Chapter 1: Hot Encounter

628 25 0
                                    

Chapter One
Hot Encounter


|OVAL OF THE CAMPUS|

"Oy kain na tayo! Lunch na oh." panglimang beses ko na ata to sa pagtawag sakanila. Pero parehas silang may mga sariling mundo at hindi ako pinapansin. "Hoy tigilan nyo na ngayan. Nagugutom nako. Arat na!!"

"Teka lang Rai. Malapit na tong matapos. Onti nalang." sabi ni Wendy na kanina pang kinikilig sa pinapanood nya. Lumapit ako rito at tinignan kung ano bang pinagkakaabalahan nyang pag-aksayahan ng oras.

"Eighty-One na naman! Puro yan na lang ang inaatupag mo. Hindi ka naman yan bubusugin ng pagkain." Adik na adik talaga to sa Thai boygroup na yan. Hindi ko alam kung anong nakita nya sa mga yon. Eh hindi naman magaling sumayaw. Ambaduy pa ng kanta.

Muka namang hindi nako narinig ng babaitang to. Hindi na sumagot e. Baka nilakasan nya na yung sound volume ng phone nya habang nakaearphone. Tinignan ko naman si Luice na prenteng nagtetext lang sa tabi. Pangiti-ngiti pa nga habang nagtatype. "Andyan si Renniel oh!" sabi ko na ikinaangat naman nya ng ulo.

"Saan?? Pumunta sya rito??" gulat nyang tanong.

Agad ko naman syang binatukan. "Kung ako sayo..tigilan mo na yang kahibangan mo. You just met him on the chat. Hindi mo pa yan lubos na kilala. Sasaktan kalang ng lalaking yan."

"But he's nice to me. Tsaka masaya sya kausap, may sense of humor, marunong makisama, at nasasabihan ko ng kadramahan ko sa buhay." she paused. "He said, he likes me. Satingin mo, dapat ba akong maniwala??"

I tap her shoulder and lean forward closely to her. "Good question. Obviously, HINDI. Wag karupukan ang pairalin mo. You're not even sure if all of his said are true. Mind over heart ang pinag-uusapan dito. At utak ang gamitin mo. Kasi ikaw rin ang masasaktan. Kung magiging pabaya ka."

"Pero--" then I cut her off.

"No buts. Tara na at kakain na tayo." sinimulan ko na silang hilain para tumayo. Mga matitigas kasi ang ulo ng dalawang to. Gusto pa atang magpalipas ng oras sa wala namang kabuluhan.

HABANG kumakain ay patuloy pa rin sila sa ginagawa nila. Halos hindi ko sila makausap ng matino. Kung di tango, tipid na sagot naman ang makukuha ko. "Ano ba guys. Kanina pa yan. I don't feel your presence anymore. Habang tumatagal palala kayo ng palala sa mga ganyan nyo."

"Relax Raixelle. You're being dramatic again." sagot ni Wendy na ngayo'y nanonood na naman ng Eighty-One nya. "Here...watch Eighty- One's new released music video. Maraming gwapo at talented dito. Baka may matipuhan ka. But not my Ford ok? He's mine."

"Thanks but no thanks. Hindi ako interesado sa mga bingot." narinig ko namang tumawa si Luice at napahinto sa pagtetext.

"Bingot daw si Ford, 'Dy." gatong naman nya habang tumatawa.

"Whatever. Palibhasa walang manliligaw." sabi nya saka bumalik sa panonood.

"Wow ah. So pinagmamalaki mo ba yung manliligaw mong kamuka ni kingkong." nakita ko namang tumaas ang kilay nya at tumingin saakin. Ganun din ako namay halong pang-aasar sa mukha.

"Kingkong your face!"

"Aws, pinagtatanggol." patutyada naman ni Luice. "Buti nalang ako may manliligaw na pogi."

I snorted. "Ahh..si Renniel ba yan. Yung binilad sa araw ng isang linggo. Grabe sobrang gwapo nya. Kahawig nya yung aso ng kapit-bahay namin." Sarcastic kong anya.

"Mapanglait ka talaga Rai noh." sabi ni Luice saka umirap.

"Sabagay, may point sya." tatawa-tawang komento ni Wendy.

UNREQUITED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon