Chapter 20: Euan's Brother

47 14 0
                                    

A/n: Sorry late update. Naging sobrang busy lang sa school. Anyways, SalamaThankyou sa mga patuloy na nagbabasa at nagvovote. I well appreciated your supports. Tankyow!

Enjoy reading!

_________________________________________________________________

Chapter 20

Euan's Brother

Raixelle's Pov

Parang ang bilis ng mga pangyayari ngayon. Simula kay Jusua na nagbanta sa buhay namin na assassin pala ni Mr. Narong, which is Daddy pala ni Tanawat. Idagdag pa na utusan ako nito na kumbinsihin ang anak nya na pumayag sa kagustuhan nyang maging parte si Tanawat sa kompanya nila. Tapos bigla akong nagkaroon ng bagong kaibigan na akala mo tatahi-tahimik 'yun pala kabaliktaran ng ini-expect mo. Para ata akong nananaginip. Isang panaginip na mahirap paniwalaang nangyayari sa reyalidad.




"Ang takaw mo palang kumain." biglang komento ni Euan.




Dahan-dahan kong ibinaba ang kubyertos ng mapansing tutok na tutok sya sa akin. Nasa isa kaming restau at kakaunti lang ang tao ngayon. Bigla ata akong nahiya sa pagkain. "Heheh.. sensya na, gutom eh."




"It's okay. Kung gusto mo pa, mag-order ka lang. Libre ko naman." ngiti nya.




"Ahh, hindi na. Ayos na sakin 'to." He's about to speak when four girls suddenly showed up. Naka-uniform sila pero hindi ko alam kung saang school sila. And I think, kasing edad lang namin ang mga 'to.




Euan smiled. "May kailangan ba kayo?"




Nakita ko namang pasimple silang nagtutulakan habang hindi mapunit ang ngiti ng apat. I just stayed silent. "Ahh, p-pwede po bang magpapicture sainyo?"




"Sure." Euan answered. Nagsitilian naman sila. Hindi nga halatang kinikilig ang mga 'to. Note the sarcasm.




"Miss, pwedeng pakipicturan kami." lapit sa akin ng isang babae habang lahad-lahad ang phone nya.




Grabe, ginawa talaga akong photographer? Sige ba, pipicturan ko sila pero sakin nakaharap 'yung cam. Whahaha.. joke.




Tumayo na si Euan at pumwesto sa gitna 'nung apat. Todo ang dikit nila sakanya kaya nakikita kong naiipit na si Euan sa pagitan nila. "Ahh girls..." distansya o ambulansya. Charott! "Distansya lang kayo kahit 1 inch lang sa kaibigan ko. Napipipi nyo na."




Nakita kong napaikot ng eye balls ang nasa kaliwa ni Euan at lalong nilapit ang sarili sakanya. "Sige, 'pano 'yung 1 inch?"




Bahagya akong nashookt dahil hindi ko inasahan ang sagot ni candidate number 1. Akala nya ba papatalo ako? "Ahh sure. May ruler ka? Ako na susukat sa kapal ng make up mo?"




Kita ko ang biglang pagsalubong ng kilay nya. Pero bago pa sya makapagsalita, iba ang sumagot para sakanya. "Wow. Eh kung i-ruler ko kaya 'yang panget mong pagmumukha. You donut dare lait-lait my bestfriend!"




Napailing ako. Gusto ko sanang tumawa kaso pinigilan ko lang. Syempre papatalo ba ako? "Don't donut donut me empty coconut. It really makes you nutnut." pabalang na biro ko. Then I heard Euan's snorted while silently watching us. Muka namang hindi natuwa sa biro ko ang apat kaya lalong nagdugtong ang mga kilay nila.




"How dare you!"




"You dare me." ngisi kong anya.




"Okay...enough of this. Kailangan na pala naming umalis ng kaibigan ko." pagitna ni Euan at kinuha ang phone sa kamay ko at ibinigay 'dun sa babae. "See you when I see you." anito sabay kindat.

UNREQUITED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon