Chapter 7: Night Party

217 17 0
                                    

A/n: HOYYYYYYYYYYY!! IKAW. OO IKAW NGA! YUNG NAGBABASA NE'TO. SKIP NYO NA TO. SCROLL DOWN LANG. OH BASA PA. MEMA LANG TO. SABING WAG NA EEHHH. HAHAHAHA..

I'LL EVAPORATE!!

ENJOY READING!! (CAPSLOCK LAHAT PARA DAMA)

____________

Chapter Seven
Night Party


WEEKEND NAAAAA! at dahil dyan tayo'y mag-FARTY FARTY.. Teka-- ambaho naman ng naisip ko. Hahhah..Ay maiba nga tayo.. kailangan ko palang magmadali sa pagligo. Kanina pa kasi naghihintay sa sala si Luice. Niyaya ko syang magpunta sa Mall. Para magpa-spa, magpa-salon, magmake-over.. inshort-- magpapaganda kami.. at walang makakapigil sa amin!




Hindi ko na ginambala si Wendy. Dahil ang target ko lang ay si Luice. Besides, busy naman sya ngayon kasi may honeymoon sila ni Monggi. Hahah.. charot! Nag-date lang yung dalawa. Then about kay Luice.. well-- napag-utusan lang naman ako. Alam nyo na kung sino yon. Pumayag ako sa favor nya at kailangang panindigan ko to. Tssk. Bakit kasi hindi nalang sya diba. Maraming nagkakandarapa sakanyang mga babae. Pero sa isang babae..tumitiklop sya. He's a big coward! pag na-sense ko talaga na hindi sya seryoso sa besty ko. Ipapatapon ko talaga sya sa kangkungan. Lols.. Masyado pa akong mabait para gawin yon. Huehue..
But seriously.. lagot talaga sya sakin!




Lumipas ang ilang minuto ay natapos na rin ako. Di ko na idedetalye ang suot ko dahil nakakatamad. Besides,are you interested to know what I'm wearing today? Di pa ba sapat na nakadamit ako at hindi nakahubad? Gosh. nagagaya nako kay Wendy. Masyadong makuda.
"Traffic ba sa banyo at inabot ka ng isa't kalahating oras sa pagligo?" sarcastic na tanong ni Luice pagkarating ko sa sala.




"Syempre. Marami kayang stop over kaya matagal." biro ko at tinarayan naman ako ng loka.




"Anlakas mong magyaya na 9:00 am aalis na tayo. Pero tanghali na. Rai 2019 na oh! Hanggang ngayon Filipino time pa rin." kunot-noo nyang sagot.




"It's not Filipino time. Dapat itawag don 'Kastila time'. Ewan ko ba sakanila, pilipino palagi ang sinisisi."




"Ano bang pinagsasabi mo dyan?? Is that your philosopy or you belief." hindi pa rin mawala ang salubong nyang kilay. Nagbibigay nga ako ng dagdag knowledge kahit walang knowledge e.




"Kasi ganto yon. According to my teacher 'nung... hindi ko na matandaan kung anong taon. She told us about the history of Filipino time. Way back in the age of Spaniard Revolution, likas na masisipag ang mga Pilipino noon. Madaling araw palang ay nagbabanat na agad sila ng buto.Ang tanging ikinabubuhay nila ay ang pagsasaka. Tuwing sumasapit ang tanghali ay nagpapahinga sila para makabawi naman sa pagod. Sa mismong oras ding yon ay kakagising lang ng mga kastila mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nakita nila ang mga Pilipinong relax na relax sa pagpapahinga, walang ginagawa at walang mababakas na kapaguran. That's why Filipino time created. Because they think Filipinos are lazy. Then eventually na-adapt na talaga natin. Di ko naman nilalahat. Pero natural lang naman tamarin. Hindi ka tao kapag hindi ka nakakaramdam non." then I laughed.




"Oh share mo lang?" walang expression nyang tanong.




"Ay wala manlang pagsupport. Andami kong sinabi tapos ganyan lang makukuha ko. Pinaliwanag ko lang yung dahilan ng Filipino time. Para malaman mo na kastila time talaga yon."




"Eh sino ba yung nagpapa-late kapag may usapan. Yung kapag sinabing 9:00 am.. lilipas muna ang ilang oras bago dumating. Hindi ba Pilipino? Kaya tama lang na Filipino time."





UNREQUITED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon