42. Si Inkarnasyon, Pumili?

73 11 3
                                    



♥♥♥

Malapit na ang pasko dahil nagpaparinig na ang mga radyo ng Christmas songs at ang mga inaanak sa kanilang ninong at ninang. May mga nagsasabit na din ng parol at bumibili ng dekorasyon. Ramdam na ramdam na ang lamig ng simoy ng hangin at nauuso na ang white christmas. Snowman, reindeers, Santa claus, si Elsa at Olaf. Nyebe.

Umuulan ng nyebe. Sa Pilipinas. Ang huli kong naalala, bagyo lang ang meron.

'Hindi na kita tatanggapin. Uulan muna ng nyebe sa Pilipinas, bago mangyari iyon.'

Ito na ba ang sign?

"Hi."

Lumingon ako sa kanan at nakatayo doon si Ice. Ang nag-aalanganing si Ice, na mukhamg nagpauso ng mga salitang 'mixed emotions'.

Katulad niya, iba-iba ang naramdaman ko. Ganito pala ang magalit. Manibugho. Magmahal. Malungkot. Sumaya. Mainis. At mabaliw. Dahil lang sa isang lalaki na ilang dipa ang layo sa'kin habang umuulan ng nyebe. Dahil lang sa lint*k na feelings.

"Anong ginagawa mo dito?"

Magaling Ina, magaling. Kailangang ko pang itanong ang obvious, syempre para saktan uli ako. Ano pa ba ang ibang dahilan? Ayain akong mangaroling?

"I'm here to... beg. Telling you how f*cked up I am. That I'm a d*uche. And I deserve a slap, or a kick or anything that could make me bleed. You could even..." hindi niya itinuloy ang sinabi habang may binunot mula sa kanyang itim na jacket. "...you could even hit me with this."

Ang regalo kong wrench.

Nakakatawa lang. Pati rin ang sinabi kong hahampasin siya nito kapag sinaktan niya ako, naalala niya. Pa'no kaya kung totohanin ko nga? Titiyakin kong babaon ang sungay niya sa utak.

"Sh*t Face..." humakbang siya palapit, "Sh*t Face I..."

"D-D'yan ka lang." Nanginginig ang boses ko at nagbabadya ang luha. Wala akong asthma at sakit sa puso. Pero dahil sa kanya, maaring magkaroon. "Dahil kapag lumapit ka, dalawa lang ang posibleng mangyari, ang halikan kita o basagin ko yang itlog mo."

O sabihin sa'yong 'okay' lang. Na kahit ilang beses mo akong saktan, ayos lang.

"Unang-una," malamig ang mga tinging ipnukol. "Ako si Ina, Inkarnasyon Bonifacio, hindi Sh*t Face."

Matapos ibalik ang may kaliitang wrench sa jacket, sinuklay niya ng marahas ang buhok. "Ina, I'm sorry."

Nag-iwas naman ng tingin at pinagmasdan ang dalisay na puting butil na bumabagsak sa lupa. Sana katulad ako ng nyebe, maganda pero malamig. Nang sa ganoon, maging manhid sa lahat ng ka-echusan at sakit.

"Alam mo, marami rin akong napagtanto nang iniwan mo ako," basag ko sa katahimikan.

"I didn't leave you," depensa niya.

Eh buset, anong tawag sa ginawa niya? The Great Escape?

"Iniwan mo ako," diin ko.

Nakuyom niya ang kamao at nagtagis ang mga bagang. Sa ngayon, larawan siya ng pagsisisi.

"Marami akong gustong sabihin sa'yo eh. Kasing dami ng dalmatians sa pelikula, isang daan at isa. Pero lahat 'yon nawala, nakita ko lang 'yang mukha mo. Gwapo mo kasi, sarap hambalusin ng lababo."

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon