20. Si Inkarnasyon, Nambola?

76 14 1
                                    


♥♥♥

"No buts. No fish and that's it."

"Gusto ko! Ikaw ba ang kakain?"

"I said no fish. It stinks!"

Nambulabog siya upang mag-grocery, at heto na nga, naunang mapuno ang ulo ko ng kumukulong dugo kaysa sa cart na walang laman.

Nagsimula ang argumento ng pag-usapan ang sinulat ko sa listahan. Mabaho daw sa fish section, ihuli na ang karne, bawal ang matamis at hindi kailangan dumaan sa toiletries.

Ano bang pinunta namin dito? Tulak-tulak ng kariton habang nag-uusap? MOMOL? MOment, MOment Lang? Kelan pa naging park ang groserya?

Palibhasa ay mukhang hindi sanay na mamili katulad ng mga ordinayong mamamayan. Naglaho pagpapakabayani niyang presenta na samahan ako.

Nauntag ang nagkakarate naming titigan sa tikhim ng dumadaang matatanda, agad naman kaming nagpagilid.

"Kakasal pa lang, nag-aaway na agad," angal ng isa sa kasama.

Nakaikot na ang mga Senior Citizen sa kabilang aisle bago ko pa maitama ang akala nila.

"My point is," muli niyang inungkat ang issue, "sweets are not good for now. You don't need shampoo, you have more that could last an apocalypse, I'm sure, I checked. And fish, d*mn it, it's nasty. Their dead eyes, look at you from the afterworld. Dont you feel guilty?"

Ako na ang sumuko at itinulak ang cart palayo. Sumunod siya kahit labag sa loob hanggang umabot kami sa Toiletries. Hindi man kumontra, nagpaulan naman siya ng katanungan: anong kaibahan ng non-wings at with wings, breathable at all nights.

Tumingala na ako, sa kabila sa artipisyal na ilaw at kisameng generic, nagdasal ako para sa mahabang pasensiya at nagtanong na din- Lord, bakit?

Sa bandang huli, nayakag ko siyang bumili ng isda at karne. Bilang suhol sa dinaranas na 'hirap' at 'trauma', nag-alok na akong magluto ng sinigang, nangangahulugang doon siya kakain ng hapunan.

"Cook that food, the one you cooked before," at nagpatuloy may himig ng pagtatampo,, "The time that I got bones."

"Sinigang," pagtatama ko, "ang tawag doon, Si-Ni-Gang."

"Yeah that one. This time, it's only you and me. So, give me meat."

Note to self: 'Wag bigyan ng buto si Ice.

"Oo na. Kahit sa'yo na ang buong kaldereta," at pingilan ang nagbabadyang ngiti.

♥♥♥

Pagdatingng bahay, naghanda ako ng hapunan habang siya ang nakatoka sa pag-aayos ng pinamili. Hindi nagtagal ay nagsimula siyang mag-usisa. Ang patanong-tanong ay nauwi sa 'Can I help?' na binara ko naman ng 'Hindi'.

"Why not?" Natural sasagot siya. Kelan ba siya nagpatalo?

"Kasi hindi mo kaya."

At nasundot ang napakalaki niyang ego. "Keye ke," (Kaya ko) diin niya. "Who do think I am?"

Isa kang Amboy na ignorante sa pamumuhay naming ordinaryong nakararami. Hindi ka nga siguro marunong magbalat ng mani, o magpakulo ng itlog. Makuntento ka na sa pagiging gwapo. Huwag kang sakim.

"Bahala ka. Atupagin mo 'to" at inilapag sa harapan niya ang mankok at kangkong. Tinanggap niya at ilang minuto palang ay tapos na daw.

"Done," at nakaangat pa ang dibdib sa pagmamalaki. Kahit saan itabi, ang gwapo pa din, mukha siyang mag-i-endorso ng lababo.

Dumako ang tingin ko sa kanyang gawa at... bumunghalit ng tawa. Malutong, nakakainsulto at masakit-sa-tiyang tawa.

Bwahaha.

Bwahaha.

Bwahaha pa more.

Kahit mga vegetarian ay mahihindik. Hindi nabigyan ng hustisya ang dahon, pinong-pino. In short, binaboy niya.

"Saan ang party?" tukso ko sa pagitan ng pagtawa. "Dami mong berdeng confetti."

"If you don't like it, then throw it!" singhal niya, nanlaki ang butas ng ilong at akmang itatapon. Mabilis kong naagaw at binawi mula sa kanya.

"Sinabi ko bang pangit, cute nge eh." Nakakaluha ang magpigil ng tawa.

"Fine,' nagtatampo niyang tugon. Naghugas siya ng kamay at bumalik sa kinauupuan, sambakol ang mukha at 'di ako kinakausap.

Nang malapit ng maluto ang sinigang at sinaing, pumasok si Austin sa kusina, kakarag-karag ang umiingit niyang wheel-chair.

Higit na nang-asim si Ice, matalin na nakakatitig kay Austin. Milagro nga at 'di pa siya nangingisay. At si Austin naman, walang malay sa lupit ng mundo, tumambay pa sa gilid at nakalawit ang dila habang nakatingala sa lalaking sumpungin.

"Oy, kumain ka na," untag ko matapos maihanda ang mesa.

Matapos irapan ang inosenteng hayop na kumakain sa paanan, doon pa lamang siya sumubo.

"Anong problema mo sa aso kong lumpo?"

"He's very ugly," ang diskumpiyadong sagot, "And stupid."

Bilang mapag-arugang ina ni Austin, hinanda ko ang mahabang pangaral tungkol sa kabutihang asal at pagmamahal sa buong Kingdom Animalia, pero nauna na siyang nagsalita.

"But, you don't fight him. You give him food and stuff. He lives with you and you don't shout at him. You're always nice to him. Lucky b*stard."

Bumalik sa bituka ang lahat ng sasabihin ko, nakipaghabulan sa mga paru-paru.

"How about me? You should be nice to me too. Instead, you're always angry, you laugh and ignore me." Alin siya sa dalawa- naiinggit o nagsi-selos- sa aso?

"Why are you smiling? Do I look funny?"

"Wala," at umiom ng tubig, pinalamig ang nakakakiliting init sa dib-dib. "Akin na ang plato mo."

Nilagyan ko iyon ng kanin, nilagyan din ang mangkok ng sinigang na baboy at nilapag sa kanyang harapan.

"Ibigay mo kay Austin." Napabaling ang tingin niya sa aso at animoy papatay.

"Joke lang. Sa'yo iyan. Wala ng buto ha."

Unti-unti siyang nagmukhang tao dahil sa inat na labi at nagsimulang kumain.

"Kahit inaaway kita, uh... napapasaya mo naman ako."

"Did you just say something?"

"Ha?" at patay-malisyang sumubo, mabilis na ngumuya at kasamang nilunok ang kahihiyan. "Wala."

"You did say something," at matamis siyang ngumiti, pwede ng paunang panghimagas.

♥♥♥

#TeamAustin o #TeamIce?

Austin all the way! lol. Sana nagustuhan niyo ang update! :)

Ellena Odde ♥

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon