♥♥♥Mabigat ang kapalit ng katotohanan kaya minsan may mga taong tinatakbuan ito. Iniiwasan. Literal na iniiwasan. Iwas tingin. Iwas usap. Pero sadyang may sariling amo ang utak ko at maya't-mayang minumulto ng mukha ni Ice.
Para siyang epekto matapos manood ng horror movies, kahit nakapikit ay nakikita- nakangiting mala-demonyo at titnatawag ako... 'Come.... my precious.' Lalo na kaya kapag nasa harap ko na siya at maya't-maya ding sumusulyap.
Hindi ko alam kung bakit may gusto ako kay Ice, at ayoko ko ng malaman. 'Di ko pa nga matanggap. Dalawa lang naman siguro ang dahilan kapag nahuli ang crush mong nakatitig sa'yo. Una, may dumi ka sa mukha at pangalawa mukha kang dumi. Wala sa posibilidad na crush ka din niya. Hashtag ASA.
Pero sa ilang beses kong tumingin sa salamin at masiguradong kasing linis iyon ng budhi ko, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit panay ang sulyap ni Ice simula ng bumalik sila. Si Aljo naman ay panay ang ngisi at pasipol-sipol habang pinaglipat-lipat ang tingin saming dalawa.
"Binuksan ko lang ang mata ni 'insan," sabi niya ng minsang masolo ko sa kusina habang hinahanda ang pinamili nila. "Sinabi kong crush mo siya, naniwala naman ang ogag."
Nasapak ko siya ng 'di sinasadya.
"Chicks, masakit!" aniya. 'Di ako sumagot at nanghihihnang uminom ng tubig. "Teka... so crush mo nga si 'insan."
Nakuha niya ang sagot nang tuluyan akong nabulunan dahil lang sa mineral water. Bumunghalit siya ng tawa at kumanta.
"Ice and Ina sitting on a tree, K-I-S-S-I-N-G!
Ice and Ina sitting on a tree, K-"
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at nagmakaawa. "Pwede mo akong alilain, maluwag sa loob kong lalabhan ang mga damit mo, please lang... itikom mo ang bibig ko."
Dahil na rin siguro sa pamumula ng mukha ko at pagpppipigil ng luha, tumango siya. Doon ko lang tinanggal ang kamay sa kanyang bibig. Lumantad ang nakakaloko niyang ngisi at pinagkiskis ang mga palad daig ang mga kontrabida sa pelikula.
'Wag kang mag-alala chicks... leave it to me, Aljo will save the day," at tumawa ng malademonyo.
Hanggang naayos ang pagkain sa mesa at umupo kaming lahat, nanatili akong tulala. Unti-unti ng nahahalata nila ang totoo, ang katotohanang ayaw kong taggapin. Kapag tinanong ni Ice, itatanggi ko iyon ng buong-buo.
Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataong alipustahin, maliitin at ung anu-ano pang kasamaan na ginagawa ng mga kontrabida sa telenobela.
"Hoy chicks," untag ni Jo. " Kanina ka pa tulala. Sino bang iniisip mo?" Imbes na patulan ang panunukso, sumagot akong pilit na hindi mautal.
"Ah, m-masaya lang ako. K-kasi kahit papano nakapagcelebrate ng birthday. Wala kasi akong kasama, kakaalis lang nila Tita sa U.S. Tapos, bumili pa kayo ng cake, ice cream at cheese burger. Sandali, parang ang dami ko ng sinabi, basta, masaya ako. Aha-ha-ha."
"Demi peng sinebe. Can we eat now?" sabat ni Ice, sa baluktot na dila, katulad ng utak niya. Nega talaga.
"We should sing first," nakangiting sabi ni Kots.
"Happy, happy, happy birthday, sana'y malasing mo kami!" Panimulang kanta ni Jo.
Kumanta sila ng traditional na 'Happy Birthday' na para bang matagal na kaming magkakilala . Si Ice naman, hindi kumakanta pero kumukumpas lang sa clapping. Atlit.
"I told you, your voice is terrible. Now, she's crying," sisi ni Kots kay Jo.
"Mga baliw. Masaya lang ako kasi may kasama akong magcelebrate ng birthday. Tsaka ang pangit din talaga ng boses ni Aljo," patudyo ko pang sabi.
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...