Chapter 30: Suspicion

48 9 2
                                    

RD: Special thanks kay denderenden_denden
***

“Hoy! Nakikinig ka ba?” bahagya akong nagulat sa bunganga ni Wendy. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang iritado nyang mukha.

“Huh?”

Then she face-palm. “Kanina pa ako salita ng salita rito, wala ka manlang narinig sa pinagsasabi ko. You're spacing out again.”

“Hayaan mo na 'Dy. Malay mo napuyat sa pagpeprepare ng debut nya. Ikaw nga gan'yan din last year. Hindi ka makausap ng matino.” komento naman ni Luice.

Tama naman ang sinabi nya. Pinaghahandaan talaga namin ito ng pamilya ko. Gusto nilang pulido ang lahat bago sumapit ang kaarawan ko. Ang kaso hindi lang naman 'yon ang iniisip ko. It was about last night. Matapos ng gabing 'yon, hindi ako nakatulog ng maayos. Dahil paulit-ulit kong naalala ang mga nasaksihan ko sa madilim na parte ng bar na 'yon. Nakadagdag ito ng impormasyon sa kung sino talaga ang kinikita ni Tylie.

Hindi ako sigurado kung sino sakanila. But I am very sure of what I heard from them— I just never thought they could do this to Tanawat.

“I really like you Raixelle. ” he confessed. “From the time I met you until now.”

“P-Pero hindi ba celebration 'to nila—” he stopped me.

“I made them all. This is really for you Rai. Gustong-gusto kong magtapat sayo pero natotorpe ako. Kaya plinano ko ang araw na 'to para sabihin ang nararamdam ko sayo.” then he caress my face.

“Let me court you.”

I swiftly turned my eyes to see Tanawat's reaction. For some reason, I need to know what his thoughts. Kung tutol ba sya or ayos lang ba sakanya? But to my dismay, he just seated there with no expression at all.

“C-Can we talk... in private?” pakiusap ko sakanya. Ayokong may makarinig sa pag-uusapan namin lalo't nand'yan si Tanawat.

“S-Sure.” saka sya lumingon sakanila na halatang nag-aabang sa amin. “Lalabas muna kami saglit. Just enjoy the night and have fun!”

Tahimik kaming pumunta sa lugar na makakapag-usap ng kaming dalawa lang. I feel awkward to his sudden confession. Nagbuhol-buhol ata ang dila ko kaya hindi ko alam anong eksaktong sasabihin sakanya.

Malalim syang napabuga ng hangin. “Alam kong hindi mo ito inaasahan. Nagulat ka siguro sa pag-amin ko.”

“Kung may kinalaman ito tungkol kay Tanawat, hindi mo—”

“No. I meant everything what I've said Raixelle. Walang kinalaman dito si Kuya. And I don't care if you have feelings for him. That'd never stop me to love you more. To pursue you more.”

“Pero ayokong umasa ka sa wala. I cannot guarantee to love you back Euan. You're special to me. At ayokong mawala ang pagkakaibigan natin.”

“Kung aasa man ako at masasaktan sa huli, desisyon ko 'yon. I won't stand here without a fight. I will prove you how much you mean to me! I will prove you I am better than him! Hindi ako susuko hanggat may nakikita pa akong pag-asa. Hayaan mo lang akong ipakita sayo Raixelle.”

I looked downward. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong isagot o idugtong sa sinabi nya. Nanatili lang akong tahimik. Hanggang sa sya na mismo ang nagpasya na bumalik kami sa loob.

“One more thing...” pahabol nya na ikinatigil namin sa paglalakad. “Para mapatunayan ko na seryoso talaga ako sayo—I would like you to meet my parents.”

UNREQUITED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon