♥♥♥
"How much?" She laid down the check in front of me. The blank space indicated I can write any amount I want.
So, what's my price? How far will I stand by my decision?
I looked at her from across the table. With a smug expression on her face, I knew what she's thinking. She's confident. With a shaking hand, I took the check and realized...
Syet, ba't ako nag-i-English? Sino tong babaeng 'to?
"Saglit lang ho," itinaas ko pa ang mga palad, parang namamanata. Simbolo ng 'taym pers'.
"What is it?" Nakataas pa ang kilay niya.
"Masyadong advance ang eksenang 'to. Flashback-flashback din."
"Suit yourself." May kasama pang kibit balikat.
At iyon nga, sisimulan natin ang kwento, isang araw matapos ang moment sa bulok na kotse niya, ni Ice...
♥♥♥
"Sandali, so, nililigawan ka pa lang ni Insan, pero kayo na?" Naghalukipkip ang usyoserong lalake at matamang tinitigan ang kaharap na babae. Sa mga mapanuring tinging pinupukol nito sa kanya, dinaig pa ang imbestigador sa kaso ng extrajudicial killings.
Dahil sa tanong, hindi napalagay si bebot at uminit ang kinauupuan niya. Kaya pala 'hot seat' ang tawag doon.
"Kuwan kasi, uhh, ganito, a-ano uhm..." Nagkadautal-utal si bebot sa pagsagot.
"Ano chicks? Technically, hindi pa kayo? Pero emotionally, syota ka na ni Insan? Konpyusing! Napapa-english tuloy ako sayo."
Wait. Maling P.O.V. Ito na talaga 'yon.
♥♥♥
"K-kasi.. ganito..." Tumigil ako sa pagsasalita at nag-isip din ng paliwanag. Ah, ano ba kasi kami ni Ice?
Dahil sa pagsuko, tinaas ko ang tingin kay Jo at animo'y nagsusumbong na sumagot, "Di ko din alam eh."
Nandito kami ngayon sa condo nila. At dahil kausap ni Genesis ang Mama niya sa telepono, naiwan ako sa sala kasama si Jo. Wala si Kots dahil umuwi siya ng Zamboanga bago bumalik ng London. Tumingin ako kay Jo, hiigit na lumalim ang kunot ng noo niya.
"'Nak ng pu- puto bumbong. Lalong gumulo ang love story niyo."
Love story? Ang love story, parehong nagmamahalan. Eh, saming dalawa ni Ice, ako lang ang ngmamahal. Oo, gusto niya ako, pero 'di niya sinabing mahal niya ako.
Pinigilan ko siyang umalis. Kaya, dito siya mag-aaral para sakin.
Para sakin.
Pero di pa kami. Pero kami. Ah ewan.
Maya't-mayay ngumisi si Jo at nagsalita uli. "Sabagay, at least, nagkaaminan kayo. Sagutin mo nalang para wala ng gulo."
Bago pa ako makasagot, lumabas si Ice mula sa kwarto hawak ang cellphone niya.
"Anong sabi ng Mama mo?"
Umupo siya sa tabi ko at tumitig sa akin.
"Alis na muna ako. Masyadong inosente ang mga mata ko sa kahalayan niyo," paalam ni Jo at pumasok sa kwarto niya.
'Di man halata, binibigyan niya kami ni Ice ng pagkakataong makapag-usap ng maayos. Muli akong lumingon kay Ice na nakatitig parin sakin. Kaya ito na naman, sumasanib ang Fertility Goddess.
"Oi, pumayag ba siya?" untag ko.
"She doesn't have a choice." Sumandal siya sa sofa at tumingala sa kisame, mukhang pagod.
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...