Chapter Four
He Who Ruins the Day"San ba kasi tayo pupunta at bakit ba kasama pa si Rai?? Akala ko ba date natin to?" kanina pang putak ng putak si Wendy habang sa paglalakad namin. Halos wala namang masagot si Monti kasi nga wala rin syang ideya.
"I've told you, Principessa. Non ne ho idea." he replied.
"Ascolta il tuo ragazzo, amica." sagot ko. Napakamot naman ng ulo si Wendy. Gulong-gulo na siguro sya sa pinagsasabi namin. Hahah..
"Wag nyo nga akong ini-italian! Magtaglish kayo. Jusme."
"Ang sabi ko makinig ka sa boyfriend mo. Hindi ka pa nasanay. Eh may dugong italiano yang si Monggi. Kaya dapat mag-aral ka na ng salita nila. Para hindi ka nakanganga habang kausap mo sya." sabi ko saka tumawa. Isa pa pala sa hindi ko nabanggit kay Monti ay half filipino and half italian sya. Pero fluent na syang magtagalog kasi 5 years na sya dito sa pinas. He was born in Venice, Italy and migrated in the Philippines at the age of 13. 18 na sya at kakalipat lang nila ng bahay galing laguna. Mahilig syang mag-italian lalo na sa harap ni Wendy. Siguro pandagdag pogi point sakanya. Lol.
I know some italian words. Kasi dream kong makapunta sa italy. Kaya pati language nila inaalam ko. "He's not my boyfriend." angal ni Wendy.
"Aws..pano ba yan Monggi. Mukang rejected ka na agad." kantyaw ko.
"It's ok. I can wait."
"No! That's not what I meant. He's not my boyfriend... n-not yet." kita ko namang nag-blush sya. Sus, isa rin to eh. Hindi nalang aminin na gusto nya si Monggi. Masyado pang pa-hard to get.
"Bakit hindi mo nalang ako sagutin ngayon?"He smirked. Nagmumuka tuloy akong third wheel sakanila. Maaga naman kasing umuwi si Luice. Dahil marami pa raw syang aasikasuhin. Monkey business, I guess?
"Bago mapunta ang usapan sa kasalanan. Ipapaalam ko lang na nandito na tayo." sabi ko na syang ikinahinto ng dalawa.
"CCL Cafe??" basa ni Monti sa signage nito.
ISA-isa kong nilapag ang order nila sa table. Muka namang nagustuhan ni Monggi ang ambiance sa loob. Dahil kanina pa sya kuha ng kuha ng picture sa kinauupuan nito. "Why did you brought us here??" takang tanong ni Wendy.
I hissed. "Bakit ayaw mo?"
"Hindi naman sa ganon. I mean, this whole thing. Bakit ikaw ang nagdedecide kung saan ang dating place namin. I'm starting to be-"
"Jealous?" dugtong ni Monti.
"N-no! I'm just curious. That's all."
"Ahh ganun. Sabi mo eh." pilya kong anya.
Actually, wala talaga akong pahanon mag-isip ng lugar para sakanila. Una talagang pumasok sa utak ko e itong cafe ni tita Cecille. Ayoko ring ma-late but at the same time pasimple kong ineendorse ang CCL Cafe. Syempre para hindi masayang ang pagpunta nila. Binigyan ko sila ng magandang treatment for the not-so-called couple. I don't wanna drop the details. Baka mainggit pa kayo. Charing!
Nagpaalam na muna ako sakanila at bumalik sa pagtatrabaho. Kailangan kong maaga matapos. Kasi may reunion pa kami "Aixy..." napalingon naman ako sa likod. "Linda just called me. You have your reunion. Maaga raw kita pauwiin."
"Ay si mama talaga. Balak ko po sanang ako magpaalam sainyo e." nakakahiya naman. Baka isipin nila porket bespren ni mama si tita Cecille eh tine-take advantage ko na ang pagtatrabaho ko.
BINABASA MO ANG
UNREQUITED HEART
Teen FictionShe fell in love with him first. But he fell harder to another woman. Hanggang kailan siya magtitiis na makasama ang lalaking mahal mo na may mahal na palang iba. Is there any chance he will reciprocate her love for him? Or she's just wasting her t...