33. Si Inkarnasyon, Nakipag-agawan?

63 7 2
                                    


♥♥♥


"Dinner's ready!" ang masiglang tawag ni Pam. Kahit na siguro sumigaw, musikang nakakaengganyong pakinggan ang boses niya.

Agad naman kaming pumunta sa kusina. Habang si Pam ay tinatapos ang paglalagay ng kubyertos, si Ice naman ay palapit sa mesa bitbit ang pitsel ng iced tea. Ang bait niyang tingnan, parang matagal ng ginagawa iyon. Halatang sanay ng sumusunod sa kung ano mang inuutos ni Pam.

Dahil apat lang ang upuan, isa sa amin ang hindi makakaupo. Agad naman iyong napansin ni Jo at kumuha ng stool mula sa kwarto. Nang bumalik, may bimpong nakasampay sa balikat niya.

"Baka kakailanganin mamaya," walang anumang sabi niya kay Kots na nagtatakang nakatingin.

Bago magsimula, nagsalita ako, "Hindi pa tayo naghuhugas ng kamay."

"We're using spoons and forks, it's okay," pangbabara ni Ice.

Dugyot ka kasi! "Nasanay lang ako," at binigyan ko siya ng pagkatamis-tamis na ngiti bago tumayo upang maghugas ng kamay. Sumunod din naman ng 'di nagsasalita at tinungo ang lababo kasabay si Jo at Parker.

"Oo nga pala chicks, ayaw mong kumain ng hindi naghuhugas ng kamay," sabi ni Jo.

"Mabuti at naalala mo, kung hindi babatuhin kita ng sabon," pabiro kong sagot bago bumalik sa upuan.

"Well," nag-aalanganing singit ni Pam, "I guess I'll wash my hands too," at nahihiyang humingi nG pautangin. Sorry Ina."

Sino bang magagalit kapag ganyan? Kahit na-ti-threaten ako sa presensya niya, hindi ko magawang mainis. Walang kasalanan si Pam, masyado lang talaga akong insecure sa nakakasugat niyang ganda.

"Ano ka ba, okay lang," at bumalik ako sa upuan. Pinagigitnaan ako ni Jo at Kots habang kaharap ko naman si Pam at si Ice. Ibig sabihin, kung hindi ko malunok ang kakainin, baka maluwa ko sa pagmumukha nila ang kung ano mang nginunguya ko. Ganda ng arrangement, saktong-sakto. Parang pagkakahati ng puso ko habang panakaw na sumulyap kay Ice. Dati naman, kami ang magkatabi.

"Can we eat now?" untag niya.

"Magdasal muna tayo," sagot ko. Naglabanan kami ng titig at mas lalong lumala ang tensyon sa hapag kainan.

"Uhm..." Pinaglipat-lipat ni Pam ang tingin saming dalawa.

"Magdasal na tayo Insan, 'di ka na nasanay," putol ni Jo. Kahit nakangiti, makahulugan ang mga tinging pinupukol.

"Yeah, we should pray first," singit ni Pam, nagtataka.

"Ice, you lead," suhestyon ni Kots.

"The hell? Why would I lead the f*cki-" Hindi niya natuloy ang pagmumura matapos sulyapan si Pam.

"Please behave..." pakiusap ng huli.

"Sorry."

Ganern lang? Ganern lang siya kadaling tumiklop at sumunod? Samantalang ako, kahit anong saway at mahaba pa sa pangangaral ng simbahan ang sinasabi, wa epek. Sabagay, baka mahirap maintindihan ang tagalog. Aba, kung ganoon mag-i-Ingles na rin ako sa susunod.

"Ako na lang," presenta ni Jo at agad ng sign of the cross. "Bro, salamat po sa pagkain. Amen." At sign of the cross ulit. Hindi na ako nasanay. Ganoon naman silang lahat magdasal, telegrama style.

Nagsimula na kaming kumain. Kung anong pagkurot ng puso ko kanina, nabawasan iyon ng makita at matikman ang nasa hapag. Soup na makrema, hipong may pulang sarsa, may mankok ng berdeng dahon na galing yata sa Hardin ng Eden. Nang natikman ko lahat, naisip kong luto nga iyon ng isang anghel.

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon