10. Si Inkarnasyon, Manager?

91 17 2
                                    


♥♥

"Hmmm?" Kahit matinong 'Hello' ay hindi ko mabigkas sa sobrang antok. Dahil sumakto ang tawag sa madaling araw, hindi na ako nagtaka kung sino iyon.

"Hmmmm, 'llo? 'ello?"

Ni ha, ni ho ay wala akong narinig sa kabilang linya pagkatapos ay namatay. Naiinis man, binaewala ko ang pambubulahaw n'ya at bumalik sa pagtulog. Siguro ay isinilang s'ya upang sadyang sirain ang maganda kong panaginip, dahil ilang segundo pa ang ang nakakalipas, muling umarangkada ang malakas na ringtone.

"Hello! Nandidisturbo ka ng tulog tapos 'di ka magsasalita? Finals na namin mamaya, ano na naman ang gusto mo?!"

Katahimikan ulit ang sumalubng sa'kin.

"Hoy 'pag di ka pa nagsalita, puputulin ko ang taw-"

[Shing.] putol n'ya sa sinsabi ko.

"A-ano?"

[A shed shing asha shekan deed.]

Dalawa ang dahilan kung bakit 'di ko s'ya maintindihan. Una, ay masyado s'yang conyo magpronounce at pangalawa ay lasing ang kumag. Hinilot ko ang noo upang maibsan ang pasakit ng ulo.

"Gumamit ka muna ng ruler baka sakaling tumuwid ang dila mo."

Maya-maya pa'y nagkaroon na ng konting linaw ang kanyang sinasabi.

[Shi- sing for the she- second deed.]

"Ba't naman ako kakanta, aber?"

[Jusht shing, d*mn it!] pasigaw n'yang demand.

Mahirap makipagtalo sa taong lungo sa alak. Upang matapos na ang pamubulahaw, sumunod ako sa kanyang gusto. Mabuti na rin iyon. Hindi na kailangnag gumapang at magpapawis upang matapos ang kanyang pang-aalila.

"Fine! Anong kanta ba? 'Yung simple lang."

[Gabrielle Aplin. Shing any of her shongs.]

Sabi na nga eh, hindi rin basta-basta ang ipapagawa n'ya. Sino ba ang mag-aakalang gigising ako sa oras na gumagala ang mga kaluluwa upang kumanta ng awiting hindi ko kilala ang singer?

"Sino 'yun? Tsaka, wala akong masyadong alam, pwedeng kahit ano nalang?"

[No, shing her songs. My friend used to shing those.]

"'Di ko nga alam eh! Kung ayaw mo eh 'di 'w-"

[Fine! J-just, shing a d*mn shong!]

"Kahit ano?"

[Jusht shing a f*cking shong!]

"Oh sige na! Kelan pa talagang magmura? 'Eto na po! Kahit ano ha." Umupo pa ako ng maayos at tumikhim ng ilang beses. Aba, kahit sa videoke ay hindi ako kumakanta kaya't mabuti na ang maghanda ng konti upang 'di mapahiya.

"Ooooh.. ehem! Ooooh...

Old McDonald had a farm, Eeeyah, eeyahh yow..

And on his farm he had a duck, Eeeyah, eeyahh yow..

With a quack-quack here.. and a quack-quack there..

Here quack, there quack.. Everywhere quack-quack!

Old McDonald had a farm, Eeeyah, eeyah yow!"

Kung 'di nakatulog sa kalasingan ay nawalan s'ya ng ulirat sa pakikinig sa boses kong parang kukong kinakaskas ang blackboard.

"Hoy? Okay na?"

"Hello?" Nagsimula akong mag-alala. Aba, kahit na itinakda kaming gilitin ang leeg ng isa't-isa, hindi katanggap-tanggap ang mamatay s'ya dahil sa boses ko. Nakakainsulto.

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon