Chapter Two
That's a Cūb?"WAAAAAAAAAHHHH!! WHY O WHY. THIS CAN'T BE HAPPENING..."
"Tumigil ka na nga sa kakangawa mo dyan Wendy. Para kang timang, andami ng estudyanteng nakatingin sayo e." sabi ni Luice sabay sip ng ice tea.
Nandito kami ngayon sa bench habang nagpapalipas ng oras. Field day kasi ngayon kaya malaya kaming nakakagala sa campus. At busy rin ang mga teachers. "Sabi kasi sa news, si Ford daw nagbakasyon muna. Walang nakakaalam kung anong rason. Ayaw namang sabihin ng manager nya. He just told that Ford wants to find a place to unwind. Ibig sabihin may problema sya."
"Eh ano naman ngayon?? Buhay nya yon. At wala ka ng magagawa." irita kong sagot. Naririndi na kasi ako sa kaka over react nitong si Wendy. Hindi pa nga ako nakaka get over kahapon. Tapos nakikisabay pa sya sa init ng ulo ko.
"Babalik din yon si Ford 'Dy. At ikaw naman Rai... simula umaga ang init-init na agad ng ulo mo. Meron ka ba ngayon?" anya naman ni Luice.
Napahilamos nalang ako ng mukha at mahinang inuntog ang noo sa mala-batong mesa sa tapat ko. "Hala baka natuluyan na to. Oy Rai, ayos kalang ba?" tanong ni Luice. Napahinto naman sa kaka emote si Wendy at lumapit saakin.
"Hindi. Hindi. HINDI AKO OKAY!!"
"What happened ba kasi? Kahapon ka pa ata badtrip e. You're just silent the whole day. Wait a minute..." Wendy paused. "Posible bang may kinalaman to sa pagkakahiwalay mo samin kahapon? Don't try to lie from us Raixelle, we know you."
Tinignan ko naman sila ng may nag-aalangang mukha. Ayoko na ngang maalala e! Gusto ko ng kalimutan. Pagnaiisip ko yung ginawa ng tukmol na yon. Nanggagalaiti talaga ako sa galitttt. >.<!
FLASHBACK
"Hoy san mo ko dadalhin!" patuloy lang sya sa paghila saakin. Ni wala akong magawa dahil ang lakas nya. "Naririnig mo ba ako?!?"Nagbibingi-bingihan ba to o sadyang bungol talaga sya. "Kapag hindi mo ko binitawan tatawag ako ng pulis!"
Nabigla ako ng hinigit nya ako papunta sa isang eskinita. "A-anong gagawin mo?? M-may binabalak ka noh. Sabi na nga ba---" agad naman nyang nilagay ang isa nyang kamay sa bibig ko.
"Can you please shut up your mouth. You're so annoying! Once they caught us here. This will be your last day on earth. So zip your stupid mouth if you really love your life." galit nyang tugon at tinignan ang chain na nakabuhol pa rin sa bag ko.
"What a cheap bag."
Nagsalubong naman ang kilay ko. "Aba! Porket mukang mahahalin yang mga burloloy mo sa katawan. Eh may karapatan ka ng laitin ang gamit ko. May sentimental value to. Kaya hindi to cheap! Tukmol." Nagulat nalang ako ng binigla nyang hilain ang pagkakabuhol at saka napigtas ang strap ng bag ko.
0__________o!!
"Tignan mo yung ginawa mo.. Sinira mo yung bag ko!!" singhal ko sakanya. "Ayusin mo yannn.!!"
"Tss. Told 'ya. It's nothing but a cheap one. Try to buy the real thing. For you to not regret in the end." aba't-imbis na magsorry, sya pa ang mataas ang tuktok!
"Real thing mo mukha mo! Hindi mo ba alam kung gano yan kahalaga sakin. Regalo pa yan ng yumao kong lolo. TAPOS SISIRAIN MO LANG!"
BINABASA MO ANG
UNREQUITED HEART
Novela JuvenilShe fell in love with him first. But he fell harder to another woman. Hanggang kailan siya magtitiis na makasama ang lalaking mahal mo na may mahal na palang iba. Is there any chance he will reciprocate her love for him? Or she's just wasting her t...