7. Si Inkarnasyon, Umiyak?

93 19 1
                                    


♥♥♥

Milagro, nag afternoon shift ka ngayon?" tanong ni Ton-ton. Sa ngayon, nandito kami sa counter at nag-aabang kung may maligaw na customer ng maaga.

"May lalakarin kasi ako mamaya".

"Girl, kung ano man ang lalakarin mo, sana walang kinalaman ang pagkapuyat mo d'yan kagabi," sabay turo sa mata kong 'di maitago ng sandamakmak na concealer ang pangingitim. Kesa magmukhang nasubsob sa harina, sumuko ako at rumampa kasama ang mala-Pandang mata.

Dagdag rin sa puyat ang pagpupuyos nang tinawag ni Ice na Sh*t Face. Ganun na ba talaga ako kapangit? Si Inkarnasyon Bonifacio? Tinawag na 'Sh*t Face'?

Hindi sa pagmamayababang, minsan akong na-nominate sa pagiging muse noong elementarya, hindi nga lang ako nanalo sa botohan. Ngunit dahil ngayon ang huling araw ng kasunduan namin ni Ice, palalampasin ko lahat ng pangbu-bwesit n'ya sa'kin. S'ya pa ang gagawan ko ng kabutihan.

Ito na ang finale.

Kung sa mga laos na palabas, ito na ang huling tira para humakot ng ratings. Pagkatapos, ay wala ng gugulo sa mga natitirang araw ko bago dumating ang zombie apocalypse. Mapuputol na ang walang say-say na ugnayan naming dalawa.

"What's the fifth deed?" salubong sa'kin ni Ice matapos akong sunduin.

"Good afternoon din. Ganyan ka ba bumati sa lahat ng tao? Masyadong friendly. Punta tayo sa ikalimang kanto mula dito sa shop," sabi ko sabay sakay sa kotse.

"Why? If it's another coffe shop, no freaking way'" binuhay n'ya ang makina. Habang umaandar, rinig ang naghihingalong tunog ng makina. Wala na bang mas ibibilis ang kotseng 'to?

"Hindi, barber shop 'yun."

Tumango-tango pa s'ya animo'y suumasang-ayon. "It's a good idea to cut your ugly hair or go bald, but I'm not gonna wait for you."

"Barber shop nga 'di ba? Dahil parang 'di nadaan ng suklay ang buhok mo, paputulan natin 'yan."

Biglang gumiwang ang kotse at agad n'yang ipinarada sa gilid ng kalsada. Muntik na akong mabingi sa kanyang pagsinghal.

"Are you insane? It has nothing to do with you! You don't have to decide on your own!"

Kung mababasa pa sa text ang lahat, paniguradong caps-lock ang mga letra, may kasama pang sangkatutak ng exclamation point.

"W-well, tingnan mo nga 'yang buhok mo, parang binagyo. Akala ko lang, gusto mo ding ipaputol 'yan, wala ka lang time," sagot ko naman.

"It's not your f*cking problem!""

'Di na ako nagdahilan at sumikip sa pakiramdam ang loob ng kotse. Nang subukang buksan ang pinto, ayaw nitong makisama. Hindi naman lock, sadyang tinopak lang katulad ng may-ari.

Namalayan ko nalang ang pag-init ng mga mata hanggang sa tuluyan nang tumulo ang ilang butil ng luha. Hindi ako pwedeng umiyak. Hindi ko iniiyakan ang mga taong may split personality at pusong kasing tigas ng mukha n'ya.

Siguro nga ay tama s'ya, wala akong karapatan pero gusto ko lang naman maayos ang huling araw namin. Sa takbo ng pangyayari, mukhang hindi naging maganda ang kinalabasan. Bilang pagsuko, hinugot ko mula sa bag ang tinahing maliit na pouch at inabot.

"Sorry pinangunahan kita. Ito o, sayo na."

Hindi ko na hinintay na buksan n'ya ang laman at pinilit na umalis.

"Uhm, paano ba buksan 'to? 'Di ako makalabas eh."

Hindi man lang s'ya sumagot. Binuksan n'ya ang pouch at nalantad ang sobreng may sulat. Pagkatapos ay bumaling ng may nagtatanog na mga mata.

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon