13. Si Inkarnasyon, Sasakay?

82 15 0
                                    



Some chapters are extremely short, basing on the old version of this story. So, sorry for the short chap like this one. Still, enjoy!

Ellena Odde

♥♥♥

Lumipas na ang epekto ng alkohol, naglaho ang kapal ng mukha at ang komedya. Natira ang kahihiyan at pagsisisi.

Maliban sa Noise Complaint Notice, buong araw akong walang komunikasyon sa outside world. Ang tanging kapiling ay si Austin, ngunit maliban sa ilang tahol, katahimikan ang sumalubong sa'kin.

Nakatingin lang ang tamad na aso at 'di nagsasalita. Tama nga naman, kapag sumagot ang batugang mammal, baliw na talaga ako. Kagagahan na nga ang isumbong ang hinaning sa hayop, higit na ang maghintay pa ng sagot.

Hindi siya si Pulgoso upang magkaroon ng sariling dialogue, at hindi man lang ako nangalahati sa alindog ni Marimar.

Isang araw, labing-apat na oras, anim na minuto and counting na ang nagdaan mula sa epic fail kong unplanned confession. Well, sino naman ang nagbibilang ng oras kung kailan ko siya huling nakita?

Hindi ako.

Lalo na't nada, waley at itlog ang nakuha kong komento. Kahit magalit o mandiri, wala. Pwede rin naman siyang matuwa, pero wala din.

At dahil sa pagpapakain sa akin ng sandamakmak na ice cream, natuloy ang sipon ko. Ang tanging pambalanse sa kamalasan ay isang beses na lang akong magpapakaalila.

[I'm outside your buliding] bungad ni Ice ng sagutin ko ang tawag, kalahati pa ng katinuan ang nasa Burger Wonderland.

Napabalikwas ako sa kama, hindi ininda ang pagtulo ng sipon.

"B-Bakit? Maghahatinggabi na oi."

[Come out now, it's about the fifth deed]

"Sinisipon ako! Ano bang ipapagawa mo ng ganitomg oras? Maghukay ng libingan?"

[Just come out now!] singhal niya sa kabilang linya.

"Saglit nga lang. Magbibihis l-"

[3 Minutes or you can find your face on the internet] at sumuunod ang masungit na 'toot' ng naputol na tawag.

Dahil sa pagmamadali, lumabas akong nakapantulog, napapanic na i-hook ang bra bago isara ang pinto.

Siguraduhin lang niyang pagkatapos ng pagpapakaalipin ay matapos na rin ang ugnayan naming dalawa - relasyong siya ang parasitiko, at ako ang biktima.

"Do you like the view?" untag niya, makalipas ang ilang minutong isnaban sa biyahe.

Huli na ng mapagtantong nakakatitig ako. 'Di na rin ako umiwas, salubong ang kilay at sinisinghot ang luha ng ilong. Ano nga bang nagstuhan ko sa kanya? Hindi ko mahanap.

"If you keep on staring, you'll like me more."

At hindi man lang ako na turn off sa makapal niyang mukha.

"Pink suits you."

Muntik ko ng matampal ang sarili nang mapagtantong suot ang kanyang regalo. Sana nilabhan ko man lang bago sinuot. Eh ano naman?

"Are you sick?"

No, I'm English.

"Why are you quiet?"

Dahil uso pabebe.

"Will you just say something?"

Berdugo ka... gwapong berdugo. Buset.

"Hey, Sh*t Face."

"Shaddap," irap ko, "Hindi kita bati," at bumaling sa labas ng bintana, naghahaba ang nguso.

Salamat sa Diyos ng Edsa, madali naming narating ang mabatong daan papasok sa isang malaking bahay at dagat ng kotse.

Mas malakas na musika, taong nagsasaya at kababaihang halos nakahubad- may mala-sirenang alindog, may iilan ding mukhang hipon at alimasag.

Daig pa ang shooting ng Fast and Furious Part 23, na napanuod ko sa illegal site dati.

Bago matanong ng rason sa pagpunta doon, halos mabali ang leeg ko sa biglang paglingon kay Ice.

"Ride me," wika niya.

"I mean, ride with me," dugtong niya bago lumapat ang tsinelas ko sa kanyang pisngi.

♥♥♥

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon