♥♥♥
Mukhang nabali ang leeg ko sa mabilis na paglingon sa kanya.
"I mean, ride with me."
"B-Baliw ka ba? Sumuko nga ako sa bike na may training wheels, sa kotse pa?!"
"I said, ride with me. You'll do nothing except shut up while I drive. It's an underground race," at na-i-park ang sasakyan.
"Baliw ka na nga! Anong race?! Una-, illegal iyan. Ano 'to, Fast and Furious Part Eleven: The Turtle Race? Pangalawa, marunong ka bang mag drive ng mabilis? Kung nagmamaneho ka, mas mabilis pa ang mga naipit sa traffic dahil sa bagal. Pangatlo, ang kotse mo prehistoric at napag-iwanan ng teknolohiya! Aba't, kung sa cancer , ang kotse mo, stage 4! Agaw-buhay na."
"Do I look like a retard to you? Why would I u-"
Naudlot ang napipinto naming patayan ng kumatok sa bintana si Jo. Lumabas kami ng sasakyan, parehong ibinalibag ang pinto. Hindi na siya nahiyang itabi ang sasakyan sa hilera ng mga kotseng nakakasilaw sa kinis at pwedeng lumipad sa modernong disenyo.
"Nice get up, chicks."
"Stay close," babala ni Ice. "It's a packed crowd ahead "
Hindi ako sumagot, nakatingala sa kanya. Nasisiraan na siya ng bait. Natuon ako sa kamay kong hinablot niya at mahigpit na hinawakan. "Don't let go." At hinila, katulad ng inang isinama ang anak na mamili sa tiyangge.
"Wow, dumadamoves, si Insan."
"Shut up ape."
Tama, shaddap. Sang-ayon ng isip kong baliw na rin.
Matapos batiin si Kots nang marating ang pwesto nila, hinarap ako ni Ice.
"Look, I'm using Jo's car," tukoy sa kotseng katabi, sa hood ay may nakapintang magandang sexy star na sikat noong dekada nobenta. "I know how to drive and I'm good at it."
"Hey stranger, nice car," singit ng babaeng mukhang nakahubad. Kung ga'no kababa ang ukab, ganuon naman kaikli ang laylayan ng damit niyang invisible.
Aba't kahit 'di tumuwad, kita ang pisngi ng pwet niyang kulubot-free. Pero nakadikit ang mga mata ni Ice sa mukha kong may pagsahan ng sipon. Taliwas sa galit na boses, malambot at nagsusumamo ang kanyang mga mata.
Nagsiliparan ang malalanding mariposa sa tiyan ko, katulad ng babaeng halos hubad na hinihimas ang braso ni Ice. Haliparot.
"May siyota na 'yan, pero ako wala pa. Akin din ang kotse," mabilis na singit ni Jo. Nagpadarang na naman ang pilantod. Salamat Jo.
"Sh*t F- Ina, I won't join this race if I don't know what I'm doing," kumbinsi ni Ice.
"Bakit kailangan pa ng may sakay? Pwede naman si Jo o Kots ang angkas diba?"
"Excuse me, Genesis right?" tanong naman ng babaeng mukhang turon sa higpit ng damit. In fairness, sexy. Sa sobrang sexy ang sarap bigyan ng malupitang sundot sa ilong. Ano naming kaepalan 'to?
Hindi parin lumilingon si Ice, tuloy ang titigan ang marathon naming dalawa.
"I'm Abby. I gave you my number before, but you never called me back," at nanghaba ang nguso.
"I would love to have your number," sa ngayon ay si Kots naman ang sumingit, masuyong iginiya ang babae papalayo. Salamat Kots.
"The passenger should be a girl. And, you're my best choice. I don't want to ask anyone else, okay?! J-Just do it. This is the last time."
Umabot na ng Season 3 ang plabas naming Ride With Me, wala pa ring pag-usad sa plot.
You're my best choice. At unti-unting lumambot ang mga tuhod ko.
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...