Chapter 12
Her Monday
Raixelle's PovLunes, ang araw na pinaka-hate ko kapag may pasok! Aligaga ako ngayon sa pag-aasikaso ng mga gamit ko dahil sa kamalasmalasan... na-late ako ng gising! Buset kasi yang si Tanawat... Walang kwenta magturo sa math! Sya lang ang nagtutor sakin na palaging galit at mataas ang boses. Wala na akong ginawang tama sa paningin nya. Puro kaengotan daw ang pagsosolve ko! Kaya ayon hindi natiis... tinulugan nalang ako. Napuyat tuloy ako sa pagtatapos sa lecheng subject na yon!
Lumapit ako sa table at kumuha nalang ng sandwich at tinapunan ng masamang tingin ang lalaking to na relax na relax sa pagkain ng sandwich nya. Ngingisi-ngisi naman ang loko sakin. "You really took care of your pair of eye bags huh?"
"Tumahimik ka nga! Kasalanan mo to eh!" sya pa ang malakas mang-asar. Eh kung tinuruan nya ako ng malinaw at mahinahon edi sana nasagotan ko yon ng madali at tama!
"Am I to blame in your own fault?" inosente nyang tanong habang hindi parin mawala ang ngisi nya sa mukha. "If you just attentively listen to your teacher, you'll know how to answer your homework. And if you do it before the day of submission, you will not chase the time and sleep late at night." sabi nya sabay kagat sa sandwich na hawak nito.
"Oo na. Tatay ba kita!"Ang aga-aga pinapataas nya ang presyon ng dugo ko! Ang galing nyang manira ng araw grabeee! Kaya bago ko pa masaksak ng bread knife ang poncio pilatong nasa harap ko ay agad ko syang tinalikuran, kinuha ang bag ko, nagpaalam kila mamshy, at nagmarcha palabas. Mabulunan sana sya!
Natigilan ako sa paglalakad ng may babaeng palinga-linga sa harap ng bahay namin. Mukha atang may hinahanap sya ng hindi ko nakikita! Hindi pamilyar ang feslak nya sakin. Kaya nakakapagtaka naman yatang mapapad sya rito. Nang mapansin nya ako ay saka lamang sya ngumiti. "Oh.. hello there!"
Ginantihan ko rin sya ng pilit na ngiti. "Ahh..anong sadya nila?"
"Is this the Torres residence?" tanong nya at saka ako tumango. "I'm looking for my cousin. Nandyan ba si Tanawat Montri?" tanong nya. Saglit ko namang pinasadahan ng tingin ang nasa harap ko. Maputi, chinita, blonde and wavy ang buhok na ka-level lang ng balikat nya, pointed ang nose, matangkad, pouty ang lips, naka-crop top at maong na ripped jeans habang naka-stilleto. Wow..kabogera ang lola nyo!
"Nandito nga sya. Teka tawagin ko lang." mabilis akong bumalik sa loob at nadatnan si Tanawat na nanood ng Tv.
"Hoy kurimaw! Yung pinsan mo nasa labas!" sigaw ko. Hindi ko na sya hinintay magsalita ay agad nakong pumanhik palabas at binigyan lang ng tipid na ngiti ang pinsan ni Tanawat.
CAFETERIA, sa parihabang mesa nakalatag ang mga pagkaing binili naming magkakaibigan. Katabi ko si Luice sa right side habang katapat sina Wendy na katabi naman si Monti. Sa gitna ng pagkakatuwaan namin ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang bulungan ng estudyanteng malapit lang sa kinaroroonan namin.
"Maiba tayo, nabalitaan mo na ba na break na raw si Krystal at Priston."
"Oo, sinabi nga sakin ng kaibigan ko. Sayang naman sila."
"Kaya nga eh. Ewan ko pero ang sabi ng iba kaya sila naghiwalay dahil dun sa babaeng kasama ni Priston. Yun daw ang nabanggit ni Krystal na umaaligid kay Priston ayon sa source ko."
"Sino namang babae? Sino sakanila?"
"Ahm..If I'm not mistaken, Raixelle name nya."
BINABASA MO ANG
UNREQUITED HEART
Teen FictionShe fell in love with him first. But he fell harder to another woman. Hanggang kailan siya magtitiis na makasama ang lalaking mahal mo na may mahal na palang iba. Is there any chance he will reciprocate her love for him? Or she's just wasting her t...