17. Si Inkarnasyon, Natulog?

93 23 3
                                    

♥♥♥

Hindi ako nanaginip, bangungot pwede pa. Hindi rin naman malala ang lagnat ko sa puntong nagdideliryo at nakita ang mga nailibing na (o mga pinaslang ko sa isip). Ngunit ng ibuka niya ang bibig at nagsalita, doon nakompirma ang realidad.

"Hello, Sh*t Face."

Ang balasubas, nagpakita na naman, nakatayo sa harapan ng pinto handang manakit ng feelings.

'Di ba niya ako bibigyan ng katahimikan?

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?"

Ang alanganin niyang ngiti ay naglaho at kinamot ang buhok na walang suklay. "The guards recognized me from before and let me in. Ah, here," at inabot sa siwang ang isang supot ng fast food.

"Ba't ko tatangapin 'yan?" sabay irap supot ng inosenteng pagkain, nangibabaw din ang mapalinlang na bango ng french fries. Hindi ako madadala sa cheeseburger na mainit-init pa at large-sized french fries na malutong, mashed potato at may kasamang ilang pakete ng ketchup.

"Just, just take it and let me in. At least you'ld let me sit down."

Aba't may karapatan pa siyang mag-demmand. Kung makakunot ng noo ay akala mo naman siya ang naagrabyado.

"I'll give the picture and your recorded call, just, let me in. Please?" dagdag niya, habang nakatutok sa sahig.

Nakakamangha ang kanyang pagpapakumbaba, nakakapanindig balahibo ang kakayahan niyang makiusap, nakaka... lusaw poot.

Buset.

Tinanggap ko ang supot, pinauna siya sa sala habang ikinandado ko ang pinto at susuray-suray na sumunod. Sa sobrang sama ng pakiramdam, lumiban ako sa shop.

'Di ko napansing tumigil si Ice sa paglalakad kaya bumunggo ako sa kanyang likuran. Dahil sa hilo at panghihina, muntik ng mabuwal sa kinatatayuan.

Malalakas na bisig ang sumalo sa akin, nakapulupot sa beywang ko habang nakakapit din ako sa kanyang damit. Konting posture adjustment, musika at rosas na lang kulang, pwede na kaming sumayaw ng tango.

"You are too clumsy," pangaral niya, pero 'di ako binibitiwan.

"Stupid, clumsy Sh*t Face." Iniinsulto na nga, nakaipagtitigan pa. Kulang na ang manalamin sa mata niya. Kulang na lang, magpalit kami ng mukha. Kulang na lang matunaw ako. Kulang na lang kinilig ako. Konti pa. Konti pa, bibigay na ako.

Hah! Hashtag NEBBBBEEER!

"Nakakainis ka. Nakakainis ka talaga. Ang sama ng ugali mo! Ba't nandito ka kasi? Ba't nagpakita ka pa?"

Hinampas-hampas ko siya hanggang sa tuluyan akong niyakap, at ako naman ay nagpaubaya.

Walang nangyari sa resolusyong Anti-Kupal Law. Hinayaan ko siyang yumakap, nakapatong ang baba niya sa ulo ko.

"Stupid, clumsy, crying Sh*t Face. You are really something else," mahina niyang sabi, sabay hagod sa buhok kong hindi nakatikim suklay simula kahapon.

"H-Hindi ako umiiyak dahil sa'yo. Masama lang ang pakiramdam ko, huwag kang feeling." Muli siyang hinampas at nag-angat ng tingin.

Inang mahabagin, daratig pala ang araw na malagutan ako ng hiniga habang nakatayo. Isang aparisyon si Ice kapag walang sungay, kapag sinsero at masuyo.

"If you say so," sang-ayon niya at sinapo ang noo ko.

Anong nangyari nitong nakaraang mga araw? Nasaan ang sungay niya? Ang Buntot? Ang Tinidor ng Kadiliman?

"Bekit 'di ke pu-mowntah ng hospital? (Bakit 'di ka pumunta ng hospital). You have a fever."

Dapat ba akong masiyahan sa pag-aalala, o matawa sa tagalog niyang nagkakapalit ang patinig?

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon