First Encounter with TylieRaixelle's Pov
Kanina pa pagala-gala ang isip ko sa buong oras ng klase. Minsan nga naisip ko kung estudyante pa ba ako. Eh halos wala naman akong naiintindihan sa lesson. You know lately, I can't focus on my studies dahil sa lintek na problemang kinakaharap ko. I don't know how should I end this sht. Nakakainis na kasi.
Pero mas naiinis ako sakanya! Parang kahapon lang noong sinabi nya sa akin na poprotektahan nya ako. May pa I'll be here pa syang nalalaman. Pero anong nangyari? Ayon, nan'don sya nakaglue sa lugar ng girlfriend nya! Alam kong wala ako sa posisyon na magdemand. Hindi naman kami at lalong hindi naman ako ang mahal nya.
Sige lang self, ipagdiinan mo pa.
Nagseselos ako pero anong magagawa ko? I have no right but to let this feeling goes to nothing. Simula ng malaman nyang lumipad si Tylie dito sa pinas, lalo syang naging busy. Parang sa isang iglap nakalimutan na nya ako. Nakalimutan nya na ata 'yung banta ng Daddy nya sa amin. Ganon ba kapag nagmamahal? Everything will be invisible and all you can see is the person you love.
Bihira nalang nya ako ihatid at sundo. Pero ang sabi nya may nakabantay naman sa akin sa malayo para sa kaligtasan ko. Hays, pwede bang bumalik nalang ako sa nakaraan noong araw na hindi ko pa sya nakikilala? Para naman maiwasan ko agad na magkrus ang landas namin.
"Anong meron sa kisame?" bumalik nalang ako sa reyalidad sa nagsalita. Nakatingin pa ito sa itaas para tignan ang nandoon.
"Naghahanap ako ng sagot sa answer." takang tumingin sya sa akin at binalik ang paningin sa kisame.
"Wala naman akong makitang sagot sa answer mo." ngumisi itong tumingin sa direksyon ko. Napailing ako at bahagyang ngumiti.
"May naisip lang ako."
"Care to share?"
"Hindi ka lang madaldal noh. May pagkachismoso ka 'rin." biro ko.
Kumuha muna sya ng bangko at paharap na nilapit sa tabi ko saka sya umupo roon."Kanina ko pa kasi napapansing tahimik ka. Parang ang lalim-lalim ng iniisip mo. As if you're carrying the world over your shoulder and you preferred to be loaded by yourself."
I heaved a sigh.
"Wag mo sanang kimkimin sa sarili mo ang problema kung meron man. Nandito naman ako. I'm all ears. Kahit ano pa 'yan, makikinig ako."
mapait naman akong ngumiti. I don't know if that's a good idea. Involve ang daddy nya rito at hindi ako sigurado kung may alam ba sya sa pinaggagawa nito. Euan has nothing to do with my problem. At ayoko rin syang madamay. No any sign or movements from Mr. Narong and I'm afraid that sooner or later he'll do anything against our safety. Natatakot ako na baka nakaabot na sakanya ang balitang nalaman na ni Tanawat ang pinapagawa nito sa akin.
BINABASA MO ANG
UNREQUITED HEART
Teen FictionShe fell in love with him first. But he fell harder to another woman. Hanggang kailan siya magtitiis na makasama ang lalaking mahal mo na may mahal na palang iba. Is there any chance he will reciprocate her love for him? Or she's just wasting her t...