming 'o' sa dulo.

"You really are something," aniya at nandiriring pinahiran ang buong mukha.

Maliban sa tibay ng loob na umaktong normal sa harap ni Ice, kailangan ko ding kumain. Nakakapagod magpanggap na hindi kinikilig at mapanatili ang aso't pusang status naming dalawa.

Kaya nang marinig ang tawag ni Jo para sa agahan, agad akong dumulog sa mesa, nilantakan ang take-out na parang wala akong ginawang kahihiyan ng nagdaang gabi. Humingi ako ng tawad kay Jo sa pagitan ng pagnguya, sumagot naman siya sa pagitan ng paghigop ng sabaw.

Pagkatapos kumain, doon pa lang ako inabutan ng hiya at nagkusang magligpit. Tumulong na rin si Jo pero itinaboy din ako palabas sa takot niyang mahigop ang toaster sa kakasingot. Hinalugad ko ang condo para maghanap ng tissue, pangbara sa ilong kong umiiyak.

"Why, Ice? Those things that you made her do, that's what Pam used to do."

"What do you mean?"

Lalagpasan sana ang Inglesan ni Ice at Kots sa sala, ngunit nanlaki ang tenga ko ng marinig ang sariling pangalan. Hindi naman masamang makinig sa usapan ng iba, lalo na kapag tungkol sa'kin ang scoop.

"I'm talking about Ina," pagkaklaro ni Kots. "Why did you let her do that? The spaghetti, Pam used to cook it for you. Your virtual restaurant, Pam used to play it for you. The mango ice cream, that was her favorite too. And then, the race, why did you choose Ina?"

"She's not Pam, you know," dagdag ni Kots, na sinagot naman ng aburidong bulyaw.

"Of course she's not Pam! She will never be like Pam. She doesn't know how to cook spaghetti. She can't sing well. She's too stubborn, too noisy, too whiny to be Pam! Whatever she'll do, she will never be Pam!"

Sumabay sa pagputok ng kanyang ugat sa leeg ang pagparaos ng makati kong ilong. Tumingin sila direksiyon ko, pinanuod ang sunod-sunod na pagbahing na sana ay 'di tumigil. Unti-unting nag-init ang mata ko, hindi sipon ang dahilan.

"Wala din yatang tissue dito, ubos na din sa banyo. S-sige, bili muna ako sa... a-ano, sa labas," at dumiretso sa pinto.

Mahalaga ang tissue, maraming gamit- sa banyo, panglinis, pwedeng pangpunas sa mga nanunuod ng porno.

Hindi lang pangsalo sa sipon, pati na rin sa rumaragasang luha.

♥♥♥

Seryosong hurt na si Inakrnasyon. lol. Sana magustuhan niyo :)

Ellena Odde ♥

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon