Chapter 38: New Life

45 4 0
                                    

RD: Ito ang pagkakataong ginagahan akong mag-update kaya nilulubos ko na. ヽ(^。^)ノ

***

Three months later.

Raixelle was able to quickly adjust to her environment. But she had a hard time understanding Ilocano words here in Ilocos. Mayroon siyang kakaunting natutunan pero mga basic lang. Wala siyang problema sa mga taong nakilala niya rito dahil marunong naman silang magtagalog.

Nakakalungkot man na agad siyang nagpull out sa klase kahit malapit na ang graduation. Mabuti nalang pinagbigyan sila ng school na kunin agad in advance ang mga credentials nya.

Sa tatlong buwan na nakalipas ay nagkaroon siya ng bagong kaibigan. She learned how to swim because the ocean here is just nearby and can be walked. Mas naging close rin siya sa mga kamag-anak niya rito.

Simula nung umalis sila ay tinupad niya ang gusto ni Mr.Narong. Pinutol niya ang ano mang koneksyon niya kay Euan o kay Tanawat. Minsan nakakausap niya pa rin ang mga kaibigan niya. Euan tried to call her many times but she declined all of it. She even changed her phone number. Kaya rin sa social media niya nalang din nakakausap ang mga kaibigan niya dahil baka ibigay lang nila ang bagong numero niya kay Euan.

Euan did everything just to talk to her. He emailed her, message her on social media, call her parents. Pero wala siyang nakuhang sagot mula sakaniya.

“Oh tapos anong nangyari?” Panda was very attentive everytime she tell her story.

Pan Danileen is her neighbor with the same age as her. Siya ang unang naging ka-close niya sa lugar na ito.

Kinukwento niya 'yung panahong nasa loob sila ng bus habang hinihintay na makarating sila sa destinasyon nila. “Lumipat kami ng upuan sa unahan para malapit nalang kami sa pinto ng bus. Nakatingin lang ako noon sa harapan. Tapos biglang kinausap ako 'nung driver sabi niya Pagdissaagan yo ading?"

“Oh anong sabi mo?"

“Wala. Ano namang sasabihin ko eh hindi ko nga naintindihan sinabi niya.” Sabay tawa nito. “Ading lang naman naintindihan ko which means is someone na nakababata sayo or bunso. Na-speechless ako ron. 'Di ko talaga alam irereply ko. Buti nalang nagsalita si mama ang sabi niya ‘Ah d'yan lang po sa cabaggan.’ don ko lang narealize na tinanong niya kung saan kami bababa."

They shared laughs and then continue her story. Ito ang isa sa mga past time nila habang nagbabantay siya ng tindahan ng tita niya. But they were interrupted by her mother who's holding her phone. “Ilang beses ng tumatawag sa akin at sa papa mo. Kausapin mo na."

She already knew who she was talking about. Hindi pa rin tumitigil si Euan sa pagtawag sa mga magulang niya. Noon unang beses na umalis sila ng walang paalam, dinahilan niya na natrauma siya dahil sa sunog na nangyari kaya ayaw niyang may makausap sakanila. She even reason out that she was still in healing process. Ngayon ano pwede niyang idahilan para lubayan na siya ng binata.

She heavily sighed and took the phone.

Tita please, gusto ko lang makausap si Raixelle. Kahit saglit lang. I beg you—”

“It's me, Euan." iniwan muna siya ng kaniyang ina at kaibigan upang makapag-usap sila.

Raixelle?"

“Ako nga.” she paused. “Pwede bang tigilan mo na ang pagtawag sa mga magulang ko. Don't bother them anymore."

Paano ako titigil kung hindi mo ako kinakausap? I know your traumatized about what happened three months ago. So i gave you enough time to rest. Hindi ako tumawag ng ilang linggo kahit na gustong-gusto kong malaman ang kalagayan mo. I can't sleep thinking about you. And as the days passed, i begin to notice something..."

UNREQUITED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon