♥♥♥
Mahirap mag-isip lalo kapag gutom. Bakit kasi ora-orada akong umalis ng 'di man lang natitikman ang handa sa kaarawan. Imbes, dumiretso ako sa sinehan at umupo sa bahaging KKK style: Kataas-taasan, Kadilim-diliman at Kasulok-sulukan.Hindi lang tyan ko ang kumakalam pati na rin ang utak ay natuyuan ng sustansya dahil kahit na may mag-syotang parang mga ibong nagtutukaan at nagpapalitan ng laway sa harapan, wala akong pakialam kung maging live audience pa sa mangyayaring kahalayan.
Pero mas mahirap kapag brokenhearted dahil hindi ko alam, bold pala ang nabiling ticket. Aba't malay ko bang ibang 'tahong' pala ang tinutukoy sa pamagat na 'Ang Tahong Ni Pinelopee'. Kaya siguro halos mag-syota ang nandito at lahat gumagawa ng sariling bed scene.
Wait, hindi nga pala ako heart broken. Ang tamang salita ay, nawindang. Pwede rin ang nakokonsensya.
Sa tanang buhay ko, ngayon lang naramdaman ang pagiging masama. All this time, akala ko, ako ang dehado, ang na-aagawan.
Sinong mag-aakalang, ako pala ang kontrabida sa sarili kong storya? Ano 'to, bidang kontrabida? Ruby lang ang peg?
Sapo ang noo, inalala ko ang nangyari, ilang oras na ang nakakaraan...
FLASHBACK
"Hmm...?"
[CHICKS BANGON NA!]
Inilayo ko ang cellphone mula sa tenga. Sino bang mag-aakalang matinis pala at nakakabwiset ang boses ni Jo sa telepono, lalong-lalo na kapag sumisigaw?
"Kanina pa ako gising." Sinipat ko ang relo sa ulunan, isang oras din akong nakatulog. Hindi naman sigurong pinagbabawal sa batas ang umidlip kapag Sabado?
[Eh ba't mukhang kagigising mo lang? Hapon na chicks!]
"Pagod lang."
[Okay, maghanda ka na ha, within 15 minutes, susunduin ka ni Tisoy. Naks, ingles.]
Magtatanong sana ako kung bakit hindi si Ice ang sasalubong sa'kin, pero naalala kong isa palang surprise party ang gagawin. Dadalaw din si Mrs. Nenita pandagdag pwersa. Katakot-takot na pambubola ang ginawa namin para tanggihan ang suhestyon nitong magpa-cater at gawin ang event sa isang hotel.
Sabi ni Jo ng makausap ito sa telepono, birthday ni Ice, hindi debut. Kaya walang mangyayaring sayawan ng naka-tuxedo at gown. Pinagpilitan naming mas gugustuhan ni Ice na simple lang ang selebrasyon.
Pero hindi ako sigurado kung magugustuhan niya ang isang surprise party. Sa tingin ko nga, pang-iinis lang iyon nila Jo at Kots. Mabuti nalang pumayag si Mrs. Nenita, at sinabing 'wag na daw maghanda ng pagkain dahil siya na ang bahala.
Gayunpaman, pagod pa rin ako. Mahirap palang maghanap ng regalo sa taong taglay na ang lahat maliban puso. Wala namang nabibiling puso na pwede kong iregalo. Maliban sa puso kong hawak-hawak na niya ng hindi namamalayan, wala na akong maibibigay.
Wait, inisip ko ba talaga 'yon? Corny much!
Eksaktong labing limang minuto ang nakalipas, dumating nga si Kots. Imbes na magsuot ng bestida at kung ano pang damit na nagsusumigaw ng 'babae', bumalik ako sa nakasanayang pananamit at itinigil na ang pamamanata sa pagbabagong imahe.
Dumiretso kami sa condo nila. Nanduon, bumungad sa amin ang paghahanda ni Mrs. Nenita and company sa sinasabing party. Aba, hindi nga nito itinuloy ang pag-rirenta ng hotel at pagpapa-cater, pero mukhang dinala nito ang ilan sa kanyang mga kasambahay.
Matapos ng beso-beso at mahigpit na yakap, itinaboy niya ako papuntang sala para makihalubilo sa mga bisita; si Jo, Pam at Kots. Kami lang. Teka, kami lang?! Aba, sa dami ng handa, aakalaing inimbita niya ang lahat ng condo owners sampu ng mga kamag-anak nila.
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...