♥♥♥Karapatan ng isang babae ang suyuin ng manliligaw.
Karapatan ng isang babae ang mahalin.
Kung ang iba ay sapat na sa hilaw na feelings, ako hindi. Gusto ko ang sakto, ng kailangan ko mismo o pwede ring may pasobrang dessert, patamis.
'I like you. I just like you.' Kung sa tagalog, 'Gusto lang kita'. Kulang pa.
Kulang na kulang na lang at mababatukan ko na si Ice.
Hindi na kami nagkibuan hanggang uwian. Nakipagpalit pa nga siya ng pwesto kay Kots at umupo sa front seat. Mabuti nga, walang nangulit kung bakit halos tumagos na sa likod ni Ice ang mga matatalim kong titig.
Ilang araw na ba ang lumipas? Ah tama, tatlong araw, sampung oras at mga anim na minuto. Ito na ang pinakamahaba naming away. Kinarir ko ang pang iisnab at siya naman dinumog na siguro ng mga malalnding fangirls sa campus. Hindi na ako nagpapasundo o nagpapahatid.
Ang problema sa kanya, kailangang ako lagi ang muuna. Ako ang unanng nagtapat ng nararamdaman. Ako ang unang nagmahal. Ako ang tatanga-tanga. Ako. Ako ang nagkanda leche leche dahil sa lint*k na feelings na 'yan!
Lagi na lang ako ang nagpaparaya. Ang nagsiselos. Ang naghahabol. Minsan, 'di ko maintindihan kung bakit ako nababaliw sa sira ulong 'yon.
"Inakarnasyon," puna ni Ton-ton, "Kanina ka pa sa mesang iyan nagpupunas, usong mag-move on. Ang dami pang mesang pwedeng makaranas ng banayad mong kamay at pagtarapo."
Agad din akong sumunod, walang ganang sitahin ang chikinini niya sa leeg.
Pagkatapos kong magmukmok at ibuhos ang sama ng loob sa pagpupunas, bumalik ako sa counter at naghintay ng customer. Maya-maya pa, may pumasok na matandang babae. Kapansin-pansin siya sa dalang malaking shoulder bag. Kung 'di naka-summer dress ng matingkad na dilaw, mapagkakamalan kong bomba ang laman ng bag niya. Umupo siya sa mesa malapit sa counter. Lumapit naman ako dala ang menu."Welcome to Café Viva, may I take your order?"
Tinanggal niya ang suot na sunglasses at tinitigan ako mula ulo hanggang sapatos, sapatos hanngang ulo. "What's your best seller?" may katarayang tugon. Hanep ang accent, pang-kol senner.
"Uhm, we have strawberry cake with vanilla ice cream toppings, Sweet Cherry pancake, Honeybread with choc-"
"Sus ginoo," turan niyang 'di makapaniwala, nahubad ang pagsasalitang pang-kol senner. "I'll be dead in no time, Inday. My doctor said no sweets."
"Err, kung gusto niyo po, we have coffee."
"Then I should've stayed home and made one myself."
Eh bakit siya pumunta dito? Malaking karatula ang nakalagay sa labas na Cafe Viva. Cafe! Utang na loob, 'wag ngayon. Magulo ang utak ko. Baka 'di ako makapagpigil at maibuhos ko sa kanya ang sama ng loob.
"I'm sorry Ma'am. Kung gusto niyo po, pumili nalang kayo sa menu."
"Why didn't you say so?"
Eh nagtanong po kayo kung ano ang best seller namin eh! Hambalusin ko kayo ng bag niyo? "I'm sorry po."
Habang binubuklat niya ang menu, nagsalita siya, halata sa accent na hindi isang netibong tagalog. "Hendi ako magta-taka kong ang mga customer nenyo ay diabetic. Puro matam-is ang nakalagay sa menu. Ay ambot." Iniabot niya iyon sa'kin at maotoridad na sinabing, "Coffee, black."
"Okay po." Daming arte, kape rin naman pala ang iinumin.
Tinangka kong kunin ang menu, pero hindi niya iyon bitiwan ng basta-basta. Muli niyang akong pinasadahan ng nanunuring tingin. Anong problema nito?
Pagdating ng order niya bumalik ako sa counter. May iba pang customer ang dumating at inasikaso ko sila. Gayunpaman, agaw eksena parin siya at hindi man lang itinago ang pagtingin sa akin. Mabuti na lamang at walang halong malisya iyon, kundi matagal ko na siyang isinilid sa bag niya.
Maya-maya pa, tinawag niya ako. Aba, kung magbabayad, 'di naman masamang tumayo at tunguhin niya ang counter.
"Yes Ma'am?"
"Inday..."
"Uhm, Ina po." Sabay turo ko name pin na nakadikit sa uniform.
"I can read," iritado niyang tugon. "Inday Ina..." nakataas ang isang kilay, "ikaw ba... ang girlfriend ni Dodong?"
Sino si Dodong?
"H-Ho? Wala po akong kilalang may ganoong pangalan. Baka ho Ding Dong, artista 'yon. Si Marian po ang asawa niya."
"You are Incarnation Bonifacio, am I right?"
"Hindi po 'nation', 'nasyon', Inkarnasyon. Ako nga ho 'yon."
Hindi naman sa ayaw ko ang pangalan ko, pero napapagod na akong ipagpilitan ang tamang pagbigkas nito. Utang na loob, hindi naman iyon tongue twister.
Tumango lang siya at hinugot mula sa malaking brown leather bag ang cellphone at nag-dial. "Daaaahling, your girlfriend has eyes of a tarsier, am I right?" maarteng bungad sa kung sino mang kausap.
Ako ba ang tinutukoy niya? Alam kong malalaki ang mga mata ko, pero ang ikompara ang mata sa maliit na hayup at nangungunyapit sa kagubatan ng Bohol, medyo nakakataas ng blood pressure.
"Sus ginoo! I've always known you date the stupid ones, but you like them busty and curvy."
Hindi ko sigurado kung halata na ba ang mga ugat ko sa leeg dahil sa pagpipigil. Ano ba ang pinalalabas niya? At kung sino man ang Dodong na tinutukoy, siguradong mababa ang taste sa babae. Busty and curvy? Dapat bang sa kurba ng katawan ang batayan nito sa pagpili ng idi-date? Kahit na malabo pa ang aming relationship status, mabuti na lang talaga at hindi ganoon ang basehan ni Ice.
"Dong, how can she bear my grandchildren, she looks malnourished! And her chest, I thought she was a boy!"
Aba! Kung makainsulto parang wala ako sa harapan niya.
"Okay, wait," ika niya sabay putol sa tawag. Tapos walang anu-ano'y kinuhanan niya ako ng picture ng 'di nagpapaalam. Take note, nakanganga pa ako.
Tumawag uli siya. "Daaahlinh, did you receive the picture? It's her right?"
Tumango-tango siya at nakinig sa kabilang linya.
"Now daaahling," bahagya nitong inilayo ang cellphone. Mukhang sumigaw ang nasa kabilang linya. "You don't need to shout like that. I am your mother!" at umiiling-iling. "Ambot sa imo Ice."
Nasamid ako sa sariling laway. Kung ganoon, ang kaharap ko ay nanay ng hinayupak na lalaking iyon?
♥♥♥
Meet the mom! is it good news for Ina, or bad news? :)
Ellena Odde ♥
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...