♥♥♥
"Sino yan?" Nagkakamot pa ako ng ulo habang binubuksan ang pinto.
"It's Thursday in the morning and you're still in..." at tumaas ang kilay niya nang makita ang suot kong pantulog, "...Hello kitty. Is that the one my son gave you?"
"T-Teka, anong... anong ginagawa niyo po rito?" Bahagya pa akong napaatras nang makita si Mrs. Nenita sa pinto at diretso siyang pumasok matapos hubarin ang sapatos. Wala na akong nagawa kundi ang mabilis na mag-lock at sumunod sa habang iniintindi ang mabilis niyang pagsasalita ng nakakadugong English.
"Why am I here? Investigating of course! It's already nine, Inday Ina and you haven't taken a shower. That's not good for a woman chosen by my son. Chosen by the future CEO of the empire I built! By god, did you even brush your teeth?" Umakto pa siyang inaamoy ako. "Maybe not yet. Will go on then, gurgle or brush. I don't want to talk to you with your breath smelling like bacteria, tocino or whatever food you Luzon people ate from last night."
At parang reyna siyang umupo sa gitna ng pinakamalaking sofa. Mahaba man ang kanyang pink na summer dress, nakikita ko ang maputi niyang binting may pulang nail polish ang mga kuko na sumilip sa tsinelas na pambahay.
Isa siyang hot mama. Na medyo chubby. At walang preno ang bibig.
Tinanggal niya ang suot na sunglasses. Mabuti naman, para di na siya magmukhang tutubi. "Now what are you gaping for? Inday, it's rude to stare at people. Go and brush your teeth."
Isa nga talaga siyang hot mama. Na palautos at akala mo kung sino kung makasugod ng bahay. May pinagmanahan pala si Ice.
Akala ko pa naman, tahimik na lilipas ang umaga. Wala akong pasok dahil nagkansela ang klase. Sa lakas ba naman ng nagrarally sa labas ng paaralan, mabubulabog kaming lahat. Maliban sa ilang pinaglalaban, nangunguna doon ang pagkundena sa tuition increase. Sana sumama na lang ako sa rally, baka sakaling mas makasaysayan pa ang araw ko.
"Inday?" untag niya.
Tumango nalang ako at tumalikod upang mag-mumog.
"And I want coffee, make it strong."
"Wala po akong kape," sabi ko pagkatapos.
Mukha naman siyang naoffend. "Sus ginoo, that's a basic in hospitality. You should offer visitors a drink. Coffee is the most essential. How about juice? Unsweetened if possible."
Unti-unti na akong naiinis. Sino bang nagsabing pumunta siya at putaktihin ako? "Ubos na po ang juice."
"Milk?"
"Wala rin po?"
"Then what do you have?" inip niyang tanong.
"Tubig lang po," may kasama ko pang kamot sa ulo.
Panandalian siyang umiling. "You are worse than I thought."
May magagawa ba ako kung naubos ang supplies at wala pang panahon upang mamili? "Mineral naman po, saglit lang." Agad akong tumalikod pabalil ng kusina.
Matapos nagmamadaling magtoothbrush, nagsalin ako ng tubig sa baso para sa nanay ni Ice. Inilapag ko iyon sa mesa at umupo kaharap niya. Sakto namang pagpasok ni Austin. Lumalagitgit ang ikot ng kanyang gulong dahil nakalimutan kong linisan at lagyan ng pampadulas.
"What creature is that?" sabay turo sa aso kong lumpo na nakalawit pa ang dila.
Gusto ko siyang sagutin ng pabalang. 'Yan po ang ibong adarna. Pwede ring anak sa una kong asawa. Nakakabanas. Kita na ngang asong may gulong, tinatanong pa kung anong klaseng nilalang. Bakit? Porket nalumpo lang, nag-iba na agad ng specie?
"Si Austin po. Alaga ko."
Ang kawawang aso, nakanganga pa rin at walang kamalay-malay sa mapanghusgang tingin ni Mrs. Nenita. Mukhang walang balak itong umalis at magiging pangatlong nilalang sa magaganap na usapan.
Matapos mangutya, naging seryosooo siya. "Okay, now let's get to business. Inday, my son is rich. Very rich, and you know it, right?"
Kung maka-diin naman ng 'very'. "Kung kutis niya ang pagbabasehan, siguro nga po, mayaman siya." At isama pa ang kumpyansa sa sarili at sa sama ng ugali. Hindi ko sinasabing mga hinayupak ang lahat ng mayayaman, pero kung susumahin ang personalidad ni Ice, hindi maipagkakailang may kaya siya sa buhay.
"Good." May kinuha siyang malaking brown envelope mula sa bag niyang kasya ata ang lahat ng paninda sa MOA. Inilapag niya iyon sa harap ko.
Teka, 'wag mong sabihing...
"Hindi po pera ang habol ko sa anak niyo," sabi ko bago pa mawalan ng lakas ng loob.
Sabi na nga eh, totoo ang nakikita ko sa TV. Kapag mayaman ang lalaki at dukha ang babaeng may ugnayan, magkakaroon ng bayarang mangyayari. Susubukang bilhin ng kontrabidang ina ang pobre, mabait at napakagandang babae gamit ang pera, alahas o extra life sa candy crush.
Ganito ba ginagawa ni Nenita? Inilalayo ako kay Ice? Ganito din ang ginawa ni Ice sa'kin dati. Sinuhulan niya ako para ibigay sa kanya ang sulat. Dapat sana nanginig na ako sa galit dahil isa itong pang-iinsulto sa katauhan ko. Pero hindi. Hindi ko paiiralin ang galit dahil may dapat akong patunayan.
Hindi ko rin masisi si Mrs. Nenita dahil pinoprotektahn lang niya ang anak sa maaring mang-abuso. Pero hindi ako- ang pobre, mabait at napakagandang bida sa mga kwento.
Tinitigan ko ang malaking envelope na nakalapag sa mesa. Magkano kaya ang laman niyon? Sapat na kaya para mapalitan ko ang gulong ni Austin? At makabili ng burger mula sa iba't ibang parte ng pitong kontinente? Pero kahit gaano pa kalaki ang halaga, hindi ko ipagpapalit si Ice.
Hindi ko ipagbibili ang nararamdaman ko sa kanya.
"Hindi ko matatanggap ang pera niyo," may diin kong sabi
"Inday..." at dumukwang siya. "Nabuang na ka?"
Nagulat ako. Ako pa ngayon ang nababaliw? "H-Hindi po."
Kinuha niya ang envelope sa mesa at nilabas ang laman. May ilang papel na may nakasulat at karamihan ay mga litrato ko. Meron ding kasama ko si Ice.
Kinuha ko ang mga litrato at napanganga. May pasakay ako sa kotse ni Ice, kay Madonna. Sa coffee shop at noong nag-uusap kami sa beach. Meron pa nga noong tinapunan ko siya ng tuwalya. Napamulagat ako sa isa sa mga larawan. Ako ba to? Nakatalikod akong naglalakad papuntang sakayan ng jeep, marahil noong panahong hindi ako nagpapasundo kay Ice. Okay na sana kahit stolen shot. Pero ang isa kong kamay ay nakahawak sa bandang kuyukot at may inaayos, siguro ay tela ng panty na nakain ng pwet. Napatunayan kung hindi ako photogenic. Ang saklap.
Dapat sana magalit dahil pinaimbestigihan niya, pero mas naunahan ako ng hiya.
"And you thought I'll give you money to stay away from my son," nanghuhusga niyang sabi. "Inday, I can't do that, I don't bring cash."
"T-Teka po. Bakit niyo ako pinaimbestigahan?! Invasion of privacy yan ah."
Hindi siya apektado, bagkus tiningnan din ang nagkalat kong litrato."They say the first impression is important, and when I saw your pictures, I was disappointed with my son. Now that I met you, I realized something. This is the first time he went for a different type of girl. A, shall I say... rare specie."
"Dapat po ba akong maoffend?"
"If you like," sabay kibit-balikat. May pinulot na papel sa kumpol ng mga larawan.
"The investigator was good, but there are some things I would like to ask you first. I hope you'll answer."
At habang kumukuha siya ng kung ano sa bag, isa lang ang naisip ko- Anong kabaliwan 'to?
♥♥♥
Sana magustuhan niyo. Sa tingin mo, ano ang negosyo nila Ice? :)
Ellena Odde ♥
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...