Chapter 33: Kidnapped

36 5 0
                                    

WARNING: SPG po tayo ngayon. R-99 charott! Oh, oh walang BS dito wag kayong umasa bata pa utak ko. Heheh. You can encounter alot of offensive word.

I wont filter any of it. Pang-unawa ang aking kailangan.

YOU HAVE BEEN WARNED!

***

Third Person

The night is still young. Everyone enjoys the party of the debutant. Ang ibang kaklase ni Raixelle ay hindi makapaniwala na nakita nila ng personal ang grupo ng Eighty-One.

Meanwhile, Euan kept glancing at her from time to time. Nasa kabilang table ang dalaga kasama ang mga kaibigan nito. Samantalang sya ay kasama ng mga boys.

“You're here but you're eyes were locked to the celebrant.” ngising komento ni Art.

“Puntahan mo na kasi bro. Halatang napipilitan ka lang ata na kasama kami.” tawa ni Priston.

“Ewan ko sainyo.” tinapik naman sya ni Gun at tinanguan.

“Just go.”

Euan was about to stand when he saw Raixelle standing there, looking stunned. Tinignan nya kung saan ito nakatingin.

Nakaramdam sya ng kirot sa dibdib nang makita ang kuya nya na nakatitig din sa dalaga. Para syang nanonood ng telenobela nang maglakad sila papalapit sa isa't isa.

He's clearly aware of what's happening. Raixelle was pretending to be happy infront of them. But infact, she was expecting Tanawat would really come. Hindi nya alam kung matutuwa ba sya o maiinis.

Nakikita nya kung paano lumiwanag ang mga mata ng dalaga nang makita si Tanawat. Pero hindi nito mapigilan ang pagbigat ng kanyang dibdib.

Sinundan ng kanyang mga mata ang paglayo nila sa venue. Ngunit natanaw naman nya sa pinakadulo ng garden sila nagtungo.

Bumalik nalang sya sa pagkakaupo na laglag ang balikat.

“Akala ko ba pupuntahan mo sya?” tanong ni Monti.

He shrugged. “Naunahan na ko. Kuya was here. Pagkatapos kay ate Tylie... kay Raixelle naman.” mapakla nyang ngiti.

“Oohh, my taste bud reaches the bitterness of your tone men.” Krit teased.

“Ang bagal mo kasi. Bilis bilisan mo naman para hindi ka nag-eemo ng ganyan.” sabay apir ni Priston kay Art.

“Buti pa nga si Raixelle dinaanan nya. Eh satin hindi manlang nangangamusta.” may halong hinanakit na ani Gun.

“You already know Tanawat. Aren't you used to him?” halakhak ni Bank.

“Sana naman hindi sila magtagal.” bulong nya sa sarili ngunit umabot sakanilang tenga.

“Yeah. There's no liquor here to get wasted, so an Ice tea for now.” si Ice na nilahad ang juice sakanya. “And don't worry,  I can feel they wont be long. They should be. Because I need to talk to her.”

Nagsalubong ang kilay nya. “Ano bang pag-uusapan nyo?”

"It's confidential.” ngisi nito. Sinamaan nya ito ng tingin. “Oh, oh. Don't give me that look. I'm not going to steal your girl. We will just talk.”

Uminom nalang sya ng ice tea at nagpatuloy sa kwentuhan. Ngunit hindi nagtagal ay natigilan sila sa pag-uusap dahil sa malakas na tunog ng fire alarm.

Nagsitayuan ang mga tao. Nagsimula silang magbulungan.

“The hotel is on fire!” rinig nilang sigaw ng kung sino. Hindi nila alam kung saan nanggaling ang boses ngunit panlalaki ito.

UNREQUITED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon