37. Si Inkarnasyon, Palaban?

82 8 3
                                    



♥♥♥

Malayo pa ang naging byahe namin dahil liblib daw ang pagdadausan ng karera. Nasa-unahan ang kotse ni Ice, sakay si Pam, sunod si Kots at panghuli kami. Pero nakailang minuto pa lang kami sa kalye, biglang nag-iba ng daan si Jo. Tumigil kami sa isang drive thru. Nag-order siya ng dalawang cheese burger at pineapple juice, pagkatapos ay inabot sa'kin.

"Kumalam ang sikmura mo, hindi mo lang narinig," paliwanag niya. Tumango lang ako at nagpasalamat.

"Chicks, hindi mo kailangang magbago," maya-maya niyang payo.

Tumango uli ako habang sumisinghot at kumakain. Ngayon ko lang naalalang hindi pala ako nag-hapunan at ngayon ko lang din naramdaman ang matinding gutom. Masyado ko na bang pinagpipilitan ang sarili kay Ice? Sobrang effort na ba ang binibigay ko? Bakit si Pam, parang effortless? Samantalamg ako, kahit anong subok, parang hindi siya mapapantayan?

Makaraan ng ilang sandali, nakarating na kami sa isang malawak na bakuran na medyo malayo sa highway. Napapagitnaan ng malawak na hardin ang isang malaking puting bahay at malakas na rap music ang pumapaimbabaw. Marami-rami na rin ang nanduon, ang iba nagsasayaw o kaya'y nag-iinuman. Siguradong walang magrireklamong kapitbahay dahil sa lupalop ata ng kawalaan kung saan kami naroon. Hindi pa siguro nakapanood ng horror movies tungkol sa minumultong bahay ang may-ari nito. Ang lakas din ng apog na magpatayo ng mansyon sa pagitan ng mundo ng mga buhay at purgatoryo.

Tulad ng una kong makapunta sa ganitong event, ever present pa rin ang mga babaeng kinapos sa tela at mga sasakyang nagkikintaban, daig ang lyrics na 'Shine bright like a daimond'. Matapos iparada ang kotse, unang lumabas si Jo na agad sinalubong ni Ice.

"Where the hell- where have you been?!"

Umiiling naman si Pam dahil sa pagmumura. Nagkibit balikat lang si Jo, sapat ng paliwanag ang pagngatngat ko ng burger habang pababa ng kotse. Hindi ko rin magawang tumingin sa kanya ng diretso. Hindi naman ako nahihiya o galit. Ayoko lang. Siguro masakit lang sa matang tingnan sila ni Pam ng magkatabi. Masyadong perpekto at bagay na bagay.

"He said you're in," sabi ni Kots nang nakalapit. Katatapos lang niyang makipag usap sa malaking lalaking puno ng tattoo ang katawan ang organizer ng underground race.

"How much?" tanong ni Ice.

"10 blues. No passengers, first to reach the light house wins."

"Ako na," singit ni Jo habang bumubunot ng sampung libo sa wallet.

"I already did."

"Puto naman tisoy, pabirthday ko sana iyon kay insan."

"What's happening?" naguguluhang tanong ni Pam habang pinaglipat-lipat ang tingin sa tatlo.

"Sasali si 'insan."

"Wait, nobody said about a race. Ice, you said we'll just watch."

Walang nagkomento.

"Ice? You promised me before. You'll never race if you lost the last one."

Nag-iwas ng tingin si Ice at hindi makasagot.

"Bakit ikaw? 'Di ka rin tumupad sa pangako mo," singit ko pagitan ng pagnguya. Unti-unti akong nakarandam ng inis.

"What?" nabaling sa'kin ang atensyon ni Pam at ng lahat.

"'Di ba't ikaw sana ang angkas niya? Kung 'di ka umalis, nanalo siguro siya. Kaso, tatanga-tanga ang pumalit sa'yo, nag inarte at nagsuka. Kaya siya natalo," patuloy ko. Eh ano ngayon kong wala akong poise? Nagsasalita ako habang kumakain, pero wala akong pakialam. Sapat na siguro ang pisikal na anyo para mapantayan si Pam.

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon