Si Inkarnasyon, Inimbestigahan? (3)

71 6 3
                                    



♥♥♥

Akalain mo nga naman, may mas ikalalaki pa pala ang mata ko dahil sa pagkabigla. 'Di ko alam kung dahil ba sa sobrang yaman nila o dahil sa uri ng negosyo na meron sila. Malayong-malayo iyon sa imahe na nakikita ko kay Ice.

"Pero po, akala ko kotse o legal sports car racing ang negosyo niyo? 'Yon kasi ang hilig ni ice."

"You know, he was such a little angel. He wets his bed, he wore braces and he loved E.T. He was a beautiful boy. And then he hit puberty, he wore leather, cleansers and even eyeliners. That was his 'emo' days. I even thought he was gay until I caught him watching porn. My poor baby."

"Uhm, mukhang malayo iyon sa tanong ko."

"Oh dear, I was carried away. I don't know why my son loves to race so much. You know I've been busy when he was younger, so I just let him do whatever he wants. But there was a time he vented his anger on the race and it almost cost his life, so I had to take his car away from him and give him my old beetle instead."

Ah, ngayon alam ko na ang alamat ng pinagmulan ni Madonna.

"He became a rebel. But you see Inday, my son, Dodong, is a gentle boy. He is the sweetest son in the world and he is the kindest-"

"Teka lang po," itinaas ko pa ang palad. "Ilan po ang anak niyo?"

"Dodong is my only child."

"By Dodong, you mean po si Ice 'di ba?"

"Inday," aniya matapos tumigsim ng tubig. "Not to insult you or anything, but...are you stupid?"

Imbes na magalit, napangiti ako. "Siguro po." Siguro ay nagtataka siya kung bakit ganoon nakakabobo ang tanong ko, pero kasalanan ba ang manigurado? Sa mga paglalarawan niya kay Ice ay dinaig pa ang mga santo.

May pag-aalinlangan man, pinagpatuloy niya ang sinasabi. "As I was saying, my son is gentle, sweet and kind-"

At humagalpak ako ng tawa. Siguro sa mga panahong ito, dapat ay mag-pa-impress ako sa nanay ni Ice. Maging mahinhin o umaktong sibilisado, pero sadyang 'di ko mapigilan ang mapatawa. Gentle? Oh flis! Sweet? Pwede pa. Kind? Oh kamon!

"Sorry," sabi ko sa pagitan ng pagtawa. "Pero mukhang ibang tao ang tinutukoy niyo. Mawalang galang na po, pero ang sinasabi niyong si Ice ay malayo sa kilala ko. Siguro noong mga kinder siya, pero ngayon," at muli akong tumawa. "Pala-utos 'yon. Ang harsh nga minsan. Mainipin. May malalaking obsesyon sa pambubulabog. Walang modo, no offense. Tapos minsan ang manhid. Kaya kabaliktaran sa sinsabi niyo. Dahil kung good boy s'ya, siguro sa'kin lang masama ang ugali niya--"

"But you love him."

Nabitin sa ere ang pagtawa at 'di na uli ako makaimik. Parang cobrang alanganin ang pagkakabuka ng bibig at isinara na lang. Kung saan-saan dumadako ang paningin ko maliban sa mukha niya.

"Dspite everything, you love my son."

Ganun na ba ako kalahata? Wala sa loob akong namaypay gamit ang palad dahil sa biglang pag-init ng sala.

"Just as I thought." Napasandal siya sa sofa. Ang kontentong ngiti ay palatandaan na tama ang kung anumang iniisip. "Well, that's all I have to know." Ipinasok niya ang mga litrato sa envelope pati na rin ang questionaire tapos nilagay sa bag. Tumayo at maarteng sinukbit ang brown bag sa braso. "It was nice talking to you Inday. I'll tell the result after I compute your score and verify your answers. I'll send your paper back too."

'Di ko alam kung seryoso ba siya, gayunpaman, alanganin akong tumango.

"Before I forget," aniyang naghalungkat sa bag at inabot ang boteng may makulay na packaging, Dodong's Special Alamang. "This is for the inconvinience." Nang tinitigan kong mabuti ang larawan sa pacakaging, napagtatnto kong mukha iyong ng nakangiting si Ice, maaring kuha noong nasa elementarya pa lamang siya. "It's surprisingly good in fried chicken."

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon