♥♥♥
"But I don't want to leave Tita and Austin! Please Dad, isama natin sila," paiyak na sabi ni Bogart.
Nasa sala kami at pinag-uusapan ang kanilang pag-alis next week. Nang malaman ni bubwit na hindi ako sasama, daig pa n'ya ang dinatnan ng buwanang dalaw. Una'y iritable, maya-maya'y hindi makausap ng matino pagkatapos ay nagiging emosyonal. Naging tahimik nga ang buhay ko ng huling makita si Genesis, ngunit mala-sementeryo pagkatapos ng undas sa sobrang tahimik.
"Son, gusto ng Tita Ina mo na mag-stay. Nandito sa Philippines ang memories ng mommy n'ya," alo ni Tito.
"Then bring her mommy too!"
"Don't worry baby, magbabakasyon naman tayo sometimes. And we have Skype, we can call everyday," sabat ni Tita habang hinahaplos ang likod ng anak.
"After I wake up?"
"Yes you can call her."
"Before I go to sleep?"
"Of course."
"Even when I poop?"
"Well... I think so." Kahit napipilitan, walang nagawa si Tita kundi sumang-ayon.
"Tsaka Machong Bogs, nag-aaral pa ako dito. I'm safe naman eh. I have Austin diba? 'Di na 'sya titira sa dog house, he will stay with me," sabat ko naman.
"But- but, Austin is lazy! All he do is sleep and eat and poop and sleep again. And h... he doesn't have back legs, he got wheels!"
Tama nga naman si bubwit. Si Austin ang dakilang lumpo kong askal. Kaya imbes na paa, kinabitan ng gulong ang paa sa bandang pwetan upang makalakad. Sa sobrang tamad, baka matulog lang s'ya kung sakaling may mangloob sa apartment. Pero para mapanatag si Bogs, kailangan kong magsinungaling.
"That's right, may gulong s'ya kaya mas mabilis tumakbo."
Kinusot-kusotn'ya ang mata, palatandaan ng pagtahan, tumingala s'ya at nagsimulang maghabilin. "O-Okay. But... but promise to call 'kay? Even when you're pooping! You promise, Pogi Promise!"
Tumawa ako at umiyak ng sabay. Siguradong nakakamiss ang kanyang pagiging makulit.
"Pogi Promise," sabay yakap.
Lumipas ang isa pang linggo at natuloy na ang pag-alis nila Tita papuntang America. Kaakibat nun' ang katakot-takot na pag-papaalala sa'kin.
'Mag-ingat ka, uso ang bentahan ng organs ngayon.'
Iyon ang pambungad sa sangkatutak na babala at nagtapos sa 'Wag tumanggap ng candy kani-kanino'. Pinaayos rin nila ang computer na pinamumugaran ng virus at nagrenew ng internet connection para daw madali akong makontak.
Pinuntahan pa ni Tito ang security office ng building, nag-check kung gumagana ang mga CCTV at ibinilin ang seguridad ko. Kaya lagi akong naka log-in pag pumapasok at naka log-out sa records tuwing umaalis.
Hindi rin nagpahuli si Bogart. Bilang huwarang bata, sinigaw n'ya sa airport ang huling habilin.
"Tita, don't wear diapers again okay?! You promised!" sigaw n'ya habang papalayo at narinig iyon ng buong NAIA.
NG. BUONG. NAIA.
Kaya kahit malunod sa depresyon, matinding pagkapahiya ang pinagdaanan ko. Ngayon ang mga pasaherong kinakalat sa buong mundo na nagsusuot ako ng diaper. Kung maari pang magpaliwanag na isang pagkakaintindihan ang lahat, ginawa ko na. Maliban sa aksaya iyon ng oras, lumalabas akong defensive.
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...