36. Si Inkarnasyon, May Gandang 'Di Inakala?

82 9 4
                                    


♥♥♥

Hindi ko rin maintindihan kung ang sinabi ni Ice na 'You don't have to' ay isang pamamaalam o paninigurado sa'kin na okay kami. Idagdag pa ang mga bagay na gumugulo sa isip ko.

√ May distansya sa'ming dalawa.

√ Hindi kami masyadong nag-uusap ng seryosong bagay, tipong pareho naming iniiwasan si Pam, ako, siya at ang mala teen flick naming love triangle.

Pero...

√ Tuloy-tuloy an pagkalibre ko ng pamasahe salamat na rin ang paghatid sundo niya.

√ At kahit walang seryosong usapan sa'ming dalawa, paminsan-minsan ay nararamdaman ko ang sinsiredad. Paminsan-minsan.

Sige. Kahit maraming ibig sabihin ang kanyang 'You don't have to', pinipilit kong kumapit sa kung anumang meron kami, kahit hindi ko rin maintindihan kung ano 'yon. Kaya nga nang mag-text si Jo na so-surpresahin namin si Ice para sa 'pre-birthday' party niya sa susunod na linggo, pinaghandaan ko iyon. Pinaghandaan ng bongga. Bago gumawa ng desisyon, humingi muna ako ng tawad sa alkansya ko at nakapikit habang pinukpok ng martilyo.

Paano mo papantayan o hihigitan ang karibal mong ubod ng ganda? Edi pantayan rin ng ganda.

Sige na, ako na ang agresibo. Kung may magsasabi sa'kin noon na gagawa ako ng ganitong hakbang para sa lalaki, oh fles, oh kamon, tatawa ako. Pero dahil kasalukuyang pinagdadaanan ang ganitong sitwasyon, simulan na ang pangbubuska at tatanggapin kong lahat iyon.

'Kasamang bunot ng kilay?'

'Anong shade ang gusto mo?'

'First time mong magpalinis ng kuko noh?'

'Anong shampoo ang gamit mo? Palitan mo na dear.'

'Powder o lotion?'

Ilan lang 'yan sa mga katanungang dapat kong sagutin, hindi kasama ang panghuli. Limas na ang pera ko kaya hindi kasya ang makapag-spa.

Si tita naman, todo suporta. Kaya ito, nanliliit na panunuri nina Kots at Jo. Kanina pa silang nakatingin mula nang sunduin ako sa apartment gamit ang kani-kanilang kotse. Dumiretso kami sa isang eksklusibong talyer, kung saan dinala ako ni Ice minsan noong gumanti siya sa'kin gamit ang five deeds.

"Chicks, nagpakulot ka?"

"Perm ang tawag diyan."

"Nagpa-pedicure ka din?"

"H-Hindi ah!"

"Ba't ka naka-dress? Babaeng-babae."

Maraming beses na akong nakaramdam ng nakakailang na sitwasyon. Isa na doon ay kapag nanunod ng TV na may kasamang lalake habang may komersyal ng napkin. Isa rin ang nakikikain ka ibang bahay, tapos nahihiya kang magdagdag ng kanin. At ngayon. Awkward much. Sabi ng parlorista, hindi halata ang paglakabunot ng kilay ko. Bakit ang dami nilang napapansin? Hindi ako komportable sa tingin ni Kots, animo'y hindi sang-ayon sa pagbabagong anyo ko.

"'Wag n'yo na nga akong pagdiskitahan! Asan na ba ang celebrant?"

"Inaaya pa ni Pam. Mabuti na lang may nasagap akong balita last week, may race daw ngayong byernes ng gabi. Teka, may pasok ka sa Cafe 'di ba?"

"Inilipat ko ang off ko. Sasali ba uli kayo sa underground race na 'yan?"

"Depende."

"Depende saan?"

"Kung gustong kumarera ni Ice gamit ang kotse niya."

"Si Madonna?"

"Hindi, ang totoong kotse niya."

Ilang beses akong kumurap-kurap.

"Oo," sagot ni Jo, nahuhulaan ang sinasabi ko. "Ibinalik na ni Tita ang kotse niya, total, mukhang tumitino na naman daw si 'insan. Tsaka, napansin ni Tita na bumibigay na ang beetle. Kaya ayon, natyempuhang birthday rin ni 'insan."

At on cue namang dumating si Ice at Pam sakay ni Madonna. Si Pam lang ang bumati habang si Ice ay dumiretsong kinausap si Jo.

"Hi, you look beautiful."

"Salamat."

Tinapunan lang ako ng tingin ni Ice at bumalik sa pakikipag-usap sa pinsan. Pagkatapos ay tinulak siya ng dalawang lalaki papunta sa garahe. Sumunod si Pam habang ako ay natulos sa kinatatayuan.

Bakit? Bakit balewala ang effort ko? Sabi naman ng bakla sa parlor, ako daw ang simbolo ng 'gandang 'di inakala'. Syempre, kahit na ayokong mapansin nilang may nagbago, masakit ang mabalewala ang hirap na tiniis ko. Dumugong kuko, naabusong buhok at kung anu-ano pa. Pero bakit 'di niya ako napapansin?

Sa ganda kong 'to, bakit?!

Nakarinig ako ng 'Surprise!' at palakpakan. Pagkatapos pumaimbabaw ang maingay na pasasalamat ni Ice ngunit naging panandalian. Nakarinig ako ng mabibigat na yabag at naramdaman ang mabilis na pag-ikot. Tumambad sa'kin ang nagtatakang mukha niya habang sa isip ko paulit-ulit ang 'Bakit?'.

"Sh*t Face?" nag-aalangan niyang tanong. Hinagod ako ng tingin katula ng isang bagong diskubreng uri ng dragon.

"Of course that's her. Stop calling her foul names," singit ni Pam.

Agad naman akong nanahimasmasan, "H-Hi."

Tumikom ang bibig ni Ice at nanigas ang kanyang mga panga, bahagya ring dumiin ang pagkakahawak sa balikat ko. Saglit siyang natahimik at mukhang nagpipigil ng galit.

"What the f*ck happened to you?!"

Sumigaw siya sa mukha ko, literal na suminghal. Naamoy ko pa nga ang menthol, pero ala na ang amoy ng rommansa. At higit sa lahat may kumirot, sa bandang puso.

"What did you do to your face?!"

At pagkatapos ng isa pang head to toe inspection, isang malutong na 'Why the hell are you dressed like that?!" ang narinig ko.

Hindi ako makasagot habang pinopriseso ang dahilan ng galit niya. Teka, anong mali sa ginawa ko? Anong kulang? Anong sobra?

Bakit?

Bakit s'ya galit?

Why oh why?!

"Uhm..." Isip Ina. Isip.

"K-Kasi..."

"Galing siya sa birthday party kaya ganyan ang ayos, dumiretso lang siya dito."

Halos gusto kong takbuhin si Jo at yakapin ng mahigpit.

"O-Oo, tama. Birthday n-ng kasama ko sa shop." Ngiti Ina, ngiti.

Mukha mang hindi kumbinsido, tumango lang siya at bumaling sa dalawang lalake. "I'll park the beetle first," at tumalikod, iniwan akong bagamat nakatayo, wasak na wasak sa loob.

Pagkatapos ilabas ang sports car na kulay blue, iginarahe niya si Madonna. Marahil ay doon na iyon mabubulok, habang buhay na mag-iisa habang unti-unting kinakalawang. Kalahati ng puso ko ang kumikirot dahil hindi ko nagawang magpaalam sa lumang sasakyan. Maraming ala-ala ang nangyari sa kotseng 'yon, at ngayon nga, maaaring kalimutan habang buhay.

Nag-iisa. Forever alone. Ako, matutulad kaya sa kapalaran ni Madonna?

Nagsimula ng bumalik si Ice mula sa garahe at pasakay sa bagong kotse. Hindi ko magawang humakbang dahil hindi ko alam kung kanino ako sasama. Sa gilid ng paningin, nakita kong sumunod si Pam sa kanya.

"Chicks... san ka ba aangkas?" untag ni Jo.

Lahat sila napalingon sa'kin. Pinaglipat-lipat ko ang tingin kay Pam at Ice. Sa puntong ito, napapagod ako. Sa puntong ito, kailangan kong umatras ng panandalian para huminga. Taympers muna.

Isang hakbang paatras. "Jo, sa'yo ako sasabay," sabay talikod.

♥♥♥

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon