Chapter 11: Childhood Friend

205 15 0
                                    

A/n: Summer na! Miming na tayo oh, hahaha..

____________

R a i x e l l e ' s P o v

"Raixelle?" napahinto ako sa paglalakad at ganun rin si Tanawat. Gulat kong tinignan si Luice na napatingin pa sa katabi ko. "Sinong kasama mo?"

"A-ah..eh s-si ano--" Shems, bakit ba ako nauutal?? "Ah Luice si Tanawat." sagot ko.

"Wala kang nababanggit saming Tanawat. Anyways, mukang may lakad kayo ah." Saad nya. Tahimik naman sa tabi si Tanawat habang nakatingin sa malayo. "And he looks somewhat familiar." dagdag pa nito.

"Ang totoo nyan-"

"Can we just go home?" biglang sabat naman ng katabi ko.

Nagsalubong ang kilay ni Luice at masinsin akong tinignan. Nakaramdaman naman ako ng kaba dahil mukang wala akong lusot sa tingin nya palang. "Raixelle may hindi ka ba sinasabi sakin?"

"Ah.. ano kasi---"

"EXPLAIN everything." saad nya pagkaupong-pagkaupo palang namin sa sofa. Nasa kwarto ko naman si Tanawat at doon nagpapahinga while si Papsy nagpapakain sa mga manok nya at si Mamshy umalis saglit. Naiwan naman kami ni Luice dito sa sala. "Si Tanawat yung sinasabi kong nakabanggaan ko sa mall at sumira ng bag ko. Sya rin ang nakasagutan ko ron sa cafe ni Tita Cecille."


"So bakit sya nandito?"

"Nakita ko kasi sya kagabi na binubugbog. I just helped him out. Besides, sya rin ang nagbayad ng buong renta ng bahay. Kaya pumayag sila Mama na pagbigyan ang pabor nyang paninirahan dito pansamantala."

Sandaling katahimikan habang sya'y mukang nag-iisip. Tumingin muna sya sakin ng seryoso bago nagsalita. "Ford Montri." usal nya.

0___________o?!

Gulat ko syang tinignan at nginisihan naman nya ako. "He's Ford Montri,right?"

"P-paano mo nalaman?"

"I told you he was somewhat familiar. Then I've realized namay hawig sya sa Thai Boygroup na Eigthy-one which is Ford."

"Then how made you so sure na sya nga talaga yon. M-malay mo kahawig lang pala."

"Instinct." tipid nyang sagot. "At tama naman ang hinala ko."

I just sighed. "Psh. Oo na! Basta wag mo nalang sasabihin sa iba. Ayokong gumulo ang buhay ko dahil sa mga fans nya."

"Kaya ka ba umalis ng maaga sa party ni Priston?"

"H-huh?"

"Because you were with him that night?" dagdag nya pang tanong.

"Ihahatid ko sana sya sa bahay nila. Kaso hindi naman nya sinasabi kung saan. K-kaya wala akong choice kundi dalhin sya sa bahay." sabi ko habang nakatungo.

UNREQUITED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon