21. Si Inkarnasyon, Makikipag-date?

77 12 2
                                    


♥♥♥

Ilang araw na din ang nakalipas at kinarir nga ni Ice ang 'panliligaw'. Hinatid ako sa school ng nag-enroll para sa second sem. Sa coffee shop. O pauwi. In short, nagboluntaryo siyang maging driver sa lumang pink taxi na hindi gumagalaw ang metro.

Binibigyan din niya ako ng cheeseburger. Sandamakmak na cheeseburger! At minsan may kasamang sachet ng ketchup.

Naturalmente, nanatili ang bangayan naming dalawa. Kesyo masyado daw akong maingay, o matigas ang ulo at kung anu-ano pa. Siya naman masyadong nakakapanibago at nakakaduda. Katulad ngayon, habang dumadalo sa pa-despidida ni Kots na pinapauwi ng Zamboanga bago bumalik sa London.

"Hey! Hands off," utos ni Ice habang inilalayo ako sa pinsang mahigpit yumakap.

"Teka, nagpalit ka ba ng shampoo?" at inamoy ni Jo ang buhok ko, "Mas mabango ag buhok m-aray! Titigil na." Umatras siya, nakangiti kahit na binatukan ni Ice. Itinaas niya ang kanyang mga kamay sa pagsuko at nagmaktol. "'Di ka pa nga sinasagot."

Nag-iwasan kami ng tingin ni Ice, nailang sa tuksuhang may katotohanan. Nang huling nag-walkout ako noon, alipin at amo ang relasyon naming dalawa. Ngayon ay nagmamagandang dalaga at hilaw na manliligaw. Tumuloy kami sa sala ng walang imikan, nadatnan si Kots habang nag-aayos ng pagkain.

"Hi Ina," bati niya.

"Kots, hello," sagot ko naman.

"Hanggang bati ka na lang tisoy," singit ni Jo, hinagod-hagod ang batok, "Huwag mong hawakan si chicks, may magagalit."

"Shut it ape," babala ng isa, nakasalampak sa sofa at pinipindot ang remote ng TV. "What?!" Singhal niya ng mahuli akong nakatitig. Nagkibit balikat ako, sa isip ay nagtaka kung anonng nagustuhan ko sa kanya.

Natuloy ang kainan matapos masigurado ni Ice na walang hinalong alak sa soda. Maingay, magulo at masaya. Ilang beses kaming naiwan ni Jo sa usapang Ingles ng dalawa, kaya't kami na lang ang nag-usap ng paksang pang-commoners.

Old McDonald had a farm, heeeyah, heeeyah yooow!

Tumikhim si Ice, hinugot ang cellphone mula sa bulsa at pero hindi sinagot ang tawag nang makita kung sino ang nasa screen. Habang ako naman ay pilit inintindi ang bumabagabag sa'kin ilang segundo lang ang nakakaraan.

"Hoy!" duro ko, sa wakas naliwanangan sa dahilan ng misteryosog inis. "Sabi mo, sabi mo walang kang ibang kopya ng recorded call ko? Ginawa mo pang ringtone!"

Nag-iwas siya ng tingin, senyales ng makasalanang akusado. "Look, it's just a song. It won't ruin your future"

"Burahin mo iyan!"

Nagpalipat-lipat lang ng tingin ang dalawa, animo'y nanonood ng tennis match at sinusundan ang tira sa bola, habang panay ang subo ng pagkain.

"No," matigas iyang tanggi.

"Burahin mo." Hindi na ako sumisigw pero naggit-gitan ang ngipin.

"No."

"Isa."

"Not happening."

"Dalawa."

"Count in any language, but I'm not gonna do it."

Tinikom ko ang bibig, taimtim na nakatitig sa kanya. Alin ang mas epektibo, hampasin siya sa ulo hanggang mawalan ng malay at kunin ng cellphone? O unahing agawin ang cellphone tapos hampasin sa ulo?

"I-I like hearing your voice. Okay? It's funny, like a screaming mouse. So, shut up."

Posible pala ang mainis at kiligin ng sabay? Deym yu, Ice.

"B-Basta, burahin mo," pilit ko, nabawasan ng diin at konbiksyon, nang-init ang mukha.

"Are you blushing?" singit ni Kots.

"Ice and Ina sitting on a tree, K-I-S-S-I-N-G!"

Sabay kaming napatingin ni Ice sa dalawang usyosero at suminghal ng 'Shut up!', siya tunog imported at ako tunog kanto.

Muling nag-ring ang cellphone niya, nakakuha ng parehong disgusto sa naunang tawag. "I gotta take this," aniya at tumuloy sa kwarto.

Naiwan akong inulan ng tukso, binanggit ang ibabansag sa loveteam: #TeamInaSis na pinaghalong Ina at Genesis ang tootong pangalan ni Ice, #TeamMahilig na hango sa apelyido ni Ice o #TeamAnimal dahil sa aso't pusa naming bangayan. Simangot ang nakuha nilang reaksiyon mula sa akin.

"Payuhan niyo nga siyang tigilan ang pang-uuto."

"He's not joking Ina. He likes you," pangngumbinsi ni Kots.

"Tama chicks. Alam mo bang nag-Google pa ang gago kung pa'no manligaw? Palibhasa, sa 'Tate, masyadong ma-action ang mga chikabebes," at nilagok ang laman ng baso. "Eh syempre, may kaibahan dito sa 'Pinas. Kung madali lang ang karamihan sa bebot dun, dito naman, maraming pasikot-sikot. Mabagal ang usad, parang Edsa. 'Di ko sinabing maarte ka chicks, tama lang na magdusa muna ang gago kong pinsan. 'Di ba?" at siniko ang katabi.

"Right," at sumubo ng pizza.

"Pero chicks, kahit gago 'yon, bigyan mo ng pagkakataon. You know.. tsens," at ngumisi. "Gib him a tsens."

Wala akong maapuhap na sagot. Sa ikli ng panahong nagkakilala, may mga panahong nakita ko silang seryoso. At isa ito sa madalang na pagkakataong iyon.

Ilang minuto pa, bumalik sa Ice sa sala ng higit na masungit. Hanggang sa hinatid niya ako ay miminsan lang siya umimik.

"Hoy, bakit ang seryoso mo?" untag ko, may kasamang tapik matapos ng ilang beses na nagpaalam sa hangin.

"Just nothing."

"Sino ba... ang kausap mo kanina?' Hindi naman ako usyosera, pero nakakabuhay kuryosidad ring malaman na may tao pa lang mas nagpapasungit sa kanya maliban sa akin.

May third party ba akong dapat paghandaan sakali? Sakali lang naman kung sasagutin ko siya.

"Just someone I know."

Sinungaling.

Kung wala lang ang taong iyon, bakit siya nag-susungit? Iba sa sungit na nakasanayan ko. Iyon ang pagsusungit ng taong may iniwasan, may itinatago- posibleng third party nga. Pero, anong paki ko, hindi ko naman nga siya sasagutin... kung sakali.

"Gusto mo ba talaga ako?" ang katanungang kusang lumabas, huli na para bawiin.

Naipilig niya ang ulo, kunot ang noo, iniintindi ang nakikita. "You stupid or what?" na agad sinundan bago ako magrebolusyon. "Do you think I'd do these things if I don't like you?"

Ibinuka ko ang bibig, pero hangin lang ang lumabas.

"Stop staring, do you know how beautiful you are when you look at me like that? You have that stupid look on your face, but still. How will I convince you? Do you want me to kiss you again?"

Umubo ako, natamisan sa pinaulang asukal. Sana'y magpaalam naman siya bago magbitaw ng kundimang pang smooth criminal. Nakakawindang at kung anu-ano ang nasasabi ko.

"Sunduin mo ako ng alas nwebe bukas, gusto kong mamasyal," at ibinalibag ang pinto, pero agad ding binuksan. "At hindi iyon date," pagkatapos ay kumaripas ng takbo.

♥♥♥

So alin ba? #TeamInaSis? #TeamMahilig? #TeamAnimal?

Hmm, anong magandang date para sa dalawa? Any ideas? Oh well, giniit ni Ina na hindi pala iyon date :)

Ellena Odde ♥

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon