♥♥♥
Pam. Si Pam. Ang magandnag si Pam.Ang nakita kong nagbigay ng sulat kay Ice noon, ang unang nagwasak ng puso ni Ice. Dapat sana magalit ako dahil sinaktan niya ang lalaking, kahit na minsan balasubas, ay mahal ko. Pero parang gusto ko ring magpasalamat. Nang dahil sa kanya, nakilala ko si Ice.
"And you are...?" untag niya.
"Ina," mahina kong sagot. Marami akong tanong sa isip. Nandoon na ay kung bakit siya bumalik. Mayroon ding 'di maipaliwanag na pangamba. Pero sa kanyang ngiti, bahagyang napanatag ang loob ko.
Hindi naman siguro.
"Just what Jo said," tumango-tango siya, inasikaso ang niluluto, nang mapansing pwede na, pinatay niya ang kalan at hinarap ako. "He said yourbname is Inkarnasyon, funny, this is the first time Jo talks alot about a girl. Anyway, the guys are not yet back, may binili sa supermarket. Dito ka na rin kumain, I bet Jo will be pleased."
"Eh si... Ice, may nabanggit ba?" Sinabi ba niyang nililigawan niya ako?
"He didn't. But that's how he is. Hindi naman kasi makwento 'yon."
"Ah," tumango-tango lang ako, unti-unting naninikip ang dibdib. Masakit. Tipong napapa-'aray' ng palihim.
Napansn niya ang pananamlay ko, at nag-alalang lumapit. "Hey, are you okay?"
Bilang gaga na madaling nagpapadala sa emosyon, umiling ako. Hindi naman talaga ako okay. Masakit bakit hindi man lang nabanggit ni Ice na binisita siya ni Pam. O hindi man lang niya ako nabanggit.
"Pwedeng... makahingi ng tubig?"
Agad naman siyang sumunod. Wala akong lakas para kumuha ng sariling inumin, at isa pa, pakiramdam ko, isa akong estranghero sa bahay nila. Matapos magpasalamat sa kanya, ininom ko ang laman ng baso at nagpaalam.
"Pakisabi kay Jo, dumaan ako." Halata man o hindi ang panginginig ng labi ko mula sa pilit na ngiti, wala na akong magagawa, iyon lang ang kaya kong gawin.
"Uhm yeah, sure," alangan niyang sabi.
Dere-diretso na akong lumabas ng condo. Bakit ganoon? Bakit ayaw sabihin ni Ice ang namamagitan sa aming dalawa? Ikinahihiya ba niya ako? O sadyang makakalimutin lang siya? Dahil kung sakali, makakatikim siya ng isang malupit sa sapak para tuluyan ng makalimutan ang lahat.
Diretso akong umuwi sa bahay at tumawag sa Jalibi, nagpa-deliver ng apat na cheeseburger, isang large fries at tatlong supot ng pagmamahal. Habang hinihintay ang pagdating ng mga iyon, niyakap ko si Austin at nag-emote. Sa tingin ko, hindi iyon OA.
Hello! Masakit paglihiman ng minamahal na dumating ang dating mahal niya at 'di sinabihan na may nililigawan na siyang iba?
Magulo ang tanong 'di ba? Nagkalint*k-lint*k, parang nararamdaman ko. Mabuti nalang talaga at may ibang mahal si Pam, kaya bawas kaba.
Nang sa wakas dumating ang pagkain, binayaran ko ang delivery man at nilantakan agad ang burger. Maghapon kong ini-off ang cellphone at pabalik-balik na kinanta ang Achy Breaky Heart. Nang magsawa, nanood ako ng mga nakakatawang palabas at kunyari natawa rin.
Dalawang araw ang lumipas, hindi ko sinasagot ang tawag ni Ice. Mas maaga na akong umaalis ng bahay at umuuwi mula sa shop upang masalisihan siya. Kahit na pareho kami ng pinapasukan, matinding pasikot-sikot ang ginagawa ko sa school para 'di kami magkasalubong. In short, umiiwas.
Ba't kasi ako nag-iinarte? Basta lang. Basta lang napagtripan kong mag Hide and Seek kumbaga. Ngunit sa pangatlong araw, nahuli niya ako sa wakas. Pauwi na sana ako mula sa school dahil off sa shop nang nakitang nakaparada si Madonna sa parking lot ng apartment.
Una ko siyang nakita, nakasandal sa kotse at halatang may hinihintay- zombie apocalypse siguro. Dali-dali akong umatras upang magtago, at dahil doon, naatrasan ang basurahan. Mukhang masipag mangulekta ang mga basurero dahil wala iyong laman at natumba.
"Ay basura!" napaigtad pa ako ng marinig ang kalampag.
"What the hell are you doing?" tanong niya sa'kin ng nahuli akong tinatayo ko ang basurahan.
Gusto kong ipasok ang sarili ko doon at hayaang mabulok. "Ah, kuwan, nag... nag-aayos ng kapaligiran. Alam mo na, kahit papano, dapat tayong tumulong kay Mother Earth. Mukhang okay pa naman 'to," sabay inspeksyon na parang tanga. "O sige, mauna na ako. Maraming pang basurahan ang kailangan ng ano... inspeksyon. By-"
Nahablot niya ang braso ko. "No."
"Sabi ko nga," sabay lulon ng imaginary na laway at pilit na ngumiti. "Hi Ice, long time no see."
Hindi na siya nagkomento sa kagagahan ko at humugot ng malalim na hininga.
"Why-"
"Bak-"
Sabay kaming nagtanong.
"Bec-"
"Kas-"
Okay. Awkward. Nag-iwasan pa kami ng tingin.
"You first," sabi niya.
Umiling ako at nilihis ang tanong. "Wala." Sa totoo lang, ang sarap niyang sigawan sa mukha. Pero may pumipigil sa aking gawin iyon. Siguro kahihiyan o pagkailang. "Ikaw?" dagdag kong tanong. May sasabihin ka ba, hinayupak ka? Kelan mo babanggitin na nandito si Pam, talipandas na lalaki?!
Matiim siyang tumitig. Umiwas ako dahil alam kong titibok ang puso ko, sasapian ako ng kalandian at makakalimutan ang hinanakit sa kanya. Alam na alam ko ang prosesong iyon. Cause and Effect, Ice Edition.
"Pam's, she's uh... here."
"O?" 'yon lang ang sagot ko. Magpapanggap akong hindi ko pa alam 'yan kupal ka. Totoo nga talagang kapag wala ang pusa, naglalaro ang mga imported na daga!
"And uhh, she wants to meet you again."
Napataas ang kilay ko. Sinabi na ba niya kay Pam na may something sa'ming dalawa? 'Something' na minsan ay 'di ko rin maintindihan.
"Ah, okay." Di na ako tumutol nang igiya niya sa kotse. Sa buong byahe, wala sa amin ang nagsalita, animo'y kapwa kami nangangapa, mga estranghero na 'di alam paano pakikisamahan ang isa't-isa. Kapwa nakikiramdam.
Pagdating sa condo, nanduon din sina Jo at Kots nakaupo sa mahabang sofa. Umupo ako sa pagitan ng dalawa habang si Ice ay dumiretso sa kusina. Binati ako ni Kots ng nakamonotone na 'Hi Ina' habang tutok sa cellphone niya. Si Jo ay ginulo pa ang buhok ko at nakangising bumari ng, "Oi chicks, long time no see!"
Siniko ko siya ng marahan at suminghal, "Ewan ko sa'yo!" May kaunti rin akong tampo sa kanya dahil hindi man lang ibinalita sa'kin ang nangyayari. Hindi ko alam kung makatarungan, pero hindi ko mapigilan.
"'To naman," humaba ang nguso niya. May kinuha siyang nakataob na frame sa gilid ng mesa at ipinakita. "Alam mo bang sobrang na miss kita, kaya nilagay ko pa talaga ang mukha mo sa frame. Tapos 'di mo man lang ako na miss. Ang sakit chicks," kunwari siyang nasasaktan at itinuro ang puso. "Ang sakit dito."
Sa ganoong sitwasyon pumasok si Pam, bitbit ang mankok ng kanyang niluuto at ang nakakabulag niyang kinang. "Aww... look at you two," tukso niya. "You guys are so cute. Aren't they?" baling niya kay Ice.
"A-huh," ang disinteresadong tugon.
"Do you guys smell something?" singit naman ni Kots.
"Oh my, baka ang niluluto ko na iyon. Nice seeing you again Ina!" Nagmamadaling tumalikod si Pam pabalik sa kusina hila-hila si Ice. "Help me set the table," narinig ko pang sabi niya..
Naiwan kaming tatlo sa sala. Pilit kong nilalabanan ang pag-iinit ng mga mata.
"Hey ape, do you smell something?" ulit ni Kots sa akin nakatingin.
"Meron tisoy," sang-ayon ni Jo, "...nangangamoy love triangle."
♥♥♥
Naaamoy niyo rin ba ang triangle? lol. Anyway, sana ngustuhan niyo. Sa tingin niyo kay Pam, should she be innocent or a total pretentious beeeeyootch?
Ellena Odde ♥
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...