♥♥♥
Sadyang may sinusunod na sariling oras si Ice. Wala sa bukabularyo ang 'Filipino Time' at masyadong sabik mangbulabog.
"Good morning Ina."
"Wazzup Chicks!"
"Hi Sh*t Face."
Iyon ang sunod-sunod na bati sa'kin ng tatlong Teddy Bear pagkatapos nilang gahasin and doorbell.
"Ba't ang aga niyo?" ang maasim kong bati, pupungas-pungas pa at 'di sigurado kung may natuyong laway sa pisngi. Binuksan ko ang pinto at pinasunod sila sa sala.
"I told you we'll pick you up, why aren't you ready?"
"Sabi mo alas nwebe? Mukhang kagigising lang ng buong Pilipinas. Excited?" Umupo akong mala-Indian sa sofa at unti-unting kinapa ang pisngi kung may natutong laway. Wala naman.
"Tama chicks, alam mo bang maaga kaming kinalakad niyan, para mamili. 'Di ba tisoy?" at siniko ni Jo si Kots na abala sa kanyang cellphone. Isang maikling 'Yes' lamang ang sang-ayon ng huli. Umangal nama si Ice, nahiya yatang umaming atat siya sa lahat ng bagay.
Bago pa ppakinggan ang pagbabangayan ng magpipinsan, nauna na akong magpaalam. "Saglit lang magbibihis ako."
"'Wag ka ng maligo chicks. Doon na lang sa resort."
Matapos ng kalahatinng oras, sakay na kami ng kotse ni Jo, si Osang at siya ang nagmaneho, katabi si Kots. Habang ako at si Ice ang nasa likuran.
Ngayong tuluyan ng nagisig diwa, nahawa ako sa magulo at masayang mood. Sunod-sunod ang tanong ko. 'Saan tayo pupunta? Maganda ba dun? Mahal ba? Malayo? Bakit nga kasi tayo magsu-swimming?'
Hanggang sa kumupas ang epekto ng kape at muli akong inantok, salamat sa maaga nilang pambubulabog. Hindi na ako kumontra nang pinasandal ni Ice sa balikat niya upang matulog. Hindi malambing ngunit hindi marahas, tipong wala akong maagawa dahil gusto ko naman.
Matapos ang halos isang oras, nakarating na kami sa resort na pinangalanang, surprise-surprise, 'The Resort'. Kung gaano naubusan ng pagkamalikhain sa pagpangalan doon, siya namang kabaliktaran ng pasilidad. Meron silang slides at iba't ibang pabibo.
Ngunit ang pinakapaborito ko ay ilang metro lang ang layo nito sa dagat. Sabi ng sumalubong sa'min, romantic daw ang sunset sa dalampasigan. Palihim akong sumulyap kay Ice. Syempre, pupunta kami mamaya doon, kaming dalawa lang.
Alam na this.
Lumuwa din ang mga mata ko dahil suot ng mga kababaihan. Swinsuit. Bikini. At... tangga? Ano ito, 90s? Hindi ba ito labag sa batas? At kung makatingin ang mga babae sa mga kasama ko, parang ngayon lang nakakita ng lalaki.
Nang mailagay ang mga gamit sa table namin, nawala na si Jo at Kots, mukhang mamimingwit ng tangga.
"Hey Sh*t Face," untag sa'kin ni Ice. "You'll swim like that?" tukoy niya sa suot kong green na board shorts ng may kahabaan at T-Shirt na patriotikong #ChoosePhlippines.
"Bakit? Anong mali sa suot ko?"
Napakamot siya sa ulo. "Nothing."
"Gusto niyang makita ang pusod mo chicks," biglang sulpot ni Jo na may dalang chitcherya. Sumunod naman si Kots, umupo at hindi pa rin nhihiwalay ang mukha sa cellphone.
"Of course not!" depensa ni Ice. "It's just that... the hell! Of course not!"
Nagpigil na lang ako ng ngiti sa reaksyon niya. Aba, baka mahimatay siya sa katawan kong plywood, flat at walang kakurba-kurba maliban sa tiyang maumbok kapag busog.
Nagpatuloy ang araw na masaya. Mabuti nalang at may family pool sila kung saan pwedeng maligo kahit balot basta't hindi maong ang suot.
Nakakatuwa ang pagbabangayan ng tatlo. Maya't mayang nagkikwento si Ice tungkol sa sarili niya. Pati nga kung kelan ang huling dalaw niya sa dentista, sinasabi niya sa'kin. Tapos, maya't-maya siyang palihim na nagtatanong, 'I'm cool right?' o kaya 'You see, I'm fun.'
'Yong totoo, anong nangyayari? Una, nag-aaya siya ng swimming, magkikwento kahit 'di tinatanong. Pangalawa, pinapakonpirma na masaya siyang kasama. Syempre, sabi ko nalang 'Oo'. May bahid ng katotohanan naman iyon. Kahit saan pa, masaya naman talaga siyang kasama, mahal ko eh.
Si Jo at Parker ay naglibot sa resort. Sabi nga ni Jo, 'Maging mapagmatyag, mapangahas, matanglawin!' Sus, kung alam ko lang, nag-bi-birds eye view sila kung sino amg may mahigpit na bikini o sino ang may malaking cup size.
Kaya ngayon, nandito kami ni Ice sa may tabing dagat at hinihintay ang paglubog na araw. Hindi ako masyadong giniginaw dahil nakayakap sa makapal na tuwalya. Nararamdaman ko pa ang init ng buhangin na kinauupuan habang si Ice ay nasa tabi ko.
"So, Sh*t Face?" untag niya. Matagal na akong sumuko sa pagsaway sa kanya. Ilang beses ko ng sinabing 'wag akong tawagin ng ganuon, pero sabi niya, cute daw. Kaya sige nalang, kinilig ako.
"Ano 'yon?"
"When will you be my girlfriend?"
Mula sa pagkakatingin sa mga naliligo, bumaling ako kay Ice. Sa mukha lang at hindi na dumako sa kung saan, tulad ng abs niyang kumikinng sa sinag ng araw. Pramis, sa mukha lang talaga ako tumingin. "Hindi ko alam," sagot ko.
"Wait, so you mean, it could take months? Or years?"
Nagkibit balikat lang ako.
"Why?"
"Ikaw lang ang makakasagot niyan," sagot sabay iwas tingin. Tinatawag ako ng mala-pandesal, monay at slice bread niyang abs. Isama na rin biceps niyang kumakaway sa'kin. Focus Ina, seryoso ang pinag uusapan niyo!
"So, everything we have could end up at nothing?" may namumuong inis doon. 'Di naman kami siguro mag-aaway, dahil naiintindihan na niya ang ibig kong sabihin.
Masakit isiping hindi pa nga nagiging kami, ending na agad. Kapag nagkataon, lugi ako. Ako ang nagmahal eh.
"'Di ko alam. Siguro?"
Patay, wrong move yata.
"What the hell do you mean?!" bigla nalang lumaki ang butas ng ilong niya.
"Alam mo na ang ibig kong sabihin. Ikaw lang ang makakasagot niyan," sinubukan kong maging kalmado ang boses.
"What do I need to do?!"
"Mahal mo ba ako?" 'Di ko alam kung paano ako nagkalakas ng loob na magtanong.
Matagal muna siyang tumitig. Naguguluhan. Naiinis. Nagngingitngit.L*tche. May pa thrill pang nalalaman. Ang tagal sumagot. Hinayupak na lalaki 'to. Tinatanong lang kung mahal ba niya ako, ang dami pang arte. Ako ang nililigawan 'di ba? Pero bakit parang ako ang kinakabahan? Ang natatakot na mabasted.
"I... like you, a lot. Isn't that enough?"
Iniwas ko ang tingin. "'Yon... lang?"
"What do you expect me to say? I like you. Just like you, a lot, too much."
Ngayon ako naman ang nainis. Kahit isang drum pa ng 'I like you' ang ibuhos niya sa'kin, hindi iyon ang gusto kong arinig.
"Kahit kailan talaga masyado kang slow! Sana ikaw nalang ang naging babae para ma-gets mo! Talipandas!"
"Talipan-what?"
Tumayo ako at ibinato sa kanya ang towel. "Ibalot mo 'yan sa katawan mo! Slow ka na nga, exhibitionist ka pa! Yabang, nagka-abs lang! Ah ewan!" at naglakad akong pabalik.
Madami akong natutunan sa araw na ito. Una, higit na napagtibay ang kagustuhan kong mahalin niya kaysa magustuhan lang. Pangalawa, hindi magandang kombinasyon ang abs ni Ice at seryosong usapan. Masama sa konsentrasyon. At pangatlo, hindi lahat ng sunset sa beach, romantic. Minsan nakakabwiset.
♥♥♥
Sana nagustuhan niyo! :)
Ellena Odde ♥
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...