Chapter 48: Grandfather

47 4 0
                                    

***
He was fidgeting the usb drive around his finger—mindlessly eyed on the wall. An email notified him by an unknown source. Feeding his curiosity, he clicked the file and watched the video. After recalling what he have seen, Tanawat clutched the usb.

He already transferred the video on it. This will be useful to take down his enemy.

The reason why he flew back in thailand because of his grandfather. Months ago, the assistant of his grandpa called him and told him that he got a heart attack. Bago mawalan daw ng malay ang matanda ay gustong makita siya nito. Hindi na nya nagawang magpaalam pa kay Raixelle dahil kailangan nyang magmadali para mapuntahan ang lolo nya. Gumamit sya ng chopper na pagmamay-ari ng lolo niya. Kasama ang nobya na bumalik at malayo sa lugar na nagbigay ng trauma sakaniya.

Nang umalis siya ay hindi mawala sa isip nya ang dalaga. He knows she'd get mad at him of leaving her without proper farewell. But he will certainly back once everything was settled. Marami siyang issue na kailangang masolbahan. At gusto niya kapag bumalik siya kay Raixelle, maayos na ang lahat. Kapag sigurado na siyang hindi na ito masasaktan ng dahil sakaniya.

His only goal now was to beat the person that causes this all mess. His father. He was clever, greedy and self-centered. But it didn't cross his mind that he'd do such horrible things. Hindi niya maisip na magagawa nyang makapanakit ng tao para mangyari lang ang gusto niya.

Sinabi ng lolo niya ang lahat. Lahat ng katotohanan patungkol sa daddy nya. Matagal itong itinago sakanya. Ngunit ngayon lang ito ibinunyag ng lolo niya.

Greg Montri and his wife Pria Montri suffered from bearing a child. They had been trying multiple times but their attempts were all failed. Wala namang problema sakanilang dalawa. Pero hindi sila makabuo-buo ng anak.

Naisipan ng dalawa na mag-ampon. Sa dose-dosenang bata sa orphanage, ang pinili nila ay isang batang lalaki. Tahimik at palaging mag-isa. Limang taong gulang at ilag sa tao. Hindi nito alam ang kaniyang pangalan dahil sa traumang dinanas niya nang masunog ang bahay nila, kasama ang totoo niyang mga magulang. Kaya pinangalanan nila itong Narong Montri.

Sa una hirap si Narong na mag-adjust sa bagong bahay at pamilya niya. Ngunit sa paulit-ulit na pinaramdam ng mag-asawa ang kanilang pagmamahal sakaniya ay unti-unting binuksan nito ang puso niya at tinuring sila na kanilang totoong mga magulang.

Pagtungtong ng walong taong gulang ni Narong ay nagulat ang mag-asawa sa biyayang dumating sakanila. Nalaman ni Pria na nagdalalang-tao sya. Hindi alam ni Narong kung anong mararamdaman nya. Tuwa dahil magkakaroon na rin siya sa wakas ng kapatid. O lungkot dahil alam niyang lahat ng atensyon ng mga magulang nya ay mapupunta na sa totoo nilang anak.

Nagsilang ng malusog na lalaking sanggol si Pria. At pinangalanan niya itong Hiro. Sa unang mga taon naging magkasundo naman ang dalawang magkapatid. Ngunit habang patagal ng patagal nakakaramdam si Narong ng inggit kay Hiro. Kung paano tratuhin ng mga magulang niya ang kapatid kumpara sakanya ay ibang-iba. Lahat ng gusto ni Hiro ay agad na nakukuha. Habang siya ay kailangan nya munang paghirapan. Dahil ba siya ang tunay na anak at siya ay ampon lang?

Maganda naman ang trato ng mag-asawa sakanya. Pero hindi nya mapigilang mainggit sa tinatamasa ni Hiro.

Dumating sila sa tamang edad, nagkaroon ng nobya si Hiro. Tatlong taon na raw sila ngunit ngayon lang nya ito ipapakilala sa mga magulang nya. Hindi nya akalain na sa unang kita nya palang sa dalaga ay nakaramdam sya ng matinding poot. Ang babaeng kasama ng kapatid nya, kahawak kamay at masayang pinakilala sa magulang nya ay walang iba kung hindi ang babaeng matagal nya ng nagugustuhan. Hindi niya lang masabi ang nararamdaman nya dahil naduduwag siya.

Alam kaya ni Hiro na matagal na siyang may gusto sa nobya nya?

Naging matindi ang galit nya sa kapatid nang marinig niya ang pag-uusap nila ng kaniyang ama. "I will give you the company once you graduated in college."

UNREQUITED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon