A very short chapter. Still please still enjoy.
Ellena Odde ♥
♥♥♥
Matapos akong dalhan ng hapunan, bumalik siya kinaumagahan, tinupad ang makasaysayang 'I shall return', ni McArthur at muling pinauso ng mga lalaking paasa.
"Wala na nga akong lagnat."
"Are you sure? If you're lying- oh you're right," nawala ang pagdududa niya matapos masilat ang noo ko. "But to make sure," kinuha niya ang karton ng thermometer sa mesa, "We'll use this."
"What is this thing?" taka niya matapos ipinakita ang laman.
"Thermometer! Ngayon ka pa lang nakakita niyan?"
"Dummy. Thermometers aren't like this. It's bigger with a button."
Pinunan ko ang pagiging guro at nagpaliwanag sa ignoranteng doktor-doktoran. "Iyon ang digital thermometer. Ito, mercury thermometer, iniipit sa kili-kili, nilalagay sa bibig o pinapasok sa pwet. Gets mo na?"
Napatitig siya sa hawak, nanlaki ang mga mata. "In the as*?"
"Ay hindi, sa ilong. Try mong isundot. Kasasabi nga lang 'diba? Akin na nga."
Nilahad ko ang mga kamay, at siya, nakatitig atdirig-diri.
"So, will you stuck this in your... a*s?" sinulyapan ang pwetan ko, napangiwi.
"Hindi noh!" napabulyaw ako ng wala sa oras, napagtanto ang ibig niyang sabhin. "Sa kili-kili ko ilalagay, you know , underarms."
Hindi parin niya binigay ang hawak, ngumiti ng parang baliw.
"You'll put this in your underarms? So... can I help?"
Aba't, manyak! At sumakit ang batok ko. "Gusto mo isaksak ko 'yan sa mata mo Talikod," irap ko. Sumunod naman siya, nakapaskil ang pilyong ngisi.
"How long will it stay there?" turo niya sa nakaipit, matapos umikot. Ilang segundo pa lang kaming naghihintay, siya ang unang nainip.
"'Di ko alam. Basta ang ginagawa ko mga lima hanggang sampung minuto."
"Throw it after."
"At bakit? Hoy, kahit mura lang 'to, 'di ko itatapon. Personal use only."
"I don't want strange things touching your body; keyley-keyley (kili-kili) twohowd (tuhod), especially your lips. The only thing that can touch it, is me- and my lips."
Boom. Ang galling mo boy pick-up. Paniguradong mataas pa sa init ng lagnat ang mababasa ng thermometer.
"Strange ka diyan," pagsusungit ko, nagpigil na magpaypay. "Sundutin kita nito eh."
Maikukumpara ang mukha ko sa libro, librong pambata- madaling mabasa. Kaya naman, lumaki ang nanunukso niyang ngiti nang higit na inilapit ang mukha.
"You're blushing. Why?" at tumaas ang kilay. "Kenekeleg ke be?" (Kinikilig ka ba?)
Kahit naiinis, hindi ko na kinagat ang nakakayamot niyang tahol. Mas bagay sa kanya ang ganito. Mas gusto ko ang ganito.
"Tse," at kumibot-kibot ang labi.
Mas malala pa ito sa pagsapi ng fertility goddess. Mukhang sinapian na ako ng espiritu ng kalandian, binubuhay ang katawang lupa kong unti-unting rumurupok.
Wala eh, sa galing niyang mang-bola, bilog na bilog ang ulo ko. Kahit parang nag-ti-trip lang, tagos. Kahit nag-aalinlangan pa rin, nakakadarang ang kanyang pang-uuto. Eh, dumadamoves.
Matapos masigurong normal ang temperatura, itinaboy ko siya bago pa ako bumigay ng tuluyan. Hindi siya pumayag at tinawag pa akong pangit.
"It's almost lunch and we should eat. You got uglier because of lost weight."
Parang kahapon lang tinatawag niya akong maganda. Alin ba talaga?
Tumalikod siya, tinahak ang kusina. "Are you eating noodles every day?!" sigaw niya matapos maghalughog. "This is not proper food!"
Not proper food daw... sabi ng lalaking nabubuhay sa take-out.
"Pwede na iyan! Ang arte. Bukas na ako mag-go-grocery."
Bumalik siya sa sala at humarap sa kinauupuan ko, katulad isang drill sargeant.
"Good. So tomorrow.." 'ika niya, "...what time will we go?"
♥♥♥
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...